SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

Chapter 1. WHY YOU ARE SHOUTING!!

THE HITLER GIRL I KNOW
by cuison.reymond@gmail.com

Chapter 1.
WHY YOU ARE SHOUTING!!


Tahimik ang buong klase, nag-aanounce ang Dean. Yung Dean dito sa St. Something Academy na kamukha ni Doraemon na may kaunting hawig sa predator --> wag lang bumusangot at baka magmukhang elien! "We will have a -College Night for all the FRESHMEN students, we will welcome you, our new student of the prestige St. Something Academy. When? It will held on Feb 14, 20?? So, it is a dual purpose, a valentines party for us and orientation for all Freshmen students and- abfksd.."


Hindi ko na pinakinggan yung karugtong kasi -->iisa lang ang kahulugan nito para sa akin, bilang instructor ng klase na graduate ng public na nagtuturo ngayon dito sa private school, all it means --> Income generating Devices! Nagpapayaman yata ang school na ito, at ayos lang yata para sa mga magulang ng mga estudyante ko, well mayayaman naman sila. Mga may pera, kaya nga pinag-aral sa private ang anak. Wala pa kong nakikitang mahirap na estudyanteng nag-aaral dito -exclusive school for May PERA lang itokasi nga mahal ang mag-aral sa private schools. Mas may pera pa nga itong mga estudyante ko sakin. First Job ko ang pagtuturo at fresh graduate lang ako at-

"Sir, Mikko, Thank you sa time, you may resume your lecture," nagpaalam na yung Dean. Ako, kelangan na ring magpaalam sa pagmumukmok. Tuwang-tuwa ang buong klase, may ilang grupong nagbubulungan tungkol sa kung sino bang makakapartner nila, It's a valentine’s day and not an ordinary day for them, pati yung grupo ng mga lalaki, nag-uunahan sa pagpili ng mga makakapartner, in short, ang INGAAAAAAAAAAAAAAAYYY!!


"HEY! Keep Quiet Guys! Alam kong masyado kayong excited pero after ng lecture na lang kayo mag-usap tungkol dyan" At deretso na ko sa naudlot kong pagtalakay,


"SIR ME KA-DATE KA NA SA VALENTINE'S DAY? PWEDE AKO NA LANG " nagulat ako sa biglang pagtayo ni Cassandra sa upuan at nadagdagan lang ang ingay dahil sa mga UIIIIEEEE!!! at Ang CHeessssyy! ng mga kaklase niya. Mas umingay lalo!

"May problema ba Cassandra?!" Hay naku, anlakas makabanat ng estudyanteng ito, "Hehe, Nothing Sir. Joke lang po, " sabay upo, wala ako sa wisyo makipagbiruan may hinahabol akong dapat mai-discuss na topic. Malapit na ang exam e, at naku lang! Marami akong gawain na dapat tapusin! Tsk!


(Author's note: He's their Filipino instructor, ang pinakabatang teacher ng St. Something Academy. Filipino teacher means --> huwag umasa na gagamit siya ng ingles. Neber yun! Spell "Neber?" N-E-B-E-R, baybay sa Filipino. See --> Trying hard mag-english, pero pinipilit mag-Ingles - para sa kanya: hindi daw porket Filipino Instructor e hindi na pwedeng mag-english! Kahit nga Native English speaker e nagkakamali parin sa kanilang grammar. Thought that counts naman daw e. Tsk! Ayaw pang aminin -Stupid Instructor!! hehe, peace!

22 years old pa lang siya, pero mukhang mas bata pa sa 22 yung hitsura niya. Wee? Sabi ng nanay niya, angal? And he take it as advantage, na kahit kaedaran niya lang ang mga estudyante, ginagalang naman daw siya. (minsan! huhu! ) kasi yung joke niya, madaling masakyan ng mga estudyante niya, though minsan lang naman daw siya magjoke. weeh? Joke ba yon?
Ito hindi joke, gusto ko sanang palitan yung subject niya na english instructor kaya lang baka mapasubo ako sa pag-i-ingles. hehe. Pasensya na alien lang)

***Bell rung***


Ow! Napasarap ata ako sa pagtatalakay, nagulat ako nang nag-alarm ang bell. "Sir, WHAT'S THE COVERAGE OF THE EXAM?" Nakataas ang kamay ni Cassandra (alangan namang paa ang itaas?!) Ikaw na most talkative Cassandra Malaya.


"The whole Page of Unit 1. in our reference book. Review your notes!" asa naman ako na may notes nga sila. After may lecture lalapit ang mga studyante with their i-phone 5, at pi-picturan ang board. Astig ang henerasyon na to! Ginagawang tamad ang mga tao ng mga nauusong gadgets.


