Unang Kasaysayan
Mga Negrito, Indones at Malay ang mga sinaunang mamamayan ng Pilipinas. Naganap pa ang iba pang migrasyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon.
Naging laganap ang panlipunan at pulitikal na organisasyon ng populasyon sa mga pulo. Ang mga magsasaka lamang ng Hilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo. Ang simpleng yunit ng pamahalaan ay ang balangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu. Sa isang barangay, ang mga panlipunan na dibisyon ay ang mga maharlika, kung saan kasama ang datu; ang mga timawa; at ang mga alipin. Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga magsasakang walang lupa; ang mga timawang nawalan ng kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sa krimen at ang mga bihag ng digmaan.
Dinala ang Islam ng mga mangangalakal at mga misyonaryo mula sa Indonesia. Noong ika-16 dantaon, matatag na ang Islam sa Sulu at lumaganap ito mula sa Mindanao; nakarating ito sa Maynila noong 1565. Kahit kumalat ang Islam sa Luzon, ang pagsamba pa rin sa mga anito ang relihiyon ng karamihan sa mga pulo ng Pilipinas. Dinala ng mga Muslim ang pampulitika na konsepto ng mga estadong pinamunuan ng mga raha at sultan. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim at ng mga magsasaka ng Hilagang Luzon ng teritoryalismo ay hindi lumaganap sa ibang lugar. Nang makarating ang mga Kastila noong ika-16 dantaon, karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao ay nanirahan sa mga panirahang barangay.