Pahina ng Pagkatao
Nagpapalit lang ng dahon ang araw
Sa sakong bitbit ni juan ay dudungay
Habang nalilibot sa bundok ng langaw,
Maghahalukay…
Sa kanyang palad ang napulot na papel
Na malinis walang sulat na tintang suwail
Nanghinayang itimbang pagkat walang sukat
ang kanyang hilahil…
sa pag-uwi’y kinatitigan ang papel na napulot
at dumakot ng asin at sinaboy sa mata
nais nyang isulat doon ang kanyang pagluha
ang dusa, ang pag-asa, ang pawis o ang
walang hanggang sana…
ngunit nilamukos nya ang walang sulat na papel
at hindi nya naisulat ang nais nyang isulat
…dayuhan sa buhay nya ang titik
…ang pluma nya ay putik
-012710