SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Huwebes, Oktubre 1, 2020

ISANG PANGAKO SA WAITING SHED

ISANG PANGAKO SA WAITING SHED

 

 

That's the beauty of above ground tomb here in the Philippines...

Kalahating oras na akong nakaupo sa waiting shed. Nag-aabang ng dyip habang nagtetext sa kaibigan. Nakakainip maghintay ng masasakyan, lalo na kung hindi mo alam kung sasakay ka talaga. “kelan lang ay nag-alay ako ng bulaklak sa puntod ni Rhiza,” sabi ng katabi ko. Ewan, kung ako ang kausap niya. Pero sakin siya nakaharap. Dalawa lang kami sa upuan na ‘yon sa waiting shed.

 

 “kay laki ng pinagbago ng lugar. Wala na iyong puno sa harap ng puntod. Iyon lang sana ang nagsisilbing payong ni Rhiza sa mga oras na tirik na tirik ang araw. Duhat ‘yon. Puno ng Duhat na sa tuwing dadalaw ako’y walang bunga. Di ko alam kung nagkakataon lang o baka nakararamdam rin ang punong iyon ng panganib na dulot ng aking pagbisita. Wala na rin nga yung nilagay kong palatandaan sa lugar. Tinanggal na siguro ng bagong bantay sa mga puntod.

Ngayon sigurado na akong ako nga ang kausap niya. Nakalimutan ko ng magpapara pala‘ko ng jeep. Nakakapraning si manong e, lakas trip… di muna ko sasakay.

 “Masisisi ba nila ‘ko kung hanapin ko sa kanila yung bandanang dilaw, doon sa rehas ng bakod. Na siyang palatandaan na katapat niyon ay ang kinalalagyan ni Rhiza. Tinanong ko lang ang Guwardiya. Sabi nilang hindi nila alam. Hindi nila alam at wala silang pakialam… pero hindi pwedeng hindi nila alam. pakiusap!! pakiusap!! ang paulit-ulit kong sabi sa kanila. At hindi ako tumigil kahit na dumudugo na ang noo ko nang mahampas sakin ang baril ng isa. Lumuhod ako sa harap nila… pakiusap kong walang tigil”

Wow! Daig pa ni manong si Lea Salongga sa Cinderella, sa isip-isip ko. Ang bilis magpalit ng damit ni Manong. Siguro dating Artista sa teatro. Characterized ‘yung dialog… “Pasalamat ko ng malaki nang ipakita ng bantay ang dilaw kong bandana. S-si Rhiza. Nasaan na po si Rhiza?!” pinatayo ako ng guwardiya at itinuro niya ang banda roon. Hindi ko maulinigan, at madilim ang hapong iyon. Wala akong makita. Tinungo ko ang banda roon. Gagap ko sa isip ang lapidang may ukit na pangalan ni Rhiza.

Ang hanay ng ataul ay hindi ko nilaktawan sa paghanap kay Rhiza. Wala akong Makita! Wala na ang harang na pumapagitan dati sa puntod ng mahal kong si Rhiza. Saan nga ba? Saan po ba? Muli kong pakiusap at sinabayan ko ng pag-uyog sa manggas ng unipormeng kaki ng bantay. Ngunit di ko maunawaan kung bakit nila ipinagkakait ang madalaw ko ang puntod ni Rhiza. Kahit ang puntod lamang niya… ang banda roon, ay mga sako lang naman na may kung anong laman. Itinuro ng gwardiya na tanggalin ko sa pagkakasara ang isa sa mga sako.

At nakita ko ang aking anak. Rhiza?… Rhiza, ikaw nga! Kamusta na ang anak ko… ang maganda kong anak… Rhiza! Rhiza…”

OA sa emote si manong. Para siyang may kargang hangin. Inuuyog. Idinuduyan ng bisig. Parang baliw. Parang may sapak. Gusto kong makisakay sa trip ni Manong. Kaya, hinipo ko ang ulo ng karga niya. Malamig ang hanging para kong tangang hinaplos. Oo nga… at maganda si Rhiza nang makita ko siya sa aking isip. Pero si manong, nagulat ako nang siya ay napahinto. Sabay titig sa akin. Nagulat ako sa pinukol niyang tingin. Nakita ko ang nanlalaki niyang mata, walang tinag na nakatitig sa akin. Agad akong kinabahan, pero ngumiti siya pagdaka at tumakbo nang mabilis… papalayo.  Na walang lingon-lingon sa kanan o sa kaliwa… maliwanag kong nakita ang masaya niyang pagtakbo bago siya tuluyang matumba. Humagis pang parang papel nang masagi siya ng isang malaking bus. Bigla akong napatayo sa’king kinauupuan sa lilim ng waiting shed.

 

May bakas ng pulang likido ang salamin ng bus.

 

Napasigaw ang ilang nakasaksi. Ang tingin ng lahat ay sa taong nakahiga… habang tikom ang bibig kong tila nangatal sa pagkabigla. Si Manong… Napalunok ako ng hangin at hindi parin makapaniwala. Nakita kong ngumiti siya sa akin bago tuluyang mapapikit. Ang ngiti ni Manong… parang sinasabi sa aking alagaan ko si Rhiza. Napatingin ako sa langit. Bughaw ang ulap. Alam kong mahal na mahal niya ang kanyang anak. Malinaw kong nakitang kumapit sa kamay ko si Rhiza at lumuluha pang nagpapaalam sa kanyang ama –si Manong. Napaluha ako. Pagdaka’y bumulong ngunit matapat na pangakong nagmumula sa’king puso. Mabagal kong sinabi ang mga kataga… Aalagaan ko si Rhiza. Pangako, aalagaan ko siya. 


ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...