Sample Letter for OJT (Masscom)
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika
Kagawaran ng Filipinolohiya
Sta. Mesa, Maynila
Ika-9 ng Agosto 2010
Bb. Cha-Chie Gequillo
Representative Recruitment Associate
ABS-CBN Broadcasting Corp., Sgt. E.A. Esguerra Ave.
Mother Ignacia St. Quezon City 1103.
Mahal na Bb. Gequillo:
Isa ang ABS-CBN Broadcasting Foundation sa mga pangunahing kompanya na kung saan ang mga mag-aaral ay nahahasa ng husto sa kanilang kakayahan sa pagsasanay at nagbibigay katuturan sa larangan ng Komunikasyong Pangmadla (Mass Communication).
Bilang tugon sa kahingian ng asignaturang Filipinolohiya sa Larangan ng Komunikasyong Pangmadla (FILI 3143), magalang pong hinihiling ng mga nakalagda na mapahintulutan ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ng programang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya (ABF), ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na makapagmasid at makilahok sa ibat ibang gawain sa inyong tanggapan sa loob ng 150 oras. Ang mga mag-aaral pong nabanggit ay sina:
Christo Rey S. Albason
Fe B. Ancheta
Reymond S. Cuison
John Daryl J. Daro
Alyssa Marie N. Hassan
Ang mga naturang na mag-aaral ay napatunayang responsable, maaasahan at handang makiisa sa mga gawaing maaring maiatang sa kanila.
Pauna po ang aming pasasalamat sa pagbibigay ninyo sa kahilingang ito lalo po sa pakikiisa ninyo sa aming programa. Maaari po ninyo kaming tawagan sa numerong 716-7832 -40 loc. 270 o 229 kung sakaling kayo po ay interesado.
Lubos na gumagalang,
Prop. Robert M. Baldago
Tagapayo
Binigyang pansin:
Prop. Perla S. Carpio
Tagapangulo, Kagawaran ng Filipinolohiya
Dr. Corazon P. San Juan
Dekana, Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika
Kalakip nito: Resumè ng mga aplikante