MUKHA NI PINOY SA BARYANG PISO
by Raymond
Cuison on Thursday, November 17, 2011 at 1:29pm
(pasintabi
sa ika-150 kaarawan ni
Gat
Jose Rizal)
May
sikreto sa sumbrelo ni Rizal
Ikinubli
malaking ulo
May
sikreto sa ulo ni P-noy
Walang
sumbrelo
Malaki
ulo
Kung
bigat ng halaga ang titimbangin
Malaking
lalagyan
Umaapaw
ang laman: Rizal
Malaking
lalagyan
Wala
namang laman: P-noy
Nang
isinulat ni Gat jose
Itong
Noli Me Tangere
Binasa
ni P-noy
na
‘No-Limit-anger-e’
na
dahilan ng pagkapanot
nang
dumalas na uminit ang ulo,
na
manggalaiti,
nang
batikusin, pag-usapan
ang
kanyang mommy, at ate,
ang
pagkaPresidente
A,
Kapag namatayan ka ng ina
Pwede
ka nang presidente ng bansa
ang
ina ng demokrasya
At
siyang anak ng demokrasya?
De
puta!
Mula
noong pinaupo sa upuan
Siyam
na taong binayaran
ng
sambayanan
Sa
Konggreso’t Senado
Ngunit
nanigarilyo lang naman
At
naglaro ng laway
A,
malaking lalagyan
Wala
namang laman
Edad
na singkwenta
Utak
pang-kwarenta
A,
nang tumayo
Wala
namang naitayo
Batas
na sa isip lang nabuo
o
sa hinagap wala namang titulong mahahango
Ngayon?
Paano na kaya ang plano
sa
daang matuwid?
Papunta
na ba sa baliko?
Nagreseta
si Dr. Jose Rizal
para
sa kanser ng lipunan?
Reseta
rin ang kailangan ni P-noy
para
sa sakit ng kanyang bunbunan?
A,
ang reseta ng sambayanan
Rebolusyong
tinatahak ng bayan,
ang
daan sa tunay na lunas
sa
sakit ng bayan
patungo
sa tunay
na
Pambansang katubusan!