SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Huwebes, Oktubre 1, 2020

Bahay Kubo Kahit Munti

Bahay kubo kahit munti!!! The little family show!

Pinihit sa on ang maliit na shellane at dooý isinalang ang pulang kaserola. Laman nun ay ang tanghalian ng pamilya . bagamat gulay na naman na galing sa bakuran. “masustansya ang gulay ang laging sinasabi ng kanilang ina. Malunggay, petchay, kangkong, upo at talong... ilan lang ‘yan sa pananim na inaalagaan sa kanilang bakuran at likod bahay. Kung kakantahin ang gulay sa kantang bahay-kubo tiyak makasasabay ang sa kanila. “Ö, iyan luto na daw, kakain muna tayo ng tanghalian bago ka raw pumasok sa iskul,“ sambit ni moninay. Inahinan ang mga maliliit na plato. At kun’way tumikhim... “tapos mamamalengke muna ‘ko, ikaw magtatralbaho daw...“ sabay turo kay atan na agad mapapakamot naman ng batok. Magugulo ang tatlong piraso niyang buhok. presko sa paningin ang bagong gupit na si atan, sa kanyang kalbong ulo lumalabas ang maaliwalas niyang mukha at tiniternuhan ng medyo makapal na kilay ang malaki’t bilugang mata, medyo may katangusan ang ilong, at manipis ang labi... “ O, baon mo ýan! Bente yan ah!“inabot ang balat ng Tops sa anak. “Sige na! Papasok ka na raw sa iskul“ umalis ang dalawa at naiwan si moninay. Gamit ang maliit na sandok ay hahaluin nito ang chicaro, ang pinitpit na dahon ng gumamela,at ilang dahon ng pansit-pansitan na tumutubo sa kahit tuyong lupa. Lalapit sa kanya si atan, “umuwi na ko...“ sabay halik sa pisngi ni moninay. Tulad ng dati, dahan-dahang lalapit sa labi ng dalawa... at kapwa sila makatitikim ng mapaklang lasa ng gatas.

“hihiga ka raw, tapos tatabihan kita“ magkakatinginan ang dalawa. Hindi na kailangang ipinid ang pinto o ilugay ang kurtina sa bintana. Tamang-tama at walang matang nakatingin. Hindi sila magiging dahilan ng pagkakaroon ng kuliti ng ibang may balak mamboso. Siguroý idolo ni atan si Fernando Jose at si Moninay kay Rosalinda... nabasa man ng mga bata yung nakasulat sa bandang gilid ng telebisyon “Parental Guidance“ at nabigyan ng patnubay ng kanilang magulang. Hindi ba nila dinadaya ang pagtakip ng mga palad sa kanilang mata (nang hindi masaksihan ang hayagang pagniniig ng dalawa) sigurado bang ang palad ay hindi lihim na nilalagyan ng butas sa pagitan ng mga daliri. Bukod pa doon ay marunong rin ngang mag-DOTA si atan. May posibilidad na nagawi siya sa libreng palabas sa website ng UPORN na tila BarbieDoll na isalampak-bulatlatin ang bahagi ng katawan. Carino brutal na pagsasalpukan ng mga nilalang na tuklapin man ang balat, tanggalin ang mga laman-loob, bali-baliin ang mga buto ay hindi na mahagilap ang kaluluwa.
O kung nagawi si moninay sa kahabaan ng Aurora Cubao o sa kahit saang bangketang puno ng binibentang DVD X, mga nakahubad na babaeng buyangyang ang itinatagong bahagi ng katawan ng karamihang kababaihan sa lipunan. Hayag ang pornograpiya sa lansangan, napadaan na kaya sila sa pugad-langaw. Doon sa lugar na kahit hindi pa pumapatak ang buwan ng BER –tulad ng October at December ay puros krismas light na ang dekorasyon, doon kung saan patay-sindi ang mga ilaw, kasabay ng nakaiindayog na tugtog. doon sa ang mga babae'y walang saplot kundi maliit na telang manipis. bakat ang matayog nilang bukas tuwing may kostomer na bigatin, yung mga may datung; mga kalalakihang suki ng mga lokal na prudukto, mamimili ng mga tilapyang basang inilalako sa merkado -with Business Permit galing sa DTI. mabuti't bawal pa para kay atan ang pumasok sa ganoong klaseng lugar. ngunit hindi matatatwa ang maagang pagkabukas ng isipan ng ating mga paslit ukol sa gawang laman at pita ng kamunduhan.
inilapat ni moninay ang katawan sa sahig. malamig sa sementong hindi man lang nilatagan ng sako o karton man lang. si atan, kita sa musmus nitong katawang nag-iinit dahil sa kulob na laruang pawid, dahil sa pagkalat ng alimuom sa paligid -singaw ng init ng tanghaling tapat. hayon at huminto ang orasan ng kanilang bahay nang magpang-abot ang kanilang tinging tila may sinasabi sa bawat isa, tila lumilikha ng komunikasyon sa kanilang batang puso. Malas at darating agad si kristine -ang kanilang anak. magmamano sa kanilang dalawa. tulad ng nakatala sa propesiya. magkakatinginan lang sila. "Ayoko na daw..." "Ayawan na daw..."

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...