ALBULARYO
Sabado ngayon, ika-16 ng Marso taong 2013. Ito ang itinakdang araw ng grupo namin upang isagawa ang aming pag-iinterbyu sa isang albularyo na naninirahan sa isang bahagi sa Batasan Hills. Napagpasyahan namin na magkita-kita sa SM Fairview, sa harap ng Sizzling Plate sa may Foodcourt. Pinag-usapan namin na dapat ay saktong alas dose ay nandun na lahat ngunit, tulad ng inaasahan, nakumpleto ang aming grupo ng mga ala una na ng hapon. Nang makumpleto na kami ay agad kami dumeretso sa Batasan sakay ng bus. Mga ilang minuto ang lumipas ay nakarating kami sa Sandigan Bayan, doon kami sinalubong ng isa sa aming kagrupo dahil nakatira siya malapit sa aming iinterbyuhin. Doon sa may terminal ay bumili kami ng pizza at sumakay na rin kami ng traysikel, dahil marami kami, hindi kami nagkasya sa isang traysikel kaya ang iba ay sa pangalawang traysikel na sumakay. Nauna ang pangalawang traysikel at yun ang nagging sanhi kung bakit kami nagkahiwala-hiwalay dahil hindi alam ng aming mga kagrupo sa pangalawang traysikel kung saan baba. Dahil doon,sinubukan naming habulin ang pangalawang traysikel ngunit mabilis ito at nabigo kami kaya bumaba nalang kami,ang iba pang mga kagrupo, sa unang traysikel at inantay ang aming mga kagrupo. Nang nagkasama-sama ulit kami, naglakad kami ng pagkalayo-layo dahil lumampas nga kami sa aming destinasyon. Nang makarating kami sa bahay ng aming kagrupo, nagusap-usap muna kami kung anu-ano ang aming itatanung sa aming iinterbyuhin. Habang nag-iisip kami ay sinabay na rin namin ang aming pagmemeryenda ng binili naming pizza at RC Cola.Nang matapos na kami sa paggawa ng mga katanungan para sa aming iinterbyuhin at sa pagmemeryenda, agad kami dumeretso sa lugar na tinitirhan ng albularyo, ngunit pagdating namin doon ay sinabi sa amin ng kinakasama ng albularyo na may pasyente pa daw na hinihilot, ng mga oras na yon ay sumabay ang konting pag-ambon kaya naisipan namin na bumalik muna sa bahay ng aming kagrupo upang doon mag-antay at sumilong. Doon sa bahay ay nagkwentuhan muna kami at naglaro ng Plants vs. Zombies sa kompyuter upang maibsan ang aming kabagutan. Mag aalas tres na ng hapon at wala pa kaming nagagawa, kaya saktong pagtila ng ulan ay dumeretso agad kami sa tirahan ng albularyo ngunit sa kasawiang palad ay hindi pa din daw tapos ang hinihilot nito. Ilang minuto na ang nakalipas, halos trenta minuto na ay hindi pa din tapos ang albularyo, sumasakit na ang aming mga binti at paa sa katatayo, halos bagot na bagot na lahat kami sa kahihintay. Upang mapawi ang kabagutan at pagod, ay kumuha muna kami ng mga litrato upang magsilbing alaala para sa amin at sa wakas, nang di namin namamalayan, tapos na pala ang hinihilot ng albularyo. Agad naming isinagawa ang pag-iinterbyu sa kanya, napagpasyahan namin na si Cyrus ang mag-iinterbyu sa kanya at si Ken bilang camera man. Ang lugar na kinaroroonan ng albularyo ay medyo masikip, ito’y saktong sakto sa iilang tao lamang. Sa unang kita namin kay Nanay Maring, di nya tunay na pangalan ngunit madalas na pinantatawag sa kanya, ay masasabing mabait sya at matulungin, makikita mo rin sa kanya na sya ay masiyahin at masaya sya sa kanyang ginagawa. Habang iniinterbyu si Nanay Maring, ay mapapanatag ka sa kanyang napaka malumanay na boses, habang sinasagot nya ang mga katanungan ay may halong ngiti sa kanyang mukha. Matagal ng albularyo si Nanay Maring, marami na rin syang napagaling na kanyang mga pasyente. May pagkakataon pa nga daw na may isang doktor na nagpagamot sa kanya, ayon sa doktor na kanyang pasyente, may mga sakit daw talaga na hindi kayang gamutin ng sensya. Ayon kay Nanay Maring ay kasya din naman daw agn kinikita nya sa pagiging albularyo, minsan nga, pag pinapalad sya, may mga intsik na nagpapagamot o nagpapahilot sa kanya na nagbibigay ng malalaking halaga, 1 libo pataas daw. Nakakagulat din ang sagot ni Nanay Maring sa tanong na kung saan nya nakuha ang pagiging albularyo. Sabi ni Nanay Maring ay biniyayaan lamang talaga siya ng talentong ito, hindi daw nya hahayaang masayang ang talent nya at gagamitin nya ito upang makatulong sa iba at kumita ng pera. Sa kanyang pag-gagamot, taimtim na DASAL lamang daw at PANINIWALA ang pangunahing kailangan niya upang makagamot. Nang matapos ang pag-iinterbyu ni Cyrus kay Nanay Maring, ay lumabas kami lahat kasama si Nanay Maring upang kumuha ng litrato bilang remembrance. Inabutan din namin sya ng pera upang pasasalamat sa kanya, kahit maliit na halaga lamang ito, ay makikita na masayang-masaya na si Nanay Maring sa munting regalo namin sa kanya. Sa etnograpiyang ito, masasabi nating totoo ang mga pag-gagamot ng albularyo, ngunit alam din natin na iilan lamang ang TOTOO. Kaya maging mapagmasid tayo at mag-ingat sa mga manloloko dahil sa panahon ngayon, gagawin lahat ng isang tao, kumita lamang ng pera.