Pipitong dahon na lang ang matibay at malapit ng magpalit ng kulay punpun na ng kalat sa daan himig ng hanging malumanay... sa nanganganib na sanga titikwas narin ang bandana ang panyong may pinta, sumpaan ng pagsasama... mainip na yakap ng araw makapaso'y tagos sa pagdungaw nakasisilaw...sa hataw ng piping alingawngaw.... nauuhaw na ang lupa hindi naman maidilig ang aking luha pagkat gutom narin ang nanghihinang puno hiling nito'y baha... nagwakas na ang pagbilang wala ng mga alon sa pampang natakpan na ng ulap,ang bitwing makikinang said na rin ang patak ng ulan... ang alaala sa dating tagpuan isa-isang lumilisan, ginigibang tanggulan, nilang wala ng pakialam. nalalanta na sayong gunita, unti-unti, isa-isa... nalalagas ang dahon ng alaala... ganun nga kaya???
-abfs
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento