SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Biyernes, Oktubre 2, 2020

NUCLEUS (Looking back to alaala)

NUCLEUS (Looking back to alaala)
(Kwento)

Binuklat ko ang dating diaryng inaamag na sa sulok ng kabinet ko. iyon yung binayaran namin ng 60pesos kay Mam. Corazon bilang project namin sa VALUES. Binili namin 'yon ng wala pang design. yung pang project talaga na ikaw mismo ang bubuo, magdedesign.
kumpleto ang materials: isang mini diary book (dedesignnan), may mga maliliit na butones, durog na marmol, pinulbos na ascobar, glitters (na mahirap tanggalin sa mata), at isang plastik ng malagkit na glue -na mabaho (yung pangdesign).
sa iyong artistry, sa kung anong design mo gusto, sa mahika ng krieytibiti mo ibabase ni Mam yung makukuha mong grade. no count kung pinag-ipunan mo man ang ipinambayad mo o niluhuran ng katakot takot sa magulang ang 80pesos na pambayad ng nasabing project. (yung bente para sa pagod) pero ang sabi ni Mam, basta't walang design, wala ring grade... as is.
ang gusto ni mam, may malawak na emahinasyon, may effort talaga, yung makulay, yung ginamitan daw ng utak at puso (yung gamitan ng utak pwede pa, pero pag gamit sa puso. parang malabo) highblood kaya tatay  ko. na namana ko pa bago siya mamatay.
malawak kasi ang emahinasyon ni mam -madalas siyang magkwento ng kababalaghan tungkol sa iskul namin (oo't marami kaming nauto niya) kung idedescribe: madalas siyang nakabestida, yung medyo may kaluwangan -na hindi masasabing mataba siya. dahil tago ang nag-aalugang mga beltbags (bilbils) sa loob ng damit. hindi naman masyadong mataba si mam. (medyo chuby lang konti ang pagka-chubbiness) tapos parang pilit pinaliliit ang leeg sa kanyang suot na kwintas (oo nga naman, napapansin kasi ng mata -yung mga bagay na makintab o kumikinang, nakalagay man yun sa putik o tae ng kalabaw) na kung pumupulupot yung kwentas sa kanyang leeg ay para siyang ginagaroteng inahing baboy sa paraang pagsakal ng lubid pero walang talab (kasi hindi makabaon) sa halos lumuluwang taba ng buong katawan (yung balakang ko hita niya lang)
naninilaw madalas si mam sa suot niyang gintong alahas: hikaw, singsing, pulseras, relos at kwintas. walang dudang ginto ang mga 'yon. -mayaman kasi si maam. siya lang ang alam kong may pinakamagarang kotse na nakapark sa tapat ng covered court ng eskwelahan namin na hindi naman sadyang ginawa bilang parking lot. ewan ko kung galing sa mayamang pamilya si mam. o galing sa pamilyang mayaman ang yaman ni mam. (baka  nakapamikot ng Rich -na bulag) o kaya, maaaring galing sa hirap at pagod ni mam ang kanyang yaman ngayon mula sa ilang taong pagiging guro; pinag-iisipan pa lang daw ng mga magulang ko na buuin ako e, nagtuturo na siya - ibig sabihin (napakaraming estudyante ang hindi agad grumadweyt, dahil sa kanya) si mam ay isang masipag at matipid na guro (sa tipid niya nabawasan ang paborito niyang pampalipas ng oras -ang pagkaing hindi na limang beses sa isang araw -4 1/2 na lang).
sa katipiran niya: malamang inipon niya lahat ang mga nakolekta sa mga sobrang class fund (may hinala akong hindi talaga alamat ang pagkawala ng class fund namin), naitatabi niya lahat ang mga gamit ng Bond paper, mga papel, written report, mga test paper at paper profile ng kanyang nagiging estudyante. syempre sa tagal niyang nagturo -malamang nakaipon siya ng ilang truck ng mga papel, o ilang bodega, o isang planetang puno ng papel. tiba-tiba siya sa halaga nun oras na maipatimbang na sa junkshops. o kung tutuusin maaari siyang magpatayo ng ng ilang pabrika ng mga recycled paper- yung mga luma't gamit ng papel ay gagawing bago uli, o kaya pabrika ng Artworks, Displays-Handicrafts na mula sa naipon niyang papel... dahil may malawak na imahinasyon nga si mam, hindi na siya siguro nahirapan sa pagdedesign. malamang ring yumaman siya dahil sa pagpapaclearance ng mga estudyante. (lagot ang mga incomplete)
Sa dami ng mga hinihinging requirements para sa mahirap at nakakapagod na gawaing pagpirma sa clearance sheets ng mga masisipag nilang mag-aaral… bawat estudyanteng magpapapirma ay magbibigay ng basahan , bunot at floorwax o folder at manila paper… syempre mas malaking halaga kapag nabenta na ito. Walang puhunang nilabas (maliban sa ilang pawis at dugong pumatak sa mahirap at nakakapagod niyang pagpirma) at grabe ang kita. Pero tiyak mas ikakayaman ni Mam ang kumbinasyon ng lahat ng ito; sabi ng ilang mga naging guro ko hindi ka raw yayaman sa pagiging titser. Ganun? Siguro nga , lalo na sa panahon ngayong machine base na ang eleksyon. (since 2010). Mawawala na siguro sa mga phonebook nina mam sila palakaibigang Politiko.

Marumi na ang balot ng diary book ko. Sira na rin yung Design (kung design man ýon) na talagang pinagkapuyatan kong pagandahin (at sa tingin koý pinakamaganda na ýon sa lahat ng mga proyekto kong in-Overnight din)
Karamihan sa mga klasmeyt ko ginawa nilang Autograph Book o Dedication book ýong Diary Book nila. Dahil sa last month na namin sa highschool noon –tinuring na naming last message yun sa isa’t isa “mi ultimo aDios…” ang tema. Gumaya rin ako. Kainggit naman kung hindi gagaya sa mga nauna nang nainggit na gumaya rin sa iba… pinasulat ko sila, pinasulat nila ‘ko. Nagsulatan kami ng mga last message namin sa isa’t isa. Naaalala ko pa kung ano yung mga sinulat ko sa mga Diary con Autograph nila. Ýung mga salitang hindi ko akalaing isusulat/maisusulat sa mga ganoong pagkakataon, na may ganitong konotasyon:
Insert:
The Counted Bliss…

The shadow of days shed the yells
The moonlight covers the wounded dreams
The blissful bonds built my fears
Of longing in days of unceaseless hails

The river will flood the passageway
A path of past by the river of years
So hold the torch with fire this day
To burn the look warm cheery play

But before the night destroy our feast
I’ll bondage the scars of ours to heal
I’ll vomit all my unchewed will
To bring back the smile to seal

And I’ll calmly wait to the counted bliss
My inkless mind longs these places
I knew it brings luck not untraced
With tears of parting yet undigested

At ilang pangyayaring hinihingan ng hindi paglimot kundi ang pagsariwa sa nakaraan. Ilang mga larawan na nabubuhay sa loob ng apat na sulok ng kwadrado ng ating isipan, na patuloy na hihitik, mamumunga at uugat sa ating pagkatao, ng ating pagiging tao. Mga larawan ng kasalukuyang pangmumuni patungo sa nagdaang mga araw –ang larawan ng nakaraang kahapon, ang mga alaala ng noon, ng nilimot ng panahon…

Binasa ko uli ýung mga nakasulat sa inaamag ko ng Diary Book sa sulok ng kabinet –yung mga last message ng mga naging kaklase ko… na hindi ko lang naging mga kaklase–kundi naging kaibigan ko pa: na kahit isang taon ko lang sila naging kaklase sa loob ng masikip na silid –na walang bentilador (kundi butas na mga salamin ng bintana ang lagusan ng hangin, ay parang kilala na nila ko, nakakatawa, /nakatutuwa ka!, ayus ka!, mabait ka!... mga ganitong pagkilala. Parang kilala? Parang lang. hindi pa kasi nila ko talagang kilala. Yung kilalang kilala. Sabi nila ang makakakilala lang ng tunay na ikaw ay ikaw mismo. ...pero parang malabo pa ýon ngayon, kasi yung ako mismo na kikilala sa tunay na ako e, hindi parin kilala ang tunay na siya. Parang...naghahanapan. parehas missing Identity. Yung hindi pa alam kung sino siyang talaga. Iyong totoong siya. Parehas naghahanapan ng tunay na pagkatao. Ýung totoong tao:
Naghanap sila sa bundok ng basura, sa sta. Mesa, sa malaria, sa amparo, sa baguio, sa tala, sa balara, sa pasay, sa laguna, sa mga mall… pero Wala ?!
Binungkal nila ang lupa, binutasan ang daigdig, nakita ang mantle layer, pati yung core… nabutas ang ibabaw at ilalim ng daigdig –parang earth axis na pagkakabutas… Pero Wala ?!
Hinanap sa kung saan, gumawa ng Space Rocket… at itinali sa sarili yung Space Rocket, (o sarili ang itinali sa Space Rocket ) …naghanap sa Space, bagamat pinabagal dahil sa Gravity… Pero Wala?!
Tapos bumalik uli sa umpisa, parang isang mahabang Koro ng kanta. Tapos, magfe-fade after instrumental habang patuloy na naghahanap… walang sinasayang na oras sa pagsasayang ng ilang pilas ng mga papel, patuloy na naghahanap –di tumitigil hanggang may mapala. Bumigkas ng Quotes, “wala pa naman ang wakas, ngayon palang ang simula.“

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...