SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Linggo, Agosto 29, 2021

PATIMPALAK At AKTIBIDAD sa ating Buwan ng Wika 2021sa temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”.


Makiisa na at sumali sa mga PATIMPALAK At AKTIBIDAD sa ating Buwan ng Wika 2021

sa temang Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”.
Agosto 31, 2021 Martes  (Hanggang 10:00am lamang)

PATIMPALAK: BUKAS ITO SA LAHAT NG NAIS LUMAHOK 


1. PATIMPALAK SA PAGLIKHA NG INFOGRAPICS
Komite:  Bb. Sarah Lavinia Evangelista

i-CLICK PARA SA SAMPLE: SAMPLE INFOGRAPHICS

i-CLICK PARA SA PAMANTAYAN: ALITUNTUNIN AT PAMANTAYAN
I-CLICK AT I-UPLOAD ANG ENTRI DITO

 

2. TIKTOK ENTRI #PANALOCHALLENGE
Komite:  G. Reymond S. Cuison
Sa App na Tiktok gumawa ng Entry tungkol sa #PanaloChallenge (Music by EZ Mil)

I-click ito para sa Sample Link: #PANALOCHALLENGE
PAMANTAYAN:
Kasuotan – 30%

Postura – 30%

Ekspresyon ng Mukha – 30%

Transisyon/ Kakayahan sa Editing – 10%

I-CLICK AT I-UPLOAD ANG ENTRI DITO

3. PATIMPALAK SA PAGSULAT NG SANAYSAY
Komite:  Gng. Jean Brillantes Marquez
Pamantayan sa pagsulat ng sanaysay,
-Nilalaman--50% - (Hindi baba sa 150 salita
May kaugnayan sa Tema, Kaugnayan ng mga kaisipan ) -Wastong gamit ng salita at gramatika-30%
-Malikhain at kawili-wiling basahin-20%

I-CLICK AT I-UPLOAD ANG ENTRI DITO

4. PATIMPALAK SA PAG-AWIT
Komite:  Gng. Rubycell Santos Dela Pena
Pumili ng awiting nasa wikang filipino/ nakabatay sa tema ng buwan ng wika ang awitin: chorus lamang ng napiling awitin ang kakantahin pwedeng kahit anong minus one / o instrumental background music
I-UPLOAD ANG ENTRI DITO

IPA BANG ALITUNTUNIN:

1. Sa mga sasalita sa ating patimpalak, magparehistro muna bago mag upload ng kanilang entri/ lahok, i-click ang link para sa mga sasali : https://forms.gle/7eZxM7i5KZmueFSW7

2. Ang lahat ng lahok/ entri na ipapasa ay valid hanggang 10:00am ng umaga sa Agosto 31, 2021 lamang.

3. Sundin ang FILE NAME FORMAT sa pagpasa ng inyong entri: APELYIDO, KURSO/PANGKAT, PATIMPALAK NA SINALIHAN (INFOGRAPHIC, SANAYSAY, TIKTOK, PAG-AWIT). Halimbawa (CRUZ, FIL102, TIKTOK)

4. Ang mga mapipiling pinakamahusay na entri ay makatatanggap ng Sertipiko at GCASH Load.

5. Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi na mababago.

6. Bisitahin ang FB page ng GLOBAL RECIPROCAL COLLEGES GRC o makipag-ugnayan sa gurong tagapahala ng gawain G. REYMOND CUISON para sa paglilinaw at karagdagang detalye. 

Huwebes, Agosto 12, 2021

SIKYO: BUHAY NG TAGAPAGBANTAY NG BUHAY AT HANAP-BUHAY

Sikyo: Buhay ng Tagapagbantay ng Buhay at Hanap-buhay 
(Ethnograpiya)

 Good morning sir/maam iyan ang kadalasang bati sa atin ng taong nagbabantay sa mga pasukan ng isang gusali. Mga security guard ang sumasalubong sa atin para inspeksyonin ang ating mga dalang kagamitan. Ang mga security guard o mas kilala sa tawag na sikyo ay mga taong binabayaran upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga kagamitan, importanteng mga bagay at mga tao. Sila ay kadalasang kinukuha sa mga ahensya o kaya naman ay pribadong inuupahan. Sila ay nagbabantay ng nasasakupan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malaking sakop na abot ng kanilang mata. Sila ay nag-oobserba, nagpapatrol at nagmamasid ng mga kilos gamit ang mga makabagong teknolohiya kagaya ng CCTV, alarm system, radio, atbp. Sila ay hindi kailangan mang-aresto ng mga tao, pero mayroon silang awtoridad na gawin ang mga ginagawa ng isang opisyal ng batas kagaya ng pulis at sundalo ng may pahintulot sa mga mataas na awtoridad ng batas.Sila ay sinasanay para magampanan nila ang kanilang mga espesyal na tungkulin katulad ng pag-aresto, paggamit ng mga emergency equipments, pagbibigay ng agarang lunas o first aid sa mga hindi inaasahang pagkakataon, nagtatala ng mga eksaktong pangyayari at detalyadong ulat na kailangan ng kanilang pinagtrabahuang institusyon. Karamihan sa kanila ay kailangan ng karagdagang kasanayan paggamit ng mga armas kagaya ng batuta at baril. Sa mga nakaraang taon, dahil sa banta ng terorismo, ay kailangan na din nilang magsanay tungkol sa mga bomb threat na kadalasan ay nangyayari sa mga pampublikong lugar katulad ng malls, paaralan at mga lugar kung saan ay maraming tao.Ito ay ilan lamang sa mga tungkulin at resposibilidad ng isang sikyo. Saan nga ba nagsimula ang mga sikyo? May posibilidad na nagsimula ang mga sikyo sa sinaunang tsina. 

Noong unang panahon, sa kalagitnaan ng 3rd and 11th century BC, ang mga opisyales ng gobyerno na kung tawagin ay Prefectsay inatasan para mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng bansa. Mayroon silang sariling sekretarya, kawani at mga tauhan na pinapaalam ang kanilang mga nalalaman o nasasaksihan sa mga mahistrado ng bansa. Makalipas ang ilang taon ay kumalat ang sistemang ito sa mga karatig bansa sa asya. Sa sinaunang griyego, ang mga alipin ay ginagawang mga sikyo. Kagaya ngayon sa modernong panahon, sila ay binabayaran para mamahala sa mga matataong lugar at mga pagtitipon, manghuli at magbantay ng mga preso. Sa kabilang banda, si Augustus, na unang emperador ng roma, ay nagdulot ng pagbabago sa kapitolyo ng roma na kung saan ay nag-recruit siya. Ang terminong Bouncer ay nagsimula noong 19thcentury. Sa panahon ng mga saloon-keeper at brothel ay umaaarkela sila ng mga tao para protektahan ang kanilang gusali laban sa mga masasamang parokyano.

