BULSALAYTIS
Kuyom na palad ang bibilad sa tigatib
kahit tigang ang sikmura sa pagkalam
kailangan man'y yuyukong walang tugon
ang humingi ay masasamid, isang buntong. . .
kanino pang haligi sasandal ang pamilya
kung inaanay ang pundasyon sa hika
puro wala, puro wala at wala
butas nga ang bulsa sa pagdukot sa wala. . .
sa hantungan ng taong kaibigan ay patay
imbalsamado ang turing sa itay-
buhay pa ay sumaka-bilang buhay, inaanay. . .
di mabilang na paghiram sa kahungkagan ng hukay
hanggang sa maitulak sa hinukay ng anak
lumubog sa paglitaw ng bilang at haba
kung makabayad ay dugo na ang isinanla
nagwala,nawawala at magwawala
ng silang lahat ay yumao ang paggalang
-073008
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento