SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Huwebes, Oktubre 15, 2020

PAMUMUNO NG ESPANYA (1521-1898)

Pamumuno ng Espanya (1521-1898)
Ang Pagtuklas sa Pilipinas

Ang Pilipinas ay unang natuklas ni Ferdinand Magellan (pangalang espanyol: Fernando Magallanes|pangalang portuges:Fernão Magalhãnes) noong ika-16 ng Marso 1521.

Ang Buhay ni Magellan
Nakasama na si Magellan sa mga ekspedisyon ng tatay niya sa Aprika noong 25-taong gulang pa lang ito. Umasa na siya noon na makapagsagawa ng isang ekspedisyon papuntang Pilipinas.

Katulad ni Chistopher Columbus ay naisip niya na kapag bilog ang mundo, puwedeng makapunta sa Silangan sa pamamagitan ng paglalayag papuntang Kanluran. Kaya naman pumunta siya kay Haring Emmanuel I. ng Portugal, sa pangarap na makatulong sa kanyang bansa. Tinanong niya ditong bigyan siya ng pera upang makapagsagawa ng ekspedisyon. Ngunit hindi naniwala sa kanyang plano ang hari. Sa matinding galit sa hari ay nilisan ni Magellan ang bansang sinilangan papuntang Espanya.

Dito sinubukan niyang pumunta kay Haring Carlos I. at magtanong dito. Pumayag si Carlos I. at pumirma noong Setyembre 1519. Dumaong sina Magellan kasama ang limang barko (Santiago, Victoria, San Antonio, Trinidad, at Concepcion) at 300 katao (kabilang dito si Antonio Pigafetta bilang tagapagtala).

Mga Unang Ekspedisyon sa Pilipinas

Ang bantayog ni Lapu-Lapu na nakatayo sa lugar kung saan napatay raw si Magallanes noong 1521.
Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng mga Español na pinamunuan ng Portuges na si Ferdinand Magellan noong ika-16 Marso 1521. Pumalaot si Magallanes sa pulo ng Cebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas de San Lazaro.

Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na sandugo kung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa ganitong paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa silang "magkapatid sa dugo", isang sagrado at hindi pwedeng ipawalang-bisa na kasunduan. Nakumbinsi sila pa ni Magellan na maging Kristiyano. Nagawa niya ito kay Raha Humabon ng Cebu at dahil sa Kristiyanismo, ginagalang ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang humikayat sa konbersiyon dahil noong panahong iyon ay hindi iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribo. Ang mga kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagwagi si Magallanes laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong kultura na nagpapahalaga sa dignidad ng tao.

Ngunit, napatay si Ferdinand Magellan ng pangkat ni Lapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya. Hinamon ni Magellan si Lapu-Lapu sa isang labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang mga Europeo. May tatlong dahilan kung bakit natalo si Magellan laban kay Lapu-Lapu: (1) Hindi siya nagpadala ng tauhan upang suriin ang lugar, (2) binalaan niya ang kalaban na aatake siya at (3) pumayag siyang mas maraming tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan.

Sa mga sumunod na dekada, iba pang mga ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Noong 1543, pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at pinangalanang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong kapuluan.

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...