 Ang mga bouncer ay kadalasang nagbabantay sa mga kainan at bar. Patungo sa modernong panahon, noong 1800s nagsimula ang unang armoured car service sa US para sa mga pribadong kumpanya. Nagkalat sa panahong ito ang sikyo sa paligid ng lansangan. Nagtratrabaho sila sa mga daungan ng barko, lapagan ng eroplano, hotel, museo, nightclubs, laban ng football, mall, atbp. Napag-alaman namin na si Eddie Vedder na lead vocalist ng bandang Pearl Jam ay minsan nang naging isang sikyo sa La Valencia Hotel sa California. Si Shad Gaspard na isa namang propesyonal na wrestler ay naging bodyguard ng ilan sa mga kilalang rapper at artista kagaya ni Puff Daddy, Britney Spears, Cuba Gooding Jr. at Mike Tyson. Ang sikat na si Bruce Willis, pagkatapos grumaduate ng high school ay naging sikyo sa Salem Nuclear Power Plant sa New Jersey at nagtrabaho din bilang isang imbestigador bago siya naging isang artista. Napili namin na maging paksa ng aming etnograpiya ang mga sikyo dahil sila ang madalas naming nakikita papasok ng paaralan. Nakuha ng aming atensyon ang kanilang busy na trabaho. Layunin ng aming pag-aaral na malaman ang mga pisikal, pinansyal at emosyonal na aspeto na nangyayari sa buhay ng isang sikyo. Ito ay tutulong para maintindihan at malaman natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang security guard. Nais naming makakuha ng mga impormasyon o mga datus na puwedeng makatulong sa pagpapaunlad ng serbisyo ng isang sikyo. 

 Ang metodolohiyang ginamit namin para makakuha ng impormasyon ay ang pagmamasid(observation) at pakikipanayam sa kanila. Naranasan namin ang pakiramdam ng pagbabantay sa isang bagay tuwing gabi, sa pamamagitan ng isang eksperimentong hindi pagtulog sa gabi, para mas lalo naming maintindihan ang pakiramdam ng aming etnograpiya. Sinimulan namin ang aming pag-aaral sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa isang guwardiyang aming inoobserbahan para mas mapadali at maging komportable ang guwardiya sa amin. Naging kaibigan namin ang guwardiya na nagbigay tiwala sa amin. Ginamit namin ang stratehiyang pakikipanayam sa guwardiya sa pamamagitan ng pagiging malapit sa kanya na para bang tunay na kaibigan kapag kausap. Natapos namin ang aming pananaliksik noong matapos ang mahal na araw. Ang benepisyo ng aming pag-aaral sa aming sarili ay para mas lalo naming maintindihan kung bakit ginagawa ng mga sikyo ang mga bagay katulad ng pag-iinspect, pagtatanong, at pagmamasid sa nasasakupan. Maari din naming malaman ang iniisip ng isang sikyo para mas madaling makasalamuha ang mga ito dahil madalas namin silang nakakasama sa loob ng paaralan. 

Ang mga benepisyo ng etnograpiyang ito sa publiko ay ang pagsuporta sa trabaho ng isang sikyo. Upang matuto din silang respetohin ng mga tao, at huwag tignan ng mababa bagkus malaman ang kahalagahan nila sa seguridad ng publiko. Bawat isa sa amin ay may mga personal na karanasan sa mga sikyo. Noong bata pa ako (Rhessan Mamoransing) ay takot na takot ako pag nakakakita ako ng mga guwardiya. Madalas kasi akong takutin ng aking yaya na kapag suwail ako ay kukunin ako ng mga sikyo. Simula noon ay lagi na akong umiiwas sa mga sikyong nakakasalubong ko. 

Noong nag-aaral na ako sa mababang paaralan ay unti-unting nawala ang takot ko sa mga sikyo dahil sa madalas akong nasisita dahil sa aking incomplete uniform. Mahilig kasi ako noong mag suot ng black rubber shoes na dapat ay leather kaya madalas akong sitahin ng sikyo ng aming paaralan. Simula noon ay naging immune na ako sa aking takot. Madalas akong nakikipaglaro sa kanila dahil madalas late dumating ang aking service sa oras ng aking uwian. Pinagtritripan ko ang kanilang mga gamit katulad ng pag-ihip sa kanilang pito at pagkuha sa kanilang chapa. Noong tumagal, nang akoy naging high school, hindi ko na gaano napapansin ang mga sikyo kahit madalas ko silang nakikitang umiikot sa paaralan. Para na silang mga ordinaryong tao sa paningin ko na nandiyan lang. Noong nag college ako sa FEU, isang technique sa aming paaralan ay kaibiganin mo ang mga sikyo para makaiwas sa DO(Discipline Office). Madalas kasi kami naka sibilyan sa pagpasok at dumadaan kami sa backdoor ng aming paaralan para makapasok sa eskwelahan. Noong lumipat na ako ng paaralan at nag-aral sa AMA, mayroon akong naging kaaway na sikyo, isang araw sa aking normal na pagpasok. Pumunta nang maaga ang tatay ko para ibigay ang pambayad ng aking tuition fee. Hinanap ako ng tatay ko sa sikyo ng AMA. Hinanap naman ako ng sikyo sa loob ng paaralan. Ang oras ng pasok ko noon ay 10:00am pero dumating ang tatay ko ng 9:00am. Hindi pa naman alam ng tatay ko ang oras ng aking pasukan. Hinanap ako ng sikyo sa faculty na kung saan ay pinapunta siya sa aking section na pinapasukan ngunit wala ako doon. Sinabi ng sikyo sa tatay ko na hindi daw ako pumasok na ikinagalit ng aking tatay. 

Tinawagan ako ng tatay ko at pasigaw na sinabing, HINDI KA PUMASOK!!. Nagulat ako sa sinabi ng tatay ko. Papasok pa lang ako ng paaralan noon at nasa biyahe. Nagtataka ako kung bakit niya sinabing hindi ako pumasok. Pagdating ko sa AMA ay nakasalubong ko kaagad ang aking tatay sa harap ng paaralan at dali-dali kong pinuntahan. Kitang-kita mo sa mukha niya ang galit na awra. Namumula sa galit ang kanyang mukha na para bang nasaniban. Anong hindi pumasok? Eh ngayon pa lang magsisimula ang klase ko., ang sabi ko. Sabi ng guard ay hindi ka daw pumasok, sabi ng tatay ko. Sinong guard iyan? Tara puntahan natin at papatunayan kong ngayon lang ang pasok ko. Ihahampas ko sa kanya yung COR ko, sabi ko. Pinuntahan namin ang sikyo na nagsabi sa tatay ko. Umiinit na ang ulo ko at kumukulo na ang dugo. Sabay sabi ko sa pagalit na tono, Anong pinagsasabi mo sa tatay ko na hindi ako pumasok. Sino nagsabi sa iyo noon?, sabi ko. Sabi ng mga kaklase mo hindi ka daw pumasok, sabi ng sikyo. Natural hindi ako papasok kasi wala akong pasok sa oras na iyon, sabi ko. 

