SA LANGIT, WALANG ROCK!
Bato bato sa langit, ang tamaan…
Kanikanina lang binato ko ng maliit na bato ‘yong kapatid ko. Tapos ‘yun… umiyak! (lagot!) nag-alala ko nang umiyak na sya. Hindi dahil sa naramdamang sakit ng kapatid ko, kundi baka marinig ni tatay yung iyak ng kapatid ko.
Ang babaw nga ng dahilan ko sa pagbato sa kanya –ayaw nyang sumunod sa utos ko. Bibili lang ng suka. (utos ni nanay sakin) e, may ginagawa akong mahalagang hindi pwedeng ipagpaliban (kalaban ko na si oxzordick; hindi pa pwedeng i-pause) then, tapos, ako na lang ang bumili ng suka. At pagdating ko. Nakita ko yung kapatid kong binato ko ng maliit na bato. May hawak syang malaking bato (‘sing laki ng kamao ko) at… ibinato nya sakin. Sa bilis, hindi ako nakailag. Sapul ang noo ko, bumaha ng dugo. Naging red sea yung paligid ng bahay namin. Nagising si tatay… kumuha ng plangganang may tubig. Tapos ay naghugas ng kamay . nakita kong naging pula yung tubig sa tabo – matapos nyang paghugasan. Ang tubig? Hindi na ‘yon malinaw. Tulat ng panulat ko… may kaangkinang Malabo.
May matigas… May matigas… May…
Minsan naisip ko, buti pa yung bato kahit na ilang ulit ibato, hindi nasasaktan. Kasi nga bato ito. Hindi rin nababato. Kasi bato na nga… (ang labo noh?)
Astig ang mga bato: malakas, tahimik, hindi maramdamin, hindi nagkakasakit, hindi rin namamansin… Ngayon-ngayon lang. sabi ng bestfriend kong babae habang nakasakay kami ng bus. Sabi nya, “bato ka ba?” tapos. Napatingin sya sakin. (napatingin ako sa kanya, mali yung una) naisip ko na baka nagpaparamdam na sya. Gusto nya bang ligawan ko na sya. Na baka nahuhulog na siya sakin. “maging Gentleman ka naman, si Lola nakatayo o, paupuin mo!!!” bigla akong napatayo (kala ko ‘yon na) tapos, inalay kay lola yung upuan ko. Hehe. Hahahahaha!
Siguro tinamaan rin yung ibang lalaking nakaupo sa Bus na ‘yon. Hindi lang ako. Ewan ko ba. Parang nawawala na ang pagiging Gentleman ng mga Pilipino. Ako? Oo, (minsan) aminado ako. Minsan napapayuko na lang ako kapag nahihiya magpaupo. Kunwari tulog-pero hindi. Hay! Bato talaga. Astig! Walang pakiramdam. Minsan naiisip ko, unfair kasi e, lalo na kung hindi lang isa ang nakatayo. Hindi sila sinuswerte. Ano o sino ang dapat piliin. Sino dapat ang alayan ng upuan, sino ang hindi dapat?!! O dapat nga ba ‘yon?!! Dapat yata o marapat!
Bato-bato sa langit, ang tamaan… PANGET!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento