Medalya (Liwanag ng Dilim)
(Maikling Kwento)
Sa madilim na kwarto. Sa paligid na kontento na sa pusikit na ilaw ng gasera, si Mia ay kandong ng malambot na kama. Aninag parin ang maamo nyang mukha, ang kanyang kagandahan sa malamlam na liwanag ng ilawan… Pero tulad ng dati, umaagos ang luha sa kanyang mukha, kahit na sanay na ang kanyang paningin sa dilim –hindi parin n’ya malabanan ang lungkot. Umaagos ang luha nya. Ang luha ng kalungkutan sa kanyang mata… Hindi pa sya tulog. Kahit nakapikit ang kanyang mata’y gising ang kanyang diwa.
Blog! Biglang bumukas ang pinto. Agad syang napabangon. Nagkaroon ng konting liwanag na galing sa labas ng kwarto. Maraming tao, sa isip isip nya; dahilsa ingay sa labas ng kwartong iyon… ingay ng mga nagkakasiyahan. Ngunit anong meron? At sino ‘to? Titig ang kanyang matang pilit inaaninag ang taong nakatayo doon. Agad syang kinabahan. Tila may gumapang na kuryente sa kanyang katawan at agad nagsitayuan ang kanyang balahibo nang nag-umpisa na itong maglakad… papalapit sa kanya.
Malakas ang kalabog sa kanyang dibdib. Nais na nyang tumakbo papalayo ngunit nanginginig na sya sa takot. Ni hindi na nya maigalaw ang kanyang katawan. Papalapit na ito. Mga ilang hakban na lang mula sa kanya. Palasak ang ingay ng mga yapak nitong tila kasing lakas ng tibok ng kanyang puso at biglang… Aaah! Nakita na lang nya ang sarili na sakal-sakal ng nilalang na nanlilisik ang mata, at naglalaway ang matutulis nitong ngipin. “HALIMAW! HALIMAW!” malakas ang sigaw nya subalit parang hindi sya naririnig ng kahit na sino. Pumapalag-palag sya, sumisigaw. Ngunit sobra ang lakas nito. Sobrang higpit ng pagkakagapos nito sa kanyang leeg. Madiin, masakit, marahas. “Huwaaaag! Tama na. t-tama na… pagod na kooohh! Wag! ayoko na… A-ayoko na. Aaah! Parang awa nyo na, tigilan nyo na ko! …tigilan nyo na ‘to… tigilan nyo na- “ Butil-butil ang pawis sa kanyang nuo. Hinahabol nya ang kanyang mukha. “Panaginip. Panaginip,”naibulalas nya.
Maliwanag na sa labas. Sumisilip ang liwanag sa bahagyang bukas na bintana. Umaga na! bumaling sya sa kanyang orasan, at saglit na natigilan… baka mahuli sya. Hindi sya maaaring mahuli sa isang kaganapan pinakahihintay nya. na napakahalagang kaganapang ni sa panaginip ay hindi nya inakalang mararating –ang makatapos ng Kolehiyo. Agad syang nagbihis. Minadali sya ng kanyang pagkasabik at hindi matatagong kasiyahan… sa wakas. Sa wakas.
Pinaghalong emosyon ang kanyang naramdaman nang tinawag na ang kanyang pangalan. Sa harap ng taong kapwa nya kaeskwela, mga guro at bisita. Sya’y nasa entablado sa harapan ng madla. Ramdam nya ang kasiyahan, dahil sa nakapagtapos sya. Dahil sa nalagpassan nya ang pagod at hirap sa kabila ng lahat… dahil na rin sa ang guro nya ang magsasabit ng kanyang medalya –ng pagtatapos bilang Suma Cum laude sa kursong Business Administration. Ang gurong itinuring nyang parang tunay na ina. Gayun din, ramdam nya ang kalungkutan ng mga oras na iyon. Dahil wala doon ang kanyang magulang, dahil kahit sa pagkakataong iyon umaasa parin syang makadadalo sila. Kahit tila sinasabi ng kanyang isip, Wala na sila. Wala. Wala.