Umamin ng pagkakamali ang sikyo at humingi ng paumanhin. Natunganga na lang ang tatay ko na parang nahihiya sa akin. Siyempre dahil tatay ka, hindi ka dapat humingi ng paumanhin sa anak mo pagnagkamali ka. At ganoon ang ginawa ng tatay ko, hindi nga siya nag sorry. Pero okay na din yun atleast napatunayan kong inosente ako. Kinuha ko ang pera ko sa tatay ko at diretsong pumasok sa aking klase. Pero bago iyon ay pasigaw kong pinarinig sa sikyo ang mga salitang Ayusin mo ang trabaho mo ah. Hindi kasi ikaw ang naaagrabyado. Hindi ako makaconcentrate sa tinuturo ng aking guro. Nakokonsenya ako sa mga nasabi ko sa sikyo. Hindi naman niya kasalanan na nagalit ang tatay ko dahil choice ng tatay ko na magalit. Nag-uulat lang naman siya sa tatay ko. Malay ba niya na hindi pala ako naka-enrolled sa klaseng pinuntahan niya. Pagkatapos ng klase ko ay dali-dali kong pinuntahan at hinanap ang sikyo na aking nasigawan. Nakita ko siya at lumapit ako para humingi ng tawad sa aking mga nasabi. Linagay ko ang aking kamay sa kanyang balikat para masabi kong nagsisisi talaga ako sa nagawa ko. Kalimutan mo na iyon. Okay lang iyon., ang sabi ng sikyo sa akin. Medyo gumaan ang loob ko sa aking narinig at pumunta na ako sa susunod ko na klase. Simula noon ay maganda na ang aking pakikitungo sa mga sikyo sa kahit anong gusali na aking pasukan. 

 Si Princess naman ay may ibang experience sa mga sikyo. Isang araw sa lobby ng AMA Fairview, magaan ang kanyang pagpanaog sa loob ng campus dahil sa ngiti ng guwardiyang nakatalaga dito. Umupo siya sa isang sulok na kung saan ay mapagmamasdan niya ang mga guwardiya ng paaralan. Dumating siya ng 9:13am sa paaralan at 9:30am niya sinimulang obserbahan ang mga sikyo. Napansin niya na habang nag-aantay ang mga sikyo ng estudyanteng papasok ay palakad lakad sila na parang hindi mapakali. Nakita niyang tumitingin ang mga sikyo sa CCTV, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Napansin niya na kapag may pumasok na estudyante ay unang tinitignan ng mga sikyo ang ID. Sumunod, ang kasuotan ng estudyante kung naaayon ba ito sa panuntunan ng paaralan. Naalala niya ang nangyari sa kanya noong ika-19 ng Marso kung saan ay pumasok siyang suot ang kanyang sandals na walang takong. Sinita siya ng sikyo dahil sa suot niya. Dapat may takong ang sandals mo at dapat close shoes, sabi ng sikyo sa kanya. Ilang buwan ko na itong suot ngayon lang ako sinita., sabi ni Princess. Dali-dali umiwas ng tingin si Princess sa sikyo at umalis na. Talagang hindi niya makalimutan ang mga pangyayaring iyon dahil nagtataka siya sa sinabi ng sikyo sa kanya.  

Si Erna naman ay nagkaroon ng kaibigan na sikyo. Unang tingin daw niya sa sikyo ay mabait at mapagkakatiwalaang tao. Magaan ang loob niya sa sikyo kahit hindi pa niya lubos na kilala ang mga ito. Napapansin ni Erna na laging ngumingiti at bumabati sa mga nagdaraang mag-aaral ang mga sikyo. Napagmasdan niya ang mga gawain ng mga sikyo. Isa sa mga gawain ng sikyo na nakita ni Erna ay magpatawid ng mga estudyante. Minsan ay nakita niya na maiging nagmamasid ang sikyo at nag-iinspek ng mga gamit ng mga estudyante. Isang araw ay nakausap niya ang sikyo at nalaman niya na parehas pala sila ng relihiyon (Iglesia ni Kristo). Kaya pala kapansin pansin ang gaan ng loob niya sa sikyo. Nalaman din niya na parehas silang mang-aawit sa koro. Kinuwento ng sikyo sa kanya ang mga karanasan niya. Masaya siya sa kanilang pag-uusap dahil sobrang gaan ng pakiramdam niya na parang kausap lang niya ang kanyang kapatid. Napansin niya na madaling lapitan ang sikyo at talagang maasahan. Simula noon, bawat araw na pumapasok siya sa paaralan ay binabati at nginingitian siya ng sikyo. Kahit wala siya sa mood o badtrip ay napapangiti siya nito. Gustong-gusto kasi niya na may bumabati sa kanya sa umaga. Simula noon ay gumaan ang loob niya sa mga sikyo. Kakaiba naman ang naging karanasan ni Jhir. Minsan ay papunta siya sa mall para bumili ng gamit para sa paaralan. Pormadong-pormado siya sa araw na iyon. Papunta siya sa entrance ng mall. Sa malayo pa lang ay natatanaw na niya ang haba ng pila sa pasukan ng mall. Medyo hindi maganda sa paningin niya ang mga mahahabang pila lalo nat maganda ang kanyang porma. Pagpapawisan lang siya sa labas at gusto na niya kaagad pumasok. Inantay niya ang limang minutong pagpila para lang inspeksyunin ang kanilang mga kagamitan. Dumating siya sa unahan at turn na niya para inspeksyunin. Binuksan niya ang kanyang bag para ma-inspek ng sikyo. Sinilip at binusisi ng sikyo ang laman ng bag niya na parang may hinahanap na bagay. Nailang siya dahil parang hinahanapan talaga siya ng butas. Matapos tignan ang bag ay kinapkapan naman siya ng sikyo. Todo ang pag kapkap ng sikyo sa kanya. Paulit ulit sa pagkapkap na parang nanghihipo lalo na sa parteng likod ng katawan. Lalong nailang si Jhir sa mga ito at tinitigan ng masama. Simula noon ay may hindi na siya magandang pagtingin sa mga sikyo lalo na sa mga sikyong nasa pasukan ng mga mall. Istorbo at abala naman ang pananaw ni Dheyjem sa mga sikyo. Madalas naiisip niya na istorbo at abala lang ang mga guard. Kasi nga naman, papasok pa lang siya ng paaralan ay kailangan pa ipabukas ang bag at i-tse-check daw ng mga sikyo ang gamit niya, e samantalang, tutusukin lang naman nila ng stick yung bag. Pakiramdam niya na kinakapkapan siya na parang hinihipuan siya ng sikyo. Sinisita siya kapag wala siyang I.D. Naiinis siya kapag nasisita ng sikyo ang kanyang damit. Pinapahinto siya kahit late na siya sa kanyang klase. Minsan ay pumasok siya at sobrang late na niya sa first class niya, hinarang pa siya para sitahin ang kanyang suot. Sabi ni dheyjem, Kuya mamaya mo nalang ako sitahin. LATE NA KO!, sabay takbo. Tapos pagbalik niya ay nginitian niya na lang ang sikyo sabay sabing Oo kuya. Ito na uuwi na ko. Pero nag-SM lang talaga siya tapos noong bumalik na siya sa school, ganoon pa din yung suot niya malamang pero inilingan na lang siya ng guard. Para sa kanya ay may pagkakataon din na nakakatulong ang mga guard, hindi lang sa kaligtasan natin pero pag minsan naliligaw na tayo at di mahanap ang isang lugar, sa mga sikyo tayo madalas nagtatanong. Minsan noong naligaw sila ng bestfriend niya sa mall kasi parehas silang aanga-anga, di nila mahanap yung ATM machine at nagtanong na sila sa sikyo na umiikot sa lugar kung saan makakakita ng mga ATM. Sa sobrang bait noong sikyo, hinatid pa talaga sila doon sa mismong lugar. A
yon naman sa mga karanasan ni Reygan sa isang sikyo, maayos naman at wala namang problema kaso minsan talaga ay parang OA na ang kanilang ginagawa. Isang araw nagmamadali na siyang pumasok dahil late na siya sa kanyang unang subject. Nang makarating na siya sa school ay hinarang siya ng guard dahil i-tse-check niya ang bag. Sa isip-isip niya, Ang liit na nga lang ng bag ko tapos i-tse-check pa, isang binder nga lang kasya dun e. Nang binuksan na niya ang kanyang bag, tsine-check na ng sikyo, tapos ang tagal pa mag-check ng sikyo. Halos wala naman laman yung bag niya.Pagkatapos nun kinapkapan pa siya. Sa sobrang tagal naisip niya tuloy, Mukha ba kong magdadala ng bomba? Kasi ang tagal talaga. Nang maka alis na siya, nilingon niya yung guard tapos ang sama ng tingin sa kanya. Pagdating niya sa room nila, kakatapos lang mag-lecture ng kanilang professor. Ang saya diba. Absent na naman tuloy ako, sabi ni Reygan. Pero naisip niya na siguro ay ginagawa lang talaga ng mga sikyo yung trabaho nila para narin sa ika-aayos ng binabantayan nila. 

