HISTORIKAL NA PINAGMULAN AT PAGBABAGO NG BALINTAWAK
Layunin ng pananaliksik na ito na maipahatid sa mambabasa ang pinagmulan o kasaysayan at pagbabago ng Balintawak sa kasalukuyan. Layunin din ng pananaliksik na ito na magbahagi ng kaalaman sa mga mambabasa patungkol sa historikal na pinagmulan at pagbabago ng Balintawak.
KASAYSAYAN NG BALINTAWAK
Balintawák ay isang makasaysayang pook na ngayon ay nása Lungsod Quezon. Dito (o sa kalapit na Pugadlawin) ginanap ang simula ng Himagsikang Filipino laban sa kol- onyalismong Español. Noong 1908 at simulan ang paggunita sa Himagsikang 1896, ipinag- diriwang ang ”Unang Sigaw” sa Balintawak ng mga beterano ng rebolusyon. Sa katunayan, dito itinayô ang bantayog para sa Unang Sigaw noong 1911. May ulat din na unang inisip na pangalanang Lung- sod Balintawak ang binubuong bagong kapitolyo ng Filipinas bago ito ipinangalan kay Pangulong Manuel L. Quezon.
Nagbago ito nang higit na sundin ang saliksik ng history- ador na si Teodoro A. Agoncillo na sa Pugadlawin at hindi sa Balintawak naganap ang pasiya ng mga Katipunero na maghimagsik. Ang malungkot pa, tinamaan ng ipina- tayông cloverleaf ang bantayog sa Balintawak kayâ inalis ito at inilipat sa harap ng Bulwagang Vinzons sa Unibersi- dad ng Pilipinas, Diliman. Mabuti’t isang bagong bantay- og ang ipinalit bagaman hindi nitó makuha ang katampa- tang paggalang na iniukol sa unang bantayog.
Ang ”balintawak” ay sinasabing mula sa tao na ”tawák” o may kapangyarihang magpaamò ng ahas. Naging pan- galan din ito ng isang popular na kasuotang pambabae noong ika-20 siglo. Isa ito sa mga munting bayan, kasáma ang San Francisco del Monte at Novaliches, na ipinaloob sa binuong Lungsod Quezon. May cloverleaf dito na du- long timog ng North Expressway at krus-na-daan ng EDSA. Isa din itong himpilan ng LRT. (PKJ)
Ang Balintawak ay isa sa pinakamasaysayang pook sa Pilipinas. At habang ang mundo ay mundo, iyo’y mananatiling buhay na sagisag ng isang madugong himagsikang nabunsod dahil sa malabis na pagkauhaw sa kalayaan at kasarinlan ng lahing kayumanggi sa bahaging ito ng sandaigdigan. Hanggang ngayon ay nariyan at makikita pa sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio at ng kanyang mga kasama ang bakas ng isang kahapong natigmak sa dugo, Balintawak!... Diyan naganap ang makaysayang “Unang Sigaw” ayon sa mga unang tala ng kasaysayan.
UNANG SIGAW SA BALINTAWAK
Ang “Únang Sigáw” ang simbolikong unang pagtatagpo ng mga Katipunero upang ipahayag ang Himagsikang1896 laban sa España. Maitutulad ito sa El Grito ng himagsikan sa Mexico. Isang kontrobersiya hanggang ngayon kung kailan at kung saan naganap ang Unang Sigaw. May panahong ipinagdiriwang ang Unang Sigaw sa Balintawak tuwing Agosto 26. Ngunit binago ito ng saliksik ni Teodoro A. Agoncillo (1956), na nagtakdang naganap ito sa Pugadlawin noong 23 Agosto 1896.
Nang malantad ang Katipunan noong 19 Agosto 1896 ay tumakas patungong Kalookan sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Procopio Bonifacio, at ilang pinunò kasabay ang isang pagpapatawag ng pangkalahatang pulong upang pag-usapan ang mga dapat gawin. Itinakda niya ang pulong sa Balintawak sa Agosto 24. Dumating sina Bonifacio sa Balintawak sa hatinggabi ng Agosto 19. Dumating kinabukasan, Agosto 20, si Pio Valenzuela. Noong hápon ng Agosto 21, umalis ang umaabot sa 500 Katipunero, kasáma nina Bonifacio, patungong Kangkong at natulog sa bakuran ni Apolonio Samson. Umalis sila ng Kangkong sa hapon ng Agosto 22 at dumating kinagabihan sa Pugadlawin sa bakuran ni Juan A. Ramos, anak ni Melchora Aquino.
