Ang papel ng bukas…
1. Sa iyong kamay na naabutan ng sobre
2. Ng batang lilimang taong gulang
3. Nabasa mo ang magulong itim na tintang
4. Naipunas doon, “ate kuya konting barya,
5. Pambili lang po ng bigas…”
6. Subalit napansin mo ang kalyo sa iyong kamay
7. At makapal na ito…
8. At inisip mo kung paano ito nakuha ng iyong daliri
9. Ng iyong kamay;
10. Bumalik sayong alaala, ang holen
11. Sa maliit na bilog habang ika’y umaasinta
12. …ngunit sablay, minsa’y sapul
13. Inangat mo ang iyong kamay at
14. Malakas na pukol sa iyong turumpo
15. Gaya rin ng lilimang taon, ayaw umikot
16. … lamang ay sisiskad-sikad.
17. Mili ‘tong lumipad –ang iyong upuan
18. Habang umaandar ang roller coaster
19. ng Disney Land…
20. halos masuka pa, kahit hawak ng iyong kamay
21. ang apa ng sorbetes nang bumaba… pagkat malamig
22. sa aircondition na bus
23. habang naglalakbay kasama ang iyong kamagaaral
24. hanggang sa pag-uwi ng bahay na pagod, humihingal
25. …galing kang fieldtrip pero agad kang
26. Sisimangot
27. Dahil inutusan ka ng iyong ina,
28. Ng napakahirap na gawaing magtimpla ng kape nya
29. Wala kang nagawa kundi sundin
30. Ang sarili na humiga at magtalukbong ng kumot
31. … anong hirap gisingin ng isang hindi tulog
32. Pagkagising mo’y may nakahain na sa paborito mong platong
33. Itinuro ng iyong daliri at sinabing gusto mo…
34. (agad kang ibinili)
35. Bagaman iba sa pagturo mo sa una mong GITARA
36. …humiga sa malamig na semento, nagpagulong-gulong, at
37. Tumangis sa pagpilit sa iyong Ama
38. Kaya’t
39. …ilang buwang puyat
40. …ilang buwang gutom
41. …ilam buwang paghihirap…
42. Ilang buwang ganun dahil sa bago mong gitara
43. Marahil nga’t naisip mong doon nanggaling
44. Ang kalyo sayong kamay… ngunit
45. Muli kang nagising
46. Sa kalabit ng gusgusing batang lilimang tauhing gulang
47. Kasabay ng pagsigaw ng tsuper “hoy! Bumaba ka na!”
48. Ngunit walang isip-isip, ibinalik mo ang sobre
49. Sa gusgusing payat na bata
50. Ang sobre …nang walang laman
-101809