Madami nang lugar na napuntahan si Almira na hindi talaga nawawala ang security guards. Ibatibang pamamaraan at ito ang mga ilang halimbawa ng mga naranasan niya. Sa isang mall, napansing niya ang mga sikyu dito ay nakafloral pattern na uniforms at may katerno pang summer hat kadalasan. “Ang mga sikyu dito ay kunwari lang nag-tse-check ng bag”, sabi ni Mira. Ang ibig sabihin, dito ay itutusok lang nila ang hawak hawak nilang matulis na kahoy sa loob ng iyong bag sabay pwede ka ng dumaan. “Ang galing diba, sabi ni Mira. Minsan pa nga, dahil abalang-abala na nakikipagchismisan ang babaeng sikyo sa kapwa sikyo niya eh sesenyasan ka na lamang niya na pumasok. Sana pala hindi na niya binuksan ang bag niyang sobrang bigat. Bigla niyang naisip, Kung masamang tao ako at may masama akong intensyon ay matagal na akong nakalusot. Pero sabay binawi niya din naman agad na sana hindi mangyari ang naisip niya dahil kawawa naman ang mabibiktima. Sunod naman ang pinakakinaiinisan niya, ang kanyang pinapasukang kolehiyo. Araw-araw siya tinatanong ng mga sikyo kung may laptop ba siyang dala o wala, halata naman sa kanilang mukha na nang-iinis sila kaya ang ginagawa niya ay inaabot niya ang kanyang bag sa kanila para buhatin nila kung may laptop ba silang nararamdaman. Pinagbabawal kasi sa paaralan ang laptop na hindi nakarehistro sa Maintenance Department. Ngingiti ang mga sikyo at sabay sabi, Ito, meron oh! Kaya mapipilitan siyang buksan ang kanyang bag. Nahalata niya na hindi talaga nila tinitignan kung may ipinagbabawal akong kagamitan na dala. Kung hindi ay inuusisa nila kung ano ang nilalaman ng kanyang bag. Natataon lagi na nangyayari ito kapag late na siya sa aming klase. Ang galing ulit., pabirong sabi niya. At ang huli ay ang tinatawag niyangsensational bodyguards na laging sanhi ng kanyang pagkabigla sa kadahilanang napakabusisi nilang magkapkap na halos nahahaplos na ng sikyo ang kanyang ibabang likuran. Kung may nagawa mang mali ang mga bodyguards na ito, inilulugar niya ang kanyang sarili sa kalagayan nila, napakahirap dahil ilang oras kang nakatayo at paulit-ulit na routine. Boring. Pero iyon ang trabaho nila eh. Irespesto na lamang natin iyon. Yun na lamang ang magagawa natin., sabi niya. Hindi lang pala iyon, mas matutulungan at mapapadali natin ang trabaho nila kapag binuksan natin kaagad ang ating mga bag para ipakita sa gwardiya ang loob nito, na sa tingin niya ay ginagawa naman ng lahat. At ang huli para kay Mira ay, wag magtulakan sa pila. “Di aalis iyang papasukan natin. Kalma lang., sabi ni Mira. 

 Si Adrian naman ay may kaparehong karanasan sa security guard. Minsan naiinis siya sa mga sikyo. Lalo na sa oras na siya ay nagmamadali sa AMA nang si guard ay kailangang harangan siya at sasabihin sa kanya na isabit muna ang ID para makapasok. Isusuot niya naman, sadyang nagmamadali lang siya. Isa pang napansin niya ay kapag papasok napakabagal mag check ng bag. Hindi naman siya mukhang magnanakaw at magdadala ng bomba upang pasabugin ang AMA. Dumating ang araw na kelangan naming magmasid sa paligid ng aming paksa gamit ang aming mga senses. Ang lugar ng aming sikyo ay matatagpuan sa AMA Fairview. Ilang araw kaming nag-obserba at nagmasid sa lugar na pinagtratrabahuan ng aming sikyo. Malaki ang gusaling iniikot ng aming sikyo. Ang gusali ay may apat na palapag at may malawak na sakop ng lupa. Mapapansin na ang gusali ay nasa corner lot ng dalawang daanan na madaming sasakyan. May maluwag na parking ang harap ng gusali. Madaming nakaparadang mga sasakyan sa harap pagdating ng tanghali. Sa gilid naman ay madaming motor na nakaparada. 

Mainit ang labas ng gusali pagdating ng mga 9am hanggang 4pm. Kaunti ang mga tindahan sa paligid ng gusali. Maraming mga sasakyan at tao ang dumadaan dito kaya mapapansin ang ingay ng paligid. Maliwanag at maaliwalas ang loob ng gusali dahil sa mga see-through na salamin nito. May kainitan ang loob lalo na kapag madaming tao. Mapapansin din ang location ng check point o pasukan ng gusali na nakatapat sa araw kapag tanghali. Mapapansin na walang elevator ang gusali at maliliit ang hakbang ng mga hagdan. Talagang pagod ka kapag umakyat ka papuntang 4th floor. Bawat palapag ng gusali ay may hindi bababa sa apat na silid-aralan. Hindi maganda ang amoy ng polusyon ng mga usok na nanggagaling sa mga sasakyan. Malinis ang paligid ng gusali kaya wala kang maamoy na basura. Maamoy mo ang mga halo-halong pabango na naiwan sa pasukan ng gusali sa umaga. May mga amoy shampoo, pabango, deodorant, putok, atbp. Mapapansin mo na sobrang panghi ng mga palikuran. Kahit anong floor pa ang piliin mo, mapanghi ang mga palikuran. Napansin namin na habang tumatagal ang oras ay nag-iiba ang amoy sa loob ng gusali. Nakadepende din ang amoy ng loob ng gusali sa klima. Malupit ang amoy kapag mainit ang panahon dahil maamoy mo ang mga amoy warrior na pawis ng mga tao sa loob. Maririnig mo ang mga ingay ng sasakyan sa labas ng gusali. Mga busina, tunog ng makina at mga andar ng gulong sa mainit na sementong daan ang kadalasang maririnig mo sa labas. Idagdag mo na din ang mga taong nag-uusap at nagsisigawan. Maingay ang loob ng gusali kapag tanghali at kada oras dahil sa paglipat ng mga estudyante. Kakaiba ang panlasa ng hangin sa loob kapag tanghali. Para itong maasim na mangga. 

 Napansin namin na ang aming sikyo na malinis sa katawan. Puting-puti ang uniporme na parang nalabhan sa Surf. Makinang ang mga chapa at mga bling-bling na nakasabit sa damit ng sikyo. Malinis ang gupit or clean cut ang laging gupit ng sikyo. Makikita mo na lagi siyang naglalagay ng gel sa ayos ng buhok niya. Medyo maputi ang aming sikyo at matangkad dahil sa haba ng kanyang pantalon. Makinang at laging nakashine ang kanyang mga sapatos at malinis ang medyas. Mapapansin mo na may nakasabit na lumang baril sa gilid nito. May mga tattoo siyang nakatago sa mga braso at kamay na parang may sinalihang fraternity. Mapapansin mong hawak lagi ang kanyang radio at nakikipag usap. Kapag nasa labas siya ay dala niya ang kanyang log book para ilista ang mga pumaparada at umaalis na mga sasakyan at motor. Bihira namin siyang makitang rumonda sa loob ng paaralan at madalas nasa may pasukan lang siya. Kausap palagi ang mga kapwa sikyo kapag walang gaanong tao. Mabango ang sikyo at may downy na amoy ang damit. Hindi palasalita ang sikyo sa mga estudyante at pinipili lang ang mga kinakausap na estudyante. Hindi namin sila nakikitang nagbre-break o kumakain man lang. Lagi niyang pinagmamasdan ang kanilang alarm system o ang LCD na may video ng mga paligid ng paaralan. Mapapansin mong malinis sa katawan, mabango at tahimik ang aming sikyo. I

sang araw bago magsimula ang mahal na araw. Nakaupo kami sa lobby ng AMA at nagmamasid sa aming sikyo na napili. Naghahanap kami ng tiyempo para magtanong at humingi ng interview sa kanya. Napansin namin na lumabas siya para magcheck ng mga nasa log book niya. Pinuntahan namin ang sikyo at kunwaring nakatambay lang sa labas. Manong ang init noh, sabi namin. Oo nga e, pinagpapawisan na ako., sabi ng sikyo. Kailan kaya magkaka-snow dito sa pinas?, pabirong sabi ni Adrian. Napangiti ang sikyo at tumingin uli sa log book para magcheck. Dahil kakilala ni Erna yung sikyo, siya ang naging middleman namin para magawa namin ang interview. Nakipag-usap si Erna sa sikyo at nangamusta. Kailan ang tupad (pagtupad o pagganap ng tungkulin bilang mang-aawit) mo?, sabi ni Erna. Mamaya pagtapos ng duty ko, sagot naman ng sikyo. Hanggang anong oras ka ba manong?, tanung ni Erna. Hanggang alas tres lang. Pagtapos noon diretso na ako sa kapilya., sagot ng sikyo. Saan ka nakatira manong?, tanong namin. Sa may Bulacan pa ako., sagot niya. Ang layo naman ng sa inyo manong. Buti hindi ka nahihirapan sa biyahe?, sabi namin. Hindi naman. Tanghali naman ang uwi ko kaya ayos lang. Walang gaanong tao sa biyahe. Mainit lang. sagot naman ng sikyo. Tinanong namin ang kanyang pangalan at ito naman ay kanyang binigay. Pinanatili naming lihim ang kanyang pangalan para maprotektahan ang kanyang trabaho. Tawagin na lang nating ang sikyo sa pangalang Nocete. Medyo nakuha namin ang loob ni Nocete. Dahil malapit na ang kanyang uwian at pinagpabukas na namin ang pag-interview. Kinabukasan ay nakatambay kami uli sa lobby para magmasid kay Nocete. Nakita si Erna sabay ngiti sa amin. Sinubukan naming lumapit sa kanya para mangamusta. Habang nag-tse-check siya ng bag ay linilibang namin siya sa pakikipagkwentuhan. Maganda ang aming nasimulang kwentuhan at napatanong kami kung ano ang gagawin niya sa bakasyon. Sabi ni Nocete ay may duty daw siya sa mga araw na iyon. Walang mga bakasyon sa mga security guard sabi niya. Nakahanap kami ng butas para makonekta namin ang aming mga tanong. Edi paano yan habang bakasyon na ng ibang tao ikaw naman ay nag-iisa lang na nagbabantay? Hindi ka ba nalulungkot?, tanong naming kay Nocete. Siyempre nakakalungkot dahil nagsasaya ang ibang mga tao sa paligid mo, mga pamilya mo, pero nasa duty ka at nakatunganga para magbantay., sabi niya. Ano ang mga pumapasok sa isip mo kapag nag-duduty ka na mag-isa ka lang?, tanong namin. Makikita mo sa mukha ang pag-aalinlangan para sagutin ang tanong namin kaya nag-follow up question kaagad kami. Noong pasko naka-duty ka din ba?, tanong namin. Hindi, day-off ko noong pasko, sagot niya.Edi masaya noong araw na iyon. Nasubukan niyo na po ba na magpasko sa duty?, sunod na tanong namin. Nasubukan na, maraming beses na siguro., sagot niya. Edi ang lungkot nun, tugon namin. Oo malungkot pero kailangang kumayod para sa pamilya., sagot niya. Napansin namin na naging malungkot ang mukha ni Nocete at nagcheck ng mga bag para ma-divert ang nararamdaman. Mapapansin namin na medyo sensitibo si Nocete sa mga tanong kapag tungkol sa mga holiday na may duty siya. May pamilya na po ba kayo?, tanung namin. Mayroon. Dalawa yung anak ko parehong babae. Nandun sila sa misis ko sa may Pangasinan., sagot niya. Ang layo mo naman sa kanila manong. Paano ang ginagawa ninyo kapag namimiss ninyo sila?, tanong namin. Minsan tinatawagan ko sila sa gabi. Iyong bunso ko nga magbibirthday sa april 2 kaya baka lumuwas ako., sagot niya. Edi madami kayong dalang regalo pag-uwi ninyo, sabi namin. Siyempre. Understood na iyon!, sabi niya. Paano ninyo pinapadala ang sahod niyo?, sabi namin. Minsan pinapadala, minsan naman umuuwi ako at ako na nagbibigay, sagot niya. Buti kasya naman sa inyo yung kinikita ninyo?, sabi namin. Napagkakasya naman kahit papaano, sagot niya. Ilan taon na po ba ang mga anak ninyo? At si misis po ba nagtratrabaho?, tanong namin. Yung panganay ko ay magha-highschool na sa pasukan at yung bunso ay mag-ge-grade 5 sa april 2. Si misis naman ay tumutulong sa mga tiyahin magbenta ng mga tocino at longanisa., sagot niya. May insurance po ba kayo katulad ng mga pulis?, tanong namin. Meron din. Death insurance at medical insurance. Kasama sa ahente namin yun. Lahat naman siguro ng guard may ganoon, sagot niya. Biglang natanong namin ang mga maseselan na tanong kay Nocete. Paano po kung may aksidenteng nangyari sa inyo? Hindi po ba kayo natatakot mamatay?, tanong namin. Wag naman sana mauwi sa ganoon. Maliliit pa yung mga anak ko., sagot niya. Kitang-kita mo ang takot sa kanyang mga mata na kung may mangyari sa kanya ay paano na ang kanyang pamilya. Bigla siyang nakahawak sa kanyang ulo at nag-ayos ng buhok na parang hindi inaasan ang ganoong tanong. May karanasan na po ba kayong ganoon na kung saan nalagay ang buhay ninyo sa peligro dahil sa pagbabantay?, tanung namin. Wala pa pero yung isang kasamahan ko muntik ng namatay sa saksak sa tagiliran., sagot niya. Bakit po? Maari ninyo po bang maikwento sa amin?, pakiusap namin. Guard kasi iyon sa isang village sa may banawe ave. Habang nasa guard house siya ay may dalawang tao na umaaligid sa tapat ng gate ng village. Sinita niya yung dalawang tao at pinuntahan kasi kahina-hinala silang mga tao. May inaantay lang daw yung dalawang tao na kakilala nila sa loob ng village na lumabas. Bumalik siya sa kanyang post at pinagmamasdan lang yung dalawang tao. 

Nakaraan ang ilang minuto napansin niya na nagtetext yung dalawang lalaki at dali-dali pumulot ng bato at pinagbabato ang gate ng village. Pinuntahan ng kaibigan ko yung dalawang tao at pinagsasabihan. Hindi pa rin huminto sa pagbabato ng gate at nag-iingay na sa tapat. Tila may hinahanap na tao sa loob ng village. Pinuntahan na ng kaibigan ko yung dalawang tao at binantaan na tatawag ng barangay kung mangugulo uli sila. Habang pabalik sa guard house ang kaibigan ko at nakatalikod sa kanila, nasaksak ang kaibigan ko sa tagiliran. Biglang tumakbo sila at nawala na parang bula. Buti nakita siya ng isang may-ari ng village na pinaglilingkuran niya sa gitna ng daan sa entrance ng village. Dali-dali siyang dinala sa ospital at nakaligtas sa kamatayan., kuwento niya. Grabe naman po ang nangyari sa kaibigan ninyo. Kayo po kunwari may nangyari parang ganun dito sa school. May nag-aamok na tao sa labas. Handa na po ba kayong mag buwis ng buhay para lang sa mga binabantayang gusali at estudyante?, tanong namin. Napaisip ng matagal si Nocete sabay lagay ng kamay sa bulsa. Siyempre naman. Madami ang buhay ang pwedeng mawala at kawawa ang mga bata. Trabaho namin na protektahan ang mga tao dito. Kaya pag dumating ang pangyayaring iyon ay baka magaya din ako sa kaibigan ko., sagot niya. Mahirap na sinagot ni Nocete madaming tanong at damang dama mo sa kanya ang pag-iisip niya sa kanyang pamilya. 

Habang dumadami ang mga estudyanteng pumapasok, nagpasya na kami na ihinto na ang pagtatanong dahil madami ang nakakarinig sa aming mga pinag-uusapan. Nagpasalamat kami kay Nocete sa kwetuhan namin at sa oras na binigay niya para sa amin kahit hindi niya alam na interview na pala ang ginagawa namin. Matapos naming magawa ang interview, napagpasiyahan namin na pag-usapan ang aming paksa pagkatapos ng mahal na araw ay kailangan namin magbigay ng mga opinion namin sa isa’t-isa. Nalaman namin sa aming pakikipanayam kay Nocete na mahirap ang buhay ng isang security guard. Mahirap ang ginagawa nila sa pang araw-araw. Mapapansin natin na magalang, mabait, palangiti at madaling lapitan ang mga sikyo pero para silang mga nakamaskara na tinatago ang mga nararamdaman sa loob ng damdamin ng isang sikyo. Kahit lagi silang nandiyan para mag bigay ng tulong o impormasyon tungkol sa gusaling papasukan dadating ang oras na magiging mag-isa na lang sila sa loob ng isang napakalaking gusali. Walang makausap at walang kasama, nagagawa nilang tumagal ng ilang oras na nagbabantay ng kanilang nasasakupan. Kahit antok-antok na sila ay pilit nilang dinidilat ang kanilang mga mata sa oras ng duty. Kahit malungkot o may dinaramdam ay dapat magampanan ang trabaho ng 100%. Ang mga sikyo ay mga normal na tao rin kagaya natin. Kahit akala natin na para silang mga sundalo na matigas at matatapang, para silang mga sanggol na naghahanap ng kasama, umiiyak pagnalulungkot, nagugutom at nag-iisa. Naaapektuhan din sila ng kanilang mga emosyon at nararamdaman lalong lalo na kapag ang pamilya nila ang kanilang naiisip. Karamihan ay nahihiwalay sa pamilya para lang matustusan ang mga gastusin at pangangailangan ng pamilya. May iba naman na milya o mga pulo ang pagitan ang agwat nila sa kanilang pamilya. Wala silang ibang paraan kung hindi makipag-usap sa cellphone o mag-text. Kadalasan ay buhay ang nakataya sa pagbabantay ng isang sikyo. Hindi maiwasan na may mga masasamang loob ang gumagawa ng mga illegal na aksyon sa lugar ng sinasakupan ng mga sikyo. Mga magnanakaw, bandido, masamang tao o kriminal ang naiinkwentro ng isang sikyo. At kadalasan, buhay nila ang nasasakripisyo para lang mapangalagaan ang kanilang binabantayan. Sa panahong ngayon, lalo na sa Pilipinas mapapansin na mahirap ang buhay ng mga sikyo. Kadalasan ay buhay nila ang nalalagay sa peligro. Halimbawa nito ay mga nasa balita na ang mga sikyo ay naiipit sa ginta. Sila ay pinapatay o kaya naman peligrong nasusugatan sa mga engkwentro sa mga masasamang loob na gumagawa ng mga illegal na bagay sa lugar ng sinasakupan. Kung ikaw ba naman ang kriminal at may masama kang balak sa isang lugar, siyempre kelangan mong siguraduhin na mapatumba mo ang mga guwardiya sa paligid pa maayos na magawa mo ang masamang plano mo. 

Minsan naman ay baliktad ang nagiging pangyayari, imbes na ang mga sikyo ang tumutulong sa mga tao, sila pa ang nakakapagpahamak sa mga ito. Halimbawa nito ang trahedyang nangyari sa Paco Manila kung saan ay binaril at pinatay ng dalawang sikyo ang isang businesswoman dahil sa perang dala nito. Hindi lahat ng sikyo ay mabubuti, mayroon din mga ibang gumagamit ng dahas at kapangyarihan dahil sa kumakalam na sikmura. Kaya dapat mapanatili natin ang kalidad ng pagsasanay sa mga sikyo. Ang bata ng RA 5487 na nag sasaad An act to regulate the organization and operation of private detective, watchmen or security guards agencies. Sinasabi ng batas ang mga karapatan, requirements o pangangailangan ng isang sikyo. 

Masasabi nating kulang ang mga binibigay ng batas. Kelangan ng mga insurance o tulong pinansyal ng mga sikyo dahil sa kaliitan ng mga sweldo. Ayon sa Jobstreets, ang sweldo ng mga security guard ay umaabot sa P10,000 hanggang P15,000 depende sa binabantayan. Ang seguridad ng isang bagay ay puwede maging asset ng isang nagmamayari ditto. Kaya kelangan pag tuonan ng pansin ang mga bagay katulad ng seguridad. Paano ba masosolusyonan ang problemang pinansyal ng mga sikyo? Maaring maging solusyon dito ay ang pagtaas ng sahod. Alam natin na mahirap ang trabaho ng isang sikyo. Para lang silang mga magsasaka na kumakayod sa bukid, napapagod, nahihirapan, naalipusta, napapahamak at nasasaktan. Kaya kelangan din natin silang pangalagaan. Sila ang nagpo-protekta ng mga kagamitan natin at nagpapanatili ng seguridad sa lugar. Minsan nakalulungkot isipin na dahil sa kawalan ng pera ay nagagawa nilang gumamit ng dahas gamit ang mga bagay na pinagkatiwala sa kanila katulad ng mga armas at mga pangproteksyon na mga gamit. Kung maari lamang gumawa ng batas na nakahiwalay at nag tatalakay lamang sa mga sikyo. I prioritize ng batas na ito ang mga benepisyo, seguridad sa trabaho, insurance at mga tulong pinansyal sa mga sikyo. 


Natutunan namin sa pag-aaral na ito na hindi lang pisikal ang hirap na nadarama ng isang sikyo kundi emosyonal at pinansyal din. Natutunan namin ang mga bagay na umiikot sa mundo ng isang sikyo. Nalaman namin ang mga basic knowledge na kelangan ng isang sikyo para maprotektahan ang binabantayan. Nalaman namin na ang mga sikyo ay dumaraan sa isang mahirap na pagsasanay para mapanatili at magampanan nang maayos ang kanilang mga trabaho. Ang mga pagsasanay na ito ay dumadaan sa isang masusing traing kung paano ang gagawin sa mga oras ng mga emergency. Nalaman din namin na ang mga sikyo ay kadalasang nagiging emosyonal sa mga panahon ng mga okasyon lalu nat nawawalay sila sa kanilang pamilya. Madalas ay namimiss nila ang kanilang mga pamilya sa mga oras na ito. Natuklasan din namin ang mga karapatan ng isang sikyo na nakasaad sa batas. 

Nais namin na matulungan ang mga sikyo na nahihirapan sa mga lugar na kanilang binabantayan na hindi komportable sa isang tao. Ito ay para magampanan nila ang kanilang trabaho nang hindi nagkakasakit at walang lakas na nasasayang. Malaking epekto sa aming buhay ang pag-aaral na ito dahil tumaas ang aming respeto sa mga sikyo na nakakasalubong namin. Naiisip namin ang kanilang mga sakripisyo para sa pamilya. Maituturing na mga modernong bayani ang mga sikyo dahil pinapahalagahan nila at binabantayan mabuti ang mga bagay na kanilang naatasang bantayan. 

 Isang araw sa pagpasok namin sa paaralan, nagulat kami na iba na ang guwardiya na nagbabantay at tumitingin ng mga gamit. Tinanong naming kung nasaan na si Nocete. Nagpalit na daw ng ahensya ang paaralan kaya lumipat na si Nocete ng lugar. Lungkot ang naramdaman namin dahil ilang linggo lang ang makalipas nang matapos namin ang aming etnograpiya. Kung kailan namin mas na-appreciate si Nocete bigla naman siya mawawala. Hindi mawawala sa mga isip namin ang buhay ni Nocete. At sa tuwing makakasalubong kami ng guwardiya ay respeto at pang-unawa ang aming mararamdaman dahil sa isang tao na handog ng kuwento ng kanyang buhay. 

Kung nasaan man si Nocete ngayon ay mapalad ang kanyang mga binabantayan dahil matapang at mabait ito. Balang araw ay makikita din namin siya at masasabing Saludo kami sayo, sir!. 


ISANG ETNOGRAPIYANG TUMATALAKAY SA BUHAY NG ISANG GUWARDIYA 
 AMA COMPUTER COLLEGE FAIRVIEW CAMPUS  

IPINASA KAY: G. Raymond cuison 
Ipinasa nina: Mamoransing, Rhessan Jan R. Poquiz, Princess Mae C. Almendarez, Edjhir M. Fabia, Almira Diora M. De Guzman, Dheyjem Liquiran, Ernalene Q. Pugal, Reygan Jay Casanova, Adrian Abril 2013 Sangunian: www.lawphil.net www.wikipedia.com www.guardnow.com Google translate www.ehow.com www.gmanetwork.com www.jezebel.com www.jobstreet.com.ph

Doon na lang sa Starbucks...

 Doon na lang sa Starbucks...

Excited na naman ako na makapagsulat ulit ng mga obra habang nagkakape sa starbucks at dahil inaasahan ko ring doon ay makikita ko siyang muli. Excited ako. Pero nae-excite ako dahil sa makakapagsulat uli ako ng obra... teka, ewan ko ba, ang totoo yata kahit wala akong maisulat na obra basta lang makita ko siya sa starbucks na 'yon. Oo, at hanggang ngayon, tingin ko walang kinalaman ang pagsulat ko ng akda sa starbucks dahil kahit naman wala ako sa Starbucks ay nakapagsusulat ako, pero kung wala ako doon sa Starbucks ay hindi ko siya makikitang muli. Ewan ko nga ba bakit ginagawa ko ito, nagkakape ako -kahit na hindi naman talaga ako mahilig na magkape -kahit na magbayad ako ng mahal (Kahit na nagtitipid naman ako) baka dahil gusto ko lang talaga siyang makita doon. Kapag nasa harap ko na ang mainit na (ginituan atang) kape ay maiisip ko yung binayad ko ay pwede ko nang pamasahe nang isang buong linggo papunta sa paaralan kung saan ako nagtatrabaho -pero pupunta parin ako dahil wala akong magawa, iyon lang ang paraan para makita ko siya, kung pwede nga lang pumunta doon nang hindi na oorder ng kape, basta uupo ako doon para lang makita ko siyang muli.  Kaso hindi pwede yun! paulit-ulit akong lalapitan ng crew ng Starbucks at ipaparamdam sakin na dapat akong umorder dahil bawal ang mukhang nakiki-WIFI lang  (kahit na hindi ko naman habol ang WIFI o ang matry ang kape nila -na para sakin parang kalasa rin lang naman ng 3 in 1 na tig 6pesos yun) Kaya lang na-realize ko sa bahay kahit na may kape doon na kalasa din ng kape ng Starbucks, wala naman siya -wala paring kwenta. Kaya wala akong magawa, dahil iyon lang ang paraan para makita ko siyang muli. Teka... bakit nga ba wala akong magawa?? Lahat ng mga bagay may paraan, basta gugustuhin mo. Pwede akong maghintay sa tapat ng Strabucks na iyon at hintayin ko siyang lumabas, kahit na ilang oras pa, o kahit na gabihin pa ko, kahit na mag-overtime pa siya maghihinta ako sa kanyang paglabas, nang sa ganun malapitan ko siya, lalapit ako sa kanya at magpapakilala. Pwede kaya yun? (e diba, may kasabihan tayong do not talk to strangers?) Teka, e kung i-add ko na lang kaya siya sa FB account ko, ise-search ko ang name niya at makikipag-friend ako sa kanya para kapag friend na kami sa facebook itsa-chat ko siya kapag online siya... Tama! Pero paano kung hindi niya I-accept ang friend request ko? Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Ang hirap, wala akong sapat na lakas ng loob, kaya wala akong ibang magawa kundi pumunta sa Starbucks na yun, habang nagkakape ay miminsang matatanaw ko siya, sapat na yun para sakin. Ayos na sakin ang ganoong set-up, basta lang makita ko siya sa loob ng starbucks. Kahit na hindi niya ko makilala pa... -Sa Starbucks na lang...