Malakas ang palakapakan nang mapansin nyang basa na naman ng luha ang kanyang mata… unti-unting bumalik sa kanyang gunita… ang nakaraan, ang lahat, ang kahapon.
-Sa masayang tahanan nilang tatlo: ang kanyang ama, ina at sya. Ang ngiti kanyang magulang (mulig nailarawan sa kanyang isipan) nakita nya ito na nakaupo sa bandang likod. Sa hanay ng mga magulang. At sila’y pumapalakpak. ginagawaran sya ng labis na kagalakan sa naipamalas na husay at kasipagan –ng kanilang anak. Pahina nang pahina… unti-unting kukupas sa kanyang matang pinalalabo ng luha ang pigura ng kanyang magulang. Ito’y uukit ng katotohanang emahinasyon nya lang kanyang nakita. Wala na sila. Wala. Wala. Biglang nawala sa kanyang isipan ang kasiyahan, ang tawanan (umaagos ng walang patid ang luha nya) ang matatamis na ngiti nila’y napalitan ng galit… ng poot… ng sumpa… ng hinagpis…
o Ang malakas na sigawan
o Ang pasa sa mukha ng kanyang ina
o Ang bagahe ng ina
o Luha sa mata ng ama
o Ang PasaPorte
o Ang bote ng alak at upos sa mesa
o Ang payat na katawan ng ama
o Ang pagkaubos ng gamit nila
o At ang hindi na pag-uwi nito
o Ang ingay ng katahimikan sa kwarto ni Mia
o Ang disco
o Ang dilim sa loob ng kanyang kwarto
o Ang halimaw sa kama nya
o Ang ibang mundo sa eskwela… at ang mudong kinilala nya –sa Disco.
Ragasa na ang luha sa mata ni Mia. Pinahid nya ‘to nang bumalik ang pansin nya sa mga pumapalakpak, sa mga guro at mga kaklase, sa lahat. At ngumiti na sya. Ngiti na may galak, umaapaw sa kaligayahan.
Natapos na ang araw ng kanyang pagtatapos at mabilis lumipas ang lahat. Hindi na sya nakatira sa squatters area. Ibang iba na sya. May sarili ng bahay at may kotse… di na sya tulad ng dati. Ngayo’y supistikadang manamit. Hindi na maputik na kalye ang nilalakaran pauwi. Sa opisina na sya naglalagi. Walong taon din ang lumipas mula ng araw na iyon.
Sa kalsada, marami na ang napilitang maglakad. Mga taong nagmamadali… nagmamadali rin si Mrs. Michelle Ban Calle. Buong pangalan ni Mia. At wala na nga pala si MiA, mula ng kinalimutan nito ang lahat tungkol sa kanyang masaklap na nakaraan. Bagamat madalas syang dalawin ng kanyang kapighatian sa tuwinang pagtulog. Matagal din syang hindi pinatulog ng halimaw sa kanyang kwarto. At matagal bago sya nakalimot.
Habang tinatahak nya ang kahabaan ng kalsada… (Matrapik ang EDSA ng araw na iyon. At araw-araw pala ang trapik sa EDSA) mahaba ang pila ng mga sasakyan, hindi man lang umuusad ni kaunti. Kahit yata anung aga nito ay mali-late pa din sya sa flight –to meet the target client na mga koreanang di mahusay mag ingles. But it is not a big deal for her, thus she study the Korean language one month before the convention. Kahit na nagmamadali sya ay hindi sya maaaring maglakad -tulad ng iba- sa kalasada… maingay na ang paligid , kanya kanyang plitan ng busina. Sa loob ng kanyang kotse na medyo naiinis na sya sa daloy ng trapiko ay hindi sinasadyang napalingon sya sa isang dako… sa isang lugar na tila may humatak ng kanyang pansin. Makailang saglit syang natigilan, sa di kalayuan ay inaninag nya ang isang taong abala sa ginagawa. Binuksan nya ang bintana ng sasakyan. Tinanggala ang suot nyang salamin. At tila may humatak ng kanyang paa, bumaba sya sa kotse.
Sa tambak na basurang pinagpipyestahan ng mga uod at bangaw. Umalingawngaw ang kanyang tinig… ngunit mistulang bingi ang paligid at sya lang ang nakaririnig sa sinasabi nya. Napalapit sya sa isag taong grasang nangangalkal ng kayamanan sa basurahan pero wala itong imik, pilit nyang inaaninag ang mukha ng kaharap… at ang isa’y walang hinto sa pangangalkal sa nakatambak na basura… napaluha si MiA. Napahagulgol. Natiyak nyang ito nga ang kanyang ama. Hinawakan nya ito ng mahigpit. Sa unang pagkakataon, sa loob ng labing walong taong paghahanap nya rito –sa wakas nagkita rin sila… nahanap nya rin ito.
Nagpumiglas sa kamay ni MiA ang lalaki ngunit wala syang balak na bitawan ito. Ngayon pa, namaganda na ang buhay nya at hinbdi na sya naghihirap sa pera. Hindi! Hindi nya ito bibitawan dahil ito ang pangako nya sa sarili… ‘pag nakapagtrabaho sya, muli nyang hahanapin ang ama. At isusumbat ang pagtakas sa responsibilidad nito bilang isang AMA. At ngayon hawak nya na ‘to… oras para isakatuparan ang matagal na kinikimkim na pangako sa sarili. Mahigpit na mahigpit ang kapit nya sa kanyang ama at may nangingilid na rin na luha sa kanyang mata. Pero hindi galit, kundi luha ng pananabik… “tay… a-ako ‘to! Ako ‘to! Ang anak nyo. …’tay tumigil kayo,” pilit nyang ipinipilit ang sarili, iginigiit, at inaamo… “si Michelle ‘to! Tay ako ang anak nyo…” tumutulo na ang luha nya sa mukha. Walang patid. Walang pagtutol sa pagdaloy. Ngunit pumapalag ang lalaki, Pilit ding kumakawala sa kamay ni MiA… maya-maya’y sa isang iglap magkasabay na umaagos ang kanyang luha at ang dugo sa kanyang nuo, na nahampas ng kung anong matalim na bagay.
“Hoy!” sigaw ng isang pilis sa kanilang likuran. At nagulat ang taong-grasa (ang ama ni MiA), Agad itong humagibis ng takbo, mabilis… habang unti-unting namang nawawala sa paningin nya ang taong-grasa, “A-ama… sandal-“ dumilim ang paligid.
“AMA!” sigaw ni Michelle nang biglang mapabangon. Butil-butil ang pawis sa kanyang nuo. Hinahabol ang kanyang hininga… luminga-linga. Tila isang buhay na panaginip. Panaginip?! Wala ang kanyang ama sa paligid, tahimik ang paligid na panay matamlay na kulay ng puti… wala sa isip nya ang Convention na dapat sana’y nadaluhan… ;wala sa isip nya ang kotseng naiwan sa kahabaan ng mtrapik na EDSA. na Oo, mukhang nakadagdag ito sa dulot na trapik sa daan; Wala sa isip nya ang sermon ng kanyang half Filipino-half Chinese nyang boss –ano naman kung tanggalin sya nito… basta’t ang iniisip nya sa pagkakataong iyon ay ang kanyang Ama. Panaginip! Buhay na panaginip na lagi nyang iniisiip. At hinihiling na isang araw ay maging totoo…magkatotoo. Subalit mukhang bigo sya, na isang panaginip lang yata ang lahat nang muli nyang makita ang ama sa tambak na basurang pinagpipyestahan ng mga uod at bangaw… panaginip lang yata ang lahat!
Sinubukan nyang bumaba sa kanyang kama, ngunit nabigla pa sya nang kumirot ang nuo nyang nagkaroon ng benda. Ilang araw na ba ang lumipas. Hindi. Hindi nga ‘yon isang panaginip, naisip nya. Ang mukha ng ama nya. Muling umukit sa kanyang isipan ang hitsura nito.
…At gaya ng nakasanayang gawian nya, muli syang lumuha…”AmaaaahhHH!!!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento