SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Lunes, Oktubre 5, 2020

PAUNANG SALITA

Paunang Salita


Ang sampung utos ng aking isipan,
pinagtibay ng mga sansaglit na unos, puntos, at kutos.
(les indies libretas) ang malayang libro ng nakabartulinang daigdig,
miminsang sumigaw pagkat paos,
miminsang matalos pagkat ang diwa ay kapos...
miminsang naghihikahos sa oras at pagkakataon...


           Hindi ito yung pinagpipitagan at pinapangarap na basahin o babasahin. Ngunit sa hindi anupamang kadahilanan, bibigyan tayo ng Insintiba’t Rekotitus na hindi nabibili sa Bangketa at ukay-ukay na ang librong ito o koleksyon ng mga tula at dagli’t kwento ay totoong katibayan ng isang likhang makasarili sa paghahangad maging totoo at magpakatotoo. Saan man tayo dadalhin ng mga palipad-isip at hinabing mga salita, ng bawat pangungusap o ng bawat sugnay ay nawang magdulot ng (hindi sana paghikab) bagkus ay kasiyahan at kabutihan sa mas mainam pang pagtipa ng mga sangkurot na diwa, kaisipan, kaalaman; at nawaĆ½ makatulong ang mga nakapaloob na konsepto sa ating ganap na pagmulat pa sa mas malawak na daigdig ng buhay at pakikipagsapalaran. 



Tulad ng karaniwang nangyayari at nararanasan ng isang baguhang manunulat (na tulad ng may-akda) na nauuwi sa litong isipan at pagkalito sa “kung ano ang dapat unahin sa dalawa: Magplano o Gumawa?”  Pinagtitibay ng pagpaplano ang kahandaan at istilo o kalinangan pa sa pagsulat, subalit ang tanong ay “kalian ka magsusulat?”
Produksyon. Kailangan ang aksyon at pagbuo. Katibayan ito na may kahihinatnan ang bawat paghahanda, kahit na skeletal proceeds of one’s ideas. Basta lang may maipakita. Para bang pag-iipon sa sariling Bank Account, dapat may Maintaining Balance, dapat ay may deposit. After all, ang balik din ay sayo. Habang lumalakit dumarami ay mas kapaki-pakinabang. Na hindi ko rin alam kung Malabo nyung example ko. Anong bank account? Hindi. Ano lang pala, parang  pagtatanim, kapag may ipinunla, may tutubo. At malay natin pagdating ng tamang panahon, ng tamang pagkakataon, yung mga ipinunla, magiging halaman, tapos ay magiging puno matapos na diligan ng mga sansaglit na sandal, magbubulaklak, maililipat yung pollen by the help of the butterflies along the field, magbubunga, magiging mga puno. Tapos magiging gubat! Tapos magiging mga punong punong-puno ng bunga.


So, as of now  “ Welcome to the JUNGLE !!! ”

| Nobela3 Les Indies Libretas

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...