…After More
(wow! san mo nabili baguio yan hah! magkano? )
Fieldtrip.
Pangalawang araw na namin ‘to. Linsyak maginaw lalo na paggabi dito sa Baguio,
yun tuloy sinipon ako. Nakahiga na ang apat kong kasama sa kwartong parang lata
ng 555 sardines, nang bigla akong napabahing. Mabuti na lang at may tela akong
nakapa. Malapot at madulas ang hindi ko namamalayang sumama saking pagbahing.
Uhog yata ang tawag dun. Nagulat ako nang hinatak ng katabi ko yung telang
napahiran ko ng uhog. Ikinumot nya sa nanlalamig nyang katawan. ang ginaw ng
baguio.
Lumabas ako sa madilim naming kwarto (hindi ako sanay na matulog na nakapatay
ang ilaw, baka may mumoo) mukhang haunted pa naman ‘tong Pines Inn na pinili ng
Coordinator naming. 3days sa ganitong lugar. Kay hirap isiping masusurvive
namin ang ganitong kapalaran… ang hirap mag-isip. Dahil sa nagtitipid kami,
tiis-tiis daw. Yun ang kinaya ng budget na pang student fare… sagad na ang
discount. Yung punong abala pagod nang humingi ng tawad, awat-awat.
Tumingin ako saking relos. At naalala kong sira pala ‘yon. At pang props lang.
tumingin ako saking cellphone. 3:30 na. naisipan kong pumunta sa banyo kahit
hindi ako nababanyo… inisip ko baka matupad na ang pangarap kong makakita ng
multo. Ito ang dahilan kung bakit ako sumama dito sa baguio. Ang makakita ng
anumang nilalang na handang magpakita.
Biglang sumara ang pinto, kahit Hindi ko naman sinasara… mala-lock ako sa loob…
pipilitin kong bumukas ang pinto pero hindi ito mabubuksan. Mapapatingin ako sa
inidoro. Doon, makikita ko ang unti-unting pag-angat ng isang babaeng
nakaputing kamiseta… takip ang mukha ng nakalugay nitong kulot ang buhok…
dahan-dahan ang pag-angat…mapapatitig sakin ang nanlalaki nyang mga mata. May
dugo-dugo pa ang paligid ng bibig… matutulis ang kuko sa daliri. Sa pagkakatayo
ko… halos hindi ako makagalaw sa tindi ng pagpintig ng aking puso… pananayuan
ako ng balahibo sa katawan… lalabanan ko ang kakaibang pakiramdam , pero sa
huli ay hindi ko malalabanan.. *parental guidance* lalapat ang kamay niyang may
matutulis na kuko ang mga daliri sa 'king leeg… hahawakan niya na 'ko. Walang
pagpipilian kundi gumanti ng hawak. Naghawakan kami. Hanggang sa… (For more
scenes, use your own emagination!)
May malamig na hangin ang dumaan. May kumatok. Pigil ko ang salita “Sandali…
may gumagamit pa!” nananayo na ang balahibo ko –sa ginaw. Binuksan ko ang
pinto…
GABI NG HUWEBES...
ITINATABOY ANG MATINGKAD NA BUWAN
AT MINAMADALI ANG ARAW SA PAGDATING...
:ORAS NG PAG-ALIS...
MULA SA TARANGKAHAN AY NAKA HANDA NA ANG KAKAIBANG SAYA,
MULA SA BAONG WALA, KUNDI ANG PANANABIK NA MASILAYAN ANG KAKAIBANAG
PAGLALAKBAY...
MALAMIG NANG KAUNTI SA BUS,
NGUNIT INAASAHANG MAS MALAMIG ANG BAGUIO SA AMING PAGDATING...
DUMAAN ANG HANGIN DAHIL SA KATAHIMIKAN
NANG NAGPAHINGA ANG ILAN...
SILENT TRIP SA BUS 1.
2...
3...
4...
LIMANG ORAS NA PAGPAPAINIT NG PWET SA UPUAN AT SA WAKAS...
ISANG HOTEL? ANG AMING PAGHIHINTUAN...
LIMANG KATAO SA MASIKIP NA KWARTO,
ANG ILAN AY SARDINAS SA KANILANG PWESTO...
NALAMANAN ANG SIKMURA: KUMAKAIN NA LANG KAMI PARA MABUSOG AT HINDI UPANG
MASARAPAN... KASO'Y MADALAS NA KULANG,
GULAY NA BATO,
TINAPAY NA WALANG PALAMAN,
MALAMIG NA KAPE,
KANING PANIS...
WALANG TUBIG!!!
KAWAWA ANG NAHULING MALIGO KAYA NGA
MALIGO NA LANG SA PABANGO...
... BUTI NA LANG MARAMI KAMING NALAMANG MGA
BAGAY BAGAY NA NGAYON LANG NAPAGTANTO...
" MARUNONG ANG MANGMANG KUNG ALAM NYA ANG KAKULANGAN,
MANGMANG ANG MARUNONG KONG AYAW NYA NANG MATUTO..."
" MINSAN KAILANGAN NATING MAGING BINGI,
LALO NA KUNG ALAM MONG HINDI MAKAKABUTI ANG KANILANG SINASABI..."
THOUGH WE DONT SEE THE ROSES SCENT
SMELL IT WELL,
AT HANGGANG SA MULING PAGPUNTA SA QUIAPO...
HINDI MAN TAYO TOTOONG MAKARATING
DOON,PANIWALAIN NATIN ANG LAHAT NA ANG NAPUNTAHAN NATIN AY ANG QUIAPO!!