"Goodbye class!" at iilan na lang ang sasagot sayo ng goodbye, yung ilang nakaintindi ng lesson mo. Kapag kaunti ang nag-goodbye -ibig sabihin marami ang hindi nakaintindi. Tapos, lalabas na lang mag-iingay pa. Hay! Sana may maimbento na na Ear's Volume Receiver Adjustable -yung gadgets na kinakabit sa tenga tapos pwede mo nang i-adjust yung hina at lakas ng naririnig mo. Magiging bilyonaryo ako kapag ako ang nakaimbento nun, tiyak ko kasi lahat ng teacher sa buong universe bibili nun. Walang teacher na hindi nairita sa kaingayan ng mga estudyante. At isa ako dun, -->dahil isa ako sa nangungunang nag-iingay nung estudyante pa ko.

Nakalabas na ang lahat, maliban lang kay Cassandra -the heck girl na may excessive demand ata sa atensyon at sobrang believe sa sarili dahil kanina pa umeentra sa lecture ko.


"Ms. Cassandra Malaya, may mga kapatid ka ba??" at ngumiti lang siya sakin.


"Sir, I have none sir, only cute child po ako sir!" hindi siya kinabahan sa sinabi niya na only cute child? Anlakas talaga ng self-esteem.


"I see! Now I know the reason," pagkasabi ko biglang tumaas ang kilay niya. Suspiciously looking with big question on her mind, sa palagay ko.


"REASON OF WHAT, SIR?" malakas na tanong niya sakin, waiting for the answer, ang cute lang ng mata niya, medyo may pagka-blue ang kulay. Teka, Instructor ako, hindi dapat ako maapektuhan ng kung sinuman, lalo na't estudyante pa.


"You always want the attention of everybody, Cassandra..." sinasabi ko yun as I fix my things before I leave. Ayaw ko nang tumingin sa mata niya, naiilang ako. "Being attentive, active is good.. But TOO MUCH is not really good!"


Haixt. nakakailang naman 'to. Biglang nalungkot ang hitsura niya, "Oh, Ahmmn.. I-I'm sorry for that Sir," biglang may nangilid na luha sa mata niya, "S-sir, they uttered that I'm so 'p-pampam' what's the heck means is that Sir?" Natawa ako bigla as I heard the word... Because it is true, hehe well, it's true.


"It means... KSP -kulang sa Pansin. Cassandra, stop being too much proud of yourself! I think you are smart enough to understand the feelings of the crowd. You are too attention seeker and-..." tutuloy ko pa sana sasabihin ko kaya lang biglang pumatak yung luha niya. Hala! Naiyak na siya dun? Wala akong balak pagalitan siya. Arrggh!! Here in this school, alam kong makapangyarihan ang mga estudyante. Mas may boses sila kaysa saming mga teacher. Hehe, so behave.


"S-sorry to tell you that, but I hope you'll take it as an advice, ok?" Natakot ako bigla, mamaya e, isumbong ako sa magulang. Nag-uumpisa ka pa lang Miko, masisira na agad ang career mo. Buti, she smile again, nagpahid ng luha at umaliwalas na agad ang mukha niya. Happy face again.


"S-Sir... I have my own written stories, I-I hope you'll read it and ahhh... you'll give a reviews?" Wow, nagsusulat si Cassandra? Weh? Ano naman kaya sinusulat nitong batang ito? Siguro mga sinusulat niya tungkol sa mga binu-bully niya o sa mga paBIDA niya sa klase. Ansama ko, nagmamarka ng tao!


"Give me the copy, I'll read it," curious ako, anong sinusulat kaya nito. Alam ko na talagang matalino siya pero- "SIR, Sir sa link po e, I don't have the hardcopy... I-se-send ko na lang po sa inyo yung link, "


Okay. Mag-ne-net pa ko nito. Wala pa naman akong computer. Pasensya na po ha, hindi ako techy na nilalang e. Tsaka mahirap lang ako, Marami pa kong utang na dapat bayarin kaya wala pang pambili ng computer. Pinagkagastusan ng mga magulang ko ang pagpapaaral sakin, yung -lupa sa Bicol naisanla, yung kalabaw kinatay para ibenta kahit na malnurish yun naka ilang kilo din ang nabili-para lang may pan-thesis lang ako, at yung pustiso ng nanay ko, hindi pa natutubos, naibenta pa sa iba ng pinagsanlaan, kahit na 2nd hand yun. (Joke lang yung sa pustiso , ang totoo hindi yun pustiso, braces ng tatay ko. Hehe) In short, baon kami sa utang.


"Sir! In-add po kita sa FB. Please sirs accept mo siya ha," paawa epek pa. Wala naman siguro masama kung i-accept ko siya. Marami na naman akong na-accept na friend request na student.
I nod "Okay, I'll wait for the Links," ngumiti siya ulit, ang cute lang ng dimple niya.She ran along the corridor with fancy face. Good Nasty Student! Nagbuntong-hininga ako. She's so cute.

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...