Edukasyon, edukasyon, karapatan ng mamamayan
Kayamanang hindi mananakaw ng sinuman
Edukasyong humuhubog sa katauhan
sagot sa kahirapan?
Edukasyon ata ay pribilehiyo, kaysa karapatan
Kayamanan ng lahat o iilan?
Paghubog o pagkulong sa katauhan
masasagot nga ba ang kahirapan?
Sintang paaralan tanglaw ka ng bayan
Papano pa , kung sa ilaw ay unti-unting pinuputulan
Kami ay dumating ng salat sa yaman
Sa aming pag-alis, malulunod ang biglang yaman na pamunuan
Hindi ka ba nagtataka?
tumataas ang matrikula, sa bulok na pasilidad
Kaldag na kwestyunableng bayaring dinaragdag
Pasismo sa estudyanteng naninindigan, ang ginagawad
Ito’y sistematikong pangongolonya ng mga huwad
Hindi ito ang pangarap nating edukasyon
Hindi mo ba pangarap na makagawa ng solusyon?
papano ka babangon? papano tayo makaka-ahon?
Kung patuloy tayong ibinabaon
Sa sistemang mga nagpapanggap na mga Panginoon!
Alingawngaw na nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan
Tunguhin ang lansangang puno ng aral
Iparinig ang sigaw ng tunay na ISKOLAR NG BAYAN
Ito ay hamon sa atin halika’t ating “iparinig” ang ating tinig
Na nagpipigil na damdamin ang tinig ng isang adhikain!
MAG-ARAL, MAGLINGKOD, MANGAHAS NA MAKIBAKA!
-Cuison, kakai,-LFS-CLL-