DILAMYA
Kung pauulanin lang sa bibig ang laway
matapos umigpaw sa hingal sa daldal,
tila winasiwas ang walis sa tingting-kapal
ay walang nadampot?
ang malabong bukal
sa tipak na kamangmangan
humuhugis lupit ng angking pangalan.
lumusung man sa dagat at maghilod ng dumi
kung nabubuhay ka sa dating maruming gawa- ay putik parin,
maging ang ngiti. . .
kung namunga nang bulok ang matayog na puno ay
sumanga sa biyak na kahoy ang pagkakaputol
o kinintal ng ugat ng budhi na puno ng pakiwari,
ngunit walang pagtutol!
sabik sa ningning ang walang disiplina,
at maggagawad ng palakpak ang tulad niya.
halakhak ng tahip sa angkin nyang paggalang,
nagkukubli sa kutis,
malabatis na ituran-walang maliligo,
sa durang lubluban.
. . .walang hiyang kabuuan
. . .walang hiyang kahungkagan
-101608 (abf1)