LABANDERO
(balde)
may alingasngas ng tubig sa aking palad
habang kinukusot ang pagkabagot sa oras
sumasabay sa hampas ng mga alon sa pangpang
na parang nakasakay ang paa ko sa ulap
. . ..walang bilang ang buhanging taglay ng dalampasigan
mayroon man'y hanggang kamatayan ang sukat ng pagbilang
pagkasuya lang sa lasa ng pagbula
-sa dagat na hindi masisid. . .
nagtatampisaw ang paa ko sa daluyong ng alon
nang narinig ang batang humihingi ng tulong
kumakawag sa nanlalamung katubigan
sumisigaw ng pariralang walang kaayusan
napuna kong wala na ang ibang nandoon
maliban saming dalawa
(animo'y pinaglalaruan ng ilusyon)
may awa sa aking matang lumuluha ng takot
kasunod nun ay paglusong sa bangungot
nakita kong kumakawag, at humihingi ng tulong ang aking sarili na nangahas na mansagip
marahil ay nakalimutang hindi pa nakalalangoy sa tanang buhay. . .
-nagising akong naghihilamos ng bula sa batya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento