Nobela2 | The Hitler Girl I Know
4. Box of surprises
[Miko Salvador's Point of View]
"Ahh.. M-Mik-" umupo ako sa tabi niya. Mula pa noon kasi, hindi ako umuupo sa harap niya, ayaw niya daw na magkaharap kami, awkward daw kasi kapag kumakain kami. Tipong bawat subo pinapanood ng isa't isa. Hehe, mas ok pa daw na magkatabi kami. Well, tingin ko mas ok yun sakin.
"Do you have something to tell me honey?" mukhang naudlot siya at may gustong sabihin sakin.
"W-wala. Thanks pala dito sa flowers," ngumiti lang ako as a sign of appreciating her appreciation. What? Basta yun na yun!
"Alam mo, kanina pa ko nag-iikot ikot kung saan magandang puntahan dito... at actually bumili ako ng ticket ng movie. Gusto ko sana manood ngayon ng 'Life of PI' , based yun sa bestselling book by Yann Martel, at mag-" napansin ko yung box na nasa upuan sa tabi niya. Siguro Gift niya sakin para sa Birthday ko bukas kaya lang hindi siya naka-wrap at hindi siya mukhang birthday gift. Di ko sana muna itatanong kasi may hinala na kong yun yung surprise niya sakin, pero excited ako masyado e.
"Ano yan hon? Birthday Gift? bukas pa kaarawan ko ah? " napansin ko bigla siyang napayuko, parang may something na nagba-bother sa kanya. Nahihiya ba siya sa bibigay niya sakin, hehe. Kahit ano namang gift matutuwa na ko basta galing sa kanya. ? teka lang...
"Hon, u-umiiyak ka ba?" parang narinig ko na umiiyak siya, di ko nakikita yung mukha niya kasi natatakpan yun ng buhok niya sa pagkakayuko niya ngayon.
"something wrong? something bothering you hon?" humarap ako sa kanya, napayuko para tingnan yung mukha niya
"May gusto ka bang sabihin sakin, kaya mo ko tinext? Me problema ba," hindi ko pa pala alam kung bakit niya ko tinext kanina. Parang agaran kasi and I have no idea kung bakit siya nakipag-meet ngayon gayong kakasabi niya lang sakin kahapon na masyado siyang busy sa school niya these days dahil nga nagte-thesis na sila. At talagang busy kapag graduating na. 4th year college na rin si Cherryl, OAD (Office Administration) ang course niya sa isang unibersidad sa Caloocan.
"S-sorry M-Miko.." narinig ko na lang yung sinabi niya na natiyak ko ngang umiiyak siya. s-sorry yata yung sinabi niya. Sorry saan?
"Miko gusto ko muna ng space..."
"P-pero wag mong isiping ikaw ang dahilan, kundi ako. ako yung may problema," umiiyak siya habang sinasabi yon, ewan parang hindi pa nagpo-process sa isip ko yung mga line na binitawan niya. Pero parang bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko. Dahil sa kaba o dahil sa takot, ewan. Hindi ikaw ang dahilan, ako. ? Dahilan ng ano? Wala namang problema samin a. Hindi naman kami nag-aaway, wala naman kaming quarrel or something.
"Di kita maintindihan? Anong kelangan mo ng space?" Wala akong maisip na dahilan.
"S-space for what? Hindi ka ba makahinga, nasisikipan ka ba," umalis ako sa kinauupuan ko, sa kabilang seats ako umupo. Baka dyinu-joke niya lang ako, baka...baka... Anong space? She want space?
"O! A-ayan umusog na ko ha, Wag ka nang humingi ng space, ayoko," pilit kong pinapasaya yung boses ko kahit pansin yung pangangatal ko. Alam ko nakikipagbreak siya sakin, kaya lang ayaw tanggapin ng utak ko na ganoon nga yung kahulugan ng space na sinasabi niya. Nangingilid na rin yung luha sa mga mata kong di natitinag sa pagkakatingin sa kanya.
"Pasensya na pero tapusin na natin tong relasyon na to," Wala talaga akong maisip na dahilan, shet naiiyak na ko. Di naman ako iyakin pero, alam mo yung pakiramdam ng nakahawak ka ng yelo tapos maya-maya bigla kang mapapaso sa apoy.