Profesional

 

Profesional

 

 

Naalala niya, habang nasa taxi kung paano siya nagbago para lang kay Dave. Ang blush-on, Glossy Red Lipstick, Pearl Earings, tube, 2 piece swimsuit, 5’ high heels, cigarette, LD’s, Tsoktong at iba pang kaugnay nito ay kinalimutan niya. Itinago, ibinaon sa limot, lahat! Para lang kay Dave.

Nakilala niya ito sa simbahan bilang assherette, kaya’t di siya makapaniwala sa nabasa sa text ng isang babae sa cellphone ni Dave na palihim niyang kinuha sa ilalim ng unan ng asawa.

Huminto ang taxi sa isang hindi kilalang Inn. Room 207. Walang katok katok, sumugod siya. Hindi niya matanggap na inilihim niya rin maging ang pagiging professional.

                Sinampal niya si Dave, at inirapan ang isa.

Buod: Desaparesidos ni Lualhati Bautista

Buod: Desaparesidos ni Lualhati Bautista
Ang librong Desaparesidos, ginawa ni Lualhati Torres Bautista, ay naglalaman ng hango-sa-tunay-na-pangyayaring mga kuwento ng pang-aapi, pang-aalipusta, pagtortyur, at pagpatay sa mga tinaguriang makakaliwa o tulisan noong rehimeng Marcos. Ito ay naglalayong magmulat sa mga itinagong kuwento ng karahasan bago makamit ang inaasam na paglaya at kuwento ng pagtangis ng mga inagawan ng karapatang magkaroon ng disenteng pamilya noong panahon ng diktakurya.

            Nagsimula ang kuwento sa paglalarawan ni Sis. Lourdes, isang madre, sa mga patuloy na naghahanap ng katarungan sa marahas na pangyayari noon. Kabilang dito si Anna, Ka Leila kung tawagin sa kilusan, na nakikinig sa mga paglalarawan ng madre. Sa puntong ito, unti-unti niyang binalikan ang masalimuot na karanasang kanyang hinarap.
            Ibinalandra ng mga sundalo ang mga makakaliwang napatay (kahit ang totoo’y pinatay) daw sa isang engkwentro ng mga sundalo at NPA. Kasama rito ang asawa ni Anna na si Nonong. Habang tinitignan ni Anna, kasama ang kanyang anak na si Malaya, ang kanyang asawa, minamatyagan ng mga sundalo ang mga maaaring pagbintangang kasali sa kilusan sa pamamagitan ng kanilang reaksyon sa mga namatay.
            Naisip ni Anna na hindi ligtas ang kanyang anak kaya pinili niya muna itong ihabilin sa pamilya ni Roy, isa sa mga kasapi sa pag-aakas, kahit na may pag-aalinlangan. Iniwan niya ito sa pangangalaga ni Karla na nasa pamilya ni Roy. Lumisan silang dalawa ni Roy upang bumalik sa pakikibaka.
            Dumating ang panahon na hinahalughog ng mga sundalo ang bawat baryo’t bayan upang maghanap ng tulisan. Sa kabutihang palad, natunugan ito ng ama ni Roy at gumawa ng plano kung paano maipupuslit si Karla kasama ang anak nito at si Malaya mula sa mga sundalo. Isinakay niya ang mag-ina at si Malaya sa likuran ng sasakyang hinihila ng kalabaw at tinakpan. Sa kabilang banda, hinanap ng mga sundalo ang pamilya ni Roy sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga tao kung sino ang nakakakilala rito. Umamin ang kanyang ama na ang tinutukoy ng mga sundalo ay ang kanyang anak. Dahil ayaw sabihin ng kanyang ama ang kinaroroonan ng kanyang anak, pinagpapatay at sinunog sa loob mismo ng kanilang bahay ang buong pamilya ni Roy.
            Nakarating ang ‘di-kumpletong balita kina Anna at Roy. Dahil sa naising malaman kung ano ang kinahinatnan ng kanyang anak, lumabas muna ng kilusan si Anna kasama si Jinky, isang makakaliwa. Nagtungo muna sila sa bahay ng isa nilang kasama sa pakikibaka ngunit ito pala’y nasakop na ng mga sundalo. Nahuli si Anna at Jinky, Dito ikinuwento ang malagim nilang karanasan sa kamay ng mga sundalo. Ginahasa at pinagsamantalahan silang dalawa sa magkahiwalay na lugar dahil ayaw nilang sabihin ang lugar ng kanilang kilusan. Hindi naman natiis ni Jinky ang ginagawa sa kanya kaya’t napilitan siyang sabihin ang hinihingi ng mga sundalo.
            Dito pumasok ang kuwento ng pagkakahuli kay Roy. Nahuli si Roy, kasama kanyang mga kapatid sa kilusan, sa mismong pinakukutaan nila. Naranasan niya sa kanyang pagkakahuli ang pagpapahirap na ipinararanas ng mga sundalo sa mga nahuhuling tulisan. Matapos pahirapan, ikinulong si Roy kasama ang iba pang tulisan. Dito ikinuwento ang kalbaryong dinanas ng mga bilanggong pulitikal kung saan walang bisita, nakakulong sa masikip na kwarto, at kulang sa mga pangunahing personal na gamit. Isa sa mga pigil-hiningang tagpo ay ang pag-awit nila ng isang makabayang awitin habang lubog sa baha ang kanilang bilangguan.
      ‘Di naglaon ay naging malapit siya kay Sgt. Reyes, isang matandang pulis na nakadestino sa bilangguan ni Roy. Nauutusan siya ni Sgt. Reyes na maglabas ng basura sa labas ng kulungan. Dito siya nakapagplano kung paano makakataas at nakakuha naman siya ng magandang tyempo. Nakalabas si Roy at hinanap si Anna. Nang makita, pareho nilang binalikan ang bahay ng pamilya ni Roy at inalala ang malagim na pangyayaring nakapaloob sa naabo nilang bahay.
         Ang ikalawang yugto ng Desaparesidos ay bumabagtas sa kuwento ng anak nina Roy at Anna na si Lorena. Dito nakapaloob ang mga kuwestiyon, pagtataka, at pagtangis ng isang anak ng mga makakaliwa.
      Siya ay iniiwan sa mga kasama (o mga kasapi sa pakikibaka) kapag umaalis ang kanyang mga magulang. Natutunan ni Lorena ang iba’t ibang bagay kagaya ng pinagmulan ng kanyang pangalan at paglalayo ng kanyang loob sa mga magulang. Sa kanyang pag-iisa nakatagpo siya ng isang kaibigan. Ang kaibigang ito ay anak din ng mga makakaliwa at naging kakuwentuhan niya.
         Kasama sa yugtong ito ang pagbabalik ni Malaya upang hanapin ang tunay niyang mga magulang. Dito ikinuwento ang magkaibang buhay ng magkapatid na sina Lorena at Malaya na parehong hinarap ang mundo kaakibat ng pagiging anak ng mga tulisan.

          Ikinuwento rin dito ang ang karanasan ng isang makabagong aktibista na si Eman. Kanyang hinarap ang buhