TIYANAK
Ni Reymond salvador
Gabi. Nakaupo sya sa may bangkitong gawa sa kawayan. Nagmumuni-muni habang pinapakain ng tirang tinik ng isda si Meomeo -ang alaga nyang pusa. Katatapos lang nilang kumain. Subalit gaya noong nakaraang araw hindi ginalaw ng kaniyang ina ang plato nito ni sumubo ng isa man lang. Paano’y may dinaramdam na karamdaman kaya’t bibihirang dalawin ng gana sa pagkain. Puros tubig lamang ang hinihingi nito at ang isang tableta ng gamot na bago inumin ng ina ay may ritwal itong hatiin muna sa gitna ang gamot upang maging dalawa. Mga ilang lingo lang na ganito ang kalagayan ng kanyang ina ay malaki na ang ikinapayat nito. Tuloy hindi rin sila makakain ng masigla dahil sa pag-aalala, lalo na ang kanyang nakatatandang kapatid. Kaninang kumakain sila ay agad itong umalis. Nakita nyang nagbihis ito at nagbilin sa kanya na bantayan muna ang ina pagkat may bibilhin lamang daw sa tindahan. biskuit, o prutas o gamut ang hinulaan nyang bibilhin ng kapatid. Marahil sa mall ang punta nito dahil bibihirang isuot ng kanyang kapatid an gang natatanging damit na huhling iniregalo ng kanyang ina sa kaarawan ng kapatid bago ito maratay dahil sa sakit. Noong nagtatrabaho pa ang ina sa Morayta.
“meow…moew” ang halinghing ng kanyang pusa. Nakita nyang napatingin si meomeo sa kanya na tila nang-aalok ngpagkain. Napangiti siya. Pinagmasdan ang alaga pusang muling bumalik sa pag-kain ng mga tinik ng isda. “Mabuti pa si Meo meo…” naisip nya, mabuti’t naging kaibigan nya si Meo meo –ang tanging nakikinig sa kanya tuwing malungkot siya at walang makausap, tuwing walang nais na makipaglaro sa kanya, tuwinang nagiging tampulan siya ng tuksuhan sa kanilang lugar. Muling sumagi sa isip niya ang isang kaisipan: "Putok sa Buho!!!" ang malimit ipintas sa kanya ng mga kaedad. Ngunit papasok-lalabas lamang ito sa kanyang malaking tenga na lito at hindi parin nauunawaan ang ibig ipakahulugan ng pintas na 'yon. Ipagtanong man niya sa iba ay walang sumasagot, tanungin man niya si meomeo ay wala itong maisagot, bukod sa meow meow nito! Kaya’t sarili na lang ang lagi niyang tinatanong. Maraming sagot ang kaniyang sarili. Hindi niya nga lang alam kung tama ang sagot na 'yon. maaaring ang 'putok sa buho' ay simbolismo lamang ng mabaho niyang kilikili, maaari ring ito'y dumi nyang binabalot lang sa papel o plastik na pagdaka'y ihahagis sa ilog, papaanurin sa sapa o iiwan na lang sa kung saan; maaaring pauso lang ‘yon na salita tulad ng ABNORMALITES, ASHTIGS, BWAKANABITS, BRUTATETS, SHENELYNS,CHURVAH,...o anu pa man. Kung may tama man sa sagot niya ay hindi niya alam. Basta’t ang mahalaga'y hindi s’ya apektado ng salitang iyon... (Hindi masyado)
Malinis na ang kainan ni Meomeo. Simot ang tinik nitong kanina lang ay parang bundok sa dami. Galing pa 'yon sa sosyal na restawran. Kaya si Meomeo ang alaga ni Melchor, sosyal! (Paano’y sosyal din ang amo -madalas galing sa sosyal na resto ang inilalaman ng tyan) mabait kasi yung waiter sa may sosyal na restaurant. Lahat ng tira-tira ay sa kanya na, libre, ibinibigay sa kanya. Nakaestayrofoar pa at nakapackage sa loob ng itim na plastic bag. Doon sa likod tambakan ng sosyal na resto.
Sa kanyang harap makikita niya ang isang dagang tatakbo sa harap ni Meomeo. Tila nagpapahabol (parang may iniwawagayway na telang pula). Nakita ni Melchor na nanliyab ang mata ni Meomeo –tila may Kristal ang loob ng mata nitong bilog na bilog… mabilis na susundan ang tumatakbong daga. Hinabol ito ng kanyang pusa. At wala ring nagawa si Melchor kundi sundan ang alaga “meomeo –sandali. Kakakain lang! meow…baka magkaapendisitis ka meow…” ang sigaw niyang may pag-aalala.