Kinabukasan, Agosto 23, doon nilá idinaos ang pulong na nagpasiyang simulan ang himagsikan laban sa España sa Agosto 29. Sa pulong na iyon, tumindig si Bonifacio sa isang plataporma at nagpahayag: “Mga kapatid, nagkaisa táyong ituloy ang himagsikan. Sumusumpa ba kayóng itakwil ang pamahalaang umaapi sa atin?” Sabay-sabay na sumigaw ng “Opo!” ang mga Katipunero. “Kung ganoon,” patuloy ni Bonifacio, “ilabas ang inyong mga sedula at punitin upang patunayan ang ating pasiyang humawak ng sandata!” Inilabas ng mga Katipunero ang mga sedula at pinagpunit-punit. Pagkatapos, naluluha siláng sumigaw: “Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang Katipunan!”
Iyon ang dramatisasyon ng Unang Sigaw, ayon kay Agoncillo. (VSA)
PAGTATAG NG UNANG PAMAHALAANG PAMBANSA
August 24, 1896 itinatag ang unang pamahalaang pambansa sa pamamagitan ng pagkakabuo ng pamahalaang mapanghimagsik sa Bahay Toro, Balintawak. Si Andres Bonifacio ang naluklok na pangulo nito. Sa mga sumunod na araw ng maulang mga panahong iyon, nagkaroon ng mga unang sagupaan ng mga Pilipino at mga kolonyalistang Espanyol hanggang sa humantong sa Labanan sa Pinaglabanan sa San Juan. Ang mga panahong ito ang ginugunita sa tuwing ipinagdiriwang natin ang National Heroes Day tuwing huling Lunes ng Agosto. Sinimulan itong ipagdiwang panahon pa ng mga Amerikano sa pamamagitan ng Act No. 3827 na inaprubahan ng Lehislaturang Pilipino noong October 28 1931 at nagtakda noon na gunitain ito sa huling Linggo ng August.
PALITAN NG BALINTAWAK
Ang Palitan ng Balintawak, na kilala rin bilang Trebol ng Balintawak (Balintawak Cloverleaf), ay isang dalawang lebel na palitang trebol sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas, na nagsisilbing sangandaan sa pagitan ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) at North Luzon Expressway (NLEx). Isa ito sa mga kauna-unahang proyekto ng Construction and Development Corporation of the Philippines (ngayon ay Philippine National Construction Corporation o PNCC), at binuksan ito noong 1968 bilang bahagi ng unang 37 kilometro (23 milyang) bahagi ng NLEx mula Lungsod Quezon papuntang Guiguinto, Bulacan.
Itinayo ito noong 1966 sa panahon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos bilang bahagi ng mga proyektong pang-impraestruktura na magpapalunas sa lumalaking pagsisikip ng trapiko bunsod ng dumaraming bilang ng mga sasakyan. Pinalitan nito ang dating rotonda na nagsilbing sangandaan noon sa pagitan ng EDSA, Abenida Bonifacio, at Lansangang Quirino. Binuksan ito sa mga motorista noong 1968.
Ang pagtatayo ng palitan ay pinabilis ng malaking bilang ng mga sasakyan sa Maynila at kalapit na mga naik noong dekada-1960, na nag-ambag sa lumalaking pagsisikip ng trapiko. Noong Hunyo 25, 1966, iniutos ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan na mamahala sa pagtatayo ng ilang mga proyektong pandaan na tinustusan ng mga bayad-pinsala noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama ang pagtatayo ng mga palitan sa mahalagang mga sangandaan sa kahabaan ng EDSA. Ang kautusang ito ay maghahantong sa pagtatayo ng palitang ito na pumapalit sa dating rotonda sa pagitan ng EDSA, Abenida Bonifacio at ng Lansangang Quirino, at ang Palitan ng Magallanes sa pagitan ng EDSA at ng South Luzon Expressway (SLEx), na binuksan noong 1975. Isang dambana para kay Andres Bonifacio ay itnayo paglaon sa loob ng palitan, na sumailalim sa ₱13 milyong pagkukumpuni noong 2009.
Isang suliranin ang pagbaha sa lugar sa paligid ng Palitan ng Balintawak, at natukoy ang palitan bilang isa sa 22 mga lansangan na mahilig sa pagbaha sa Kalakhang Maynila noong 2014. Noong 2015, ang Manila North Tollways Corporation na konsesyoner ng NLEx ay gumastos ng halos ₱70 milyon upang mapaganda ang sistemang daluyan ng palitan upang maibsan ang pagbaha. Bilang karagdagan sa pagbaha, binatikos ni Cito Beltran, mamamahayag ng Philippine Star, ang palitan dahil sa pagiging laganap dito ng nasusuhulang mga pulis at maliliit na krimen.