"Miko S-sorry talaga," naramdaman ko na lang na nalaglag na yung luha sa mga mata ko. Ambilis na ng tibok ng puso ko, yung sorry niya sumigaw yun sa utak ko na parang isang pamamaalam. Tipong aalis na yung barko tapos kumakaway siya dun at ako nakatayo sa may pampang. Hindi ako makapagsalita, hindi ko matanggap yung sorry niya.
Labag sa loob ko. Ayoko!
"Huwag kang humingi ng sorry sakin, Di pa naman ako pumapayag na mag break tayo e, At hindi ako papayag," kanina space lang tapos ngayon tapusin na? Ano ba yon? Teka nga, may hindi ako maintindihan e, Anong dahilan?
"Ano bang problema natin?"
"Naaapreciate ko lahat ng mga effort mo, sweet ka sakin, at kelan man wala akong naging problema sayo..." wala akong pakialam sa paligid ngayon kaya lumuhod ako sa harap niya, kahit pagtinginan pa kami ng mga bumibili, yung mga katabi namin samin nakatingin.
"Yon naman pala e, wala tayong problema,"
"Miko, sakin meron, sorry pero... di na ko masaya e," kumapit ako sa paa niya nang tatayo na sana siya, para na kong batang nagmamakaawa sa harap niya. Wala akong paki kung bumaba man yung tingin nila sakin, ng mga nasa paligid. Basta ang alam ko hindi ko kayang mabuhay kung mawawala sakin ang pinaka mamahal ko.
"S-saglit. K-Kaarawan ko bukas di ba? Ininvite ka ni Tatang e... I-inaasahan niyang darating ang girlfriend ko sa Birthday ko. Pleease hon, for the sake of my birthday, " pagmamakaawa ko sa kanya, di ko na mapigil yung luha ko. Kusa na lang lumalabas sa mata ko. Huwag ngayon. Please naman wag mong gawin 'to sakin.
Kinuha niya yung box at ipinatong sa mesa. At nabigla ako nang mabilis siyang tumakbo papalayo. Iniwan niya ko sa ganoong pwesto, sa harap ng maraming tao. I hear a lot of Gossips, murmuring, uttering about my situation.
"Kawawa naman yung guy oh,"
"Baka iniwan kasi nalamang nambabae,"
"abakasdkfwf..." malinaw yun sa pandinig ko pero di ko yun pinapansin, mas malakas parin yung tambol sa aking dibdib na parang unti-unting binabasag yung eardrums ko, pati ng brain cells. Iniisip ko kung ano bang nagawa kong mali.
Masaya naman ako kanina e, excited pa nga ko nung binili ko tong ticket na to. May pupuntahan pa sana kami after nito. Pero anong nangyari? para kong binuhusan ng mainit na tubig, parang unti-unting nalalapnos yung balat ko.
"Sir, pasensya na po, pero natatakot na po yung mga customers," bigla akong napatayo nung tinapik ako ng sales lady. Pinahid ko yung luha ko at umupo muna saglit. Umalis na yung sales lady at pumunta sa may cashier and still nakatingin parin sa pwesto ko yung ilang customer. Naaawa ako sa sarili ko sa sitwasyon ko. Ang sakit.
Iniwan ni Cherryl 'tong box na ito dito sa table. Binuksan ko yon at naikuyom ko pa ang kamao ko. Nanginginig habang tinitignan yung laman ng box, nandoon yung mga letters ko sa kanya, birthday cards, mga letters na every monthsary namin ibinibigay ko sa kanya, yung roses nandoon rin pero yung tangkay na lang tsaka tuyot na rin yung petals, yung mga balat ng Tobleron, yung couple shirt namin, tapos nandoon din si Nemo, yung bear na napanalunan namin sa Tom's World at iba pang alaala na regalo ko sa kanya.
Bakit kailangang ibalik niya pa to sakin? Pwede naman sanang sinunog niya na lang o kaya itinapon sa basurahan. Kailangan na ibalik pa sakin? para ano? para habang nakikita ko ba ito mas masakit yung mararamdaman ko? Ansaya, grabe... ansarap magbigti o tumalon sa building!!