Sa harap niya, makikita niya ang kanyang pusa na mapapadaan sa harap ng isang asong askal. Tila nagpapahabol ang pusa sa aso. Pero kumahol muna ito bago tuluyang humabol. Hinahabol ng pusa ang daga. Hinahabol nya ang kanyang pusa. Hinahabol sila ng aso. Napalingon sya sa likod. Aso. Naglalaway ang pangil nito. Anlaking aso… mas binilisan niya ang takbo… hanggang sa nakarating sila sa bukana ng eskinita –sa kanto ng morayta; kung saan ang gabi ay kasalukuyang nagbibihis. Pumasok sila sa looban ng likhang-isip road. Masikp, makipot at medyo madilim ang daan. Dahilan ng pagkawala ng alaga sa kanyang paningin. “meo… meo… swisss-swisss-swiiissss…meow-“ ang paulit-ulit n’yang pagtawag sa kanyang alaga. Tahimik pa ang gabi… at tila ayaw magpaistorbo sa pagbibihis na ginagawa.
Maririnig ni Melchor ang halinghing ni Meomeo… sinundan nya ang tunog. “meo… meo…!” At doon sa silong ng isang pandalawahang palapag na bahay –na sa pagkakaalam nya’y bahay ito ni ka pechong na isang talamak na fixer ng lungsod- Sa silong nun ay maririnig niya ang kanyang pusa. Tila sa wakas ay nahuli na ang nagpapahabol na daga. Nanaog narin si melchor sa silong ng bahay… mahinang tatawagin niya ang pusa. madilim ang paligid sa kanyang pwesto. Maya maya’y malinaw nyang maririnig ang tunog na sa pandinig nya’y nakakatakot… tila yun ungol ng isang aswang “…aaahh!” mabagal pero paulit-ulit.
Hinagilap nya ang pinanggagalingan ng tunog, “aahh…aaahh!” mahina subalit malinaw na natatanggap ng kanyang tenga ang kakaibang alingawngaw na ‘yon. Sa silong ay may makikita syang maliit na butas. Bahagyang natakpan ng maitim na ulap ang silahis ng liwanag ng bilog na bilog na buwan. Agad siyang sumilip. At nakita nya ang dalawang aninong magkadikit, tila asong nag-uungulan ang mga ito. Pilit n’yang inaninag ang hitsura ng kung sino, bahagyang lumiwag pa nang madaplisan ng liwanag ng buwan, naniningkit ang kanyang mata. nakita nya ang isang babae. kay amo ng mukha nito… at tila nga nakita na nya ito. Saan nga ba? Doon yata sa basag na salamin. Oo tama. Sa basag na salamin -tuwing mananalamin siya. Ang hugis ng mata, ang lapad ng ilong, ang kaniyang mukha… kamukha niya ang babae. Muli syang sumilip, pilit tinitingnan ang hitsura ng babae... at napagtanto niya. Lumiwanag ang paligid ng mahawi ang maitim na ulap sa mukha ng maliwanag na buwan. Subalit bakit naroon siya, “hindi! Bakit s’ya… alam ko hindi siya ang …” mahina s’yang bumubulong sa sarili ngunit biglang napahinto nang may napansin s’yang mga yapak. ilang mga yapak na paparating -sa kanyang kinaroroonan. Maya-maya maging s’ya ay nagulat nang biglang bumukas ang pinto. Lulan nito ang ilang lalaking may dalang 45’ Caliber Colt Premium (baril) …sa isang iglap, matapos ang maklaglag tutuling pagputok ay Bumulagta sa sahig si ka Pechong at ang isang babae. Sa butas, si Melchor ay walang kakurap-kurap sa pagsaksi nakita niya ang dalawang kapwa walang kasuotang suot. Napaluha sya… humihibik pero di nya nilakasan. Sa butas malinaw nyang nakikita ang maamong mukha ng babae… ang nag-iisa niyang ate… nakadilat ang matang tila humihingi sa kanya ng tawad. Ang kanyang ate… ang ate n’ya…
Pumatak ang dugo sa silong. Nagulat pa si melchor sa pagdampi ng pulang likido sa kanyang noo, sa mukha, sa buong mukha. …at lalabas si melchor sa silong na nliligo ng dugo. Mapapasigaw ang isang makakakita sa kanya, “multoooo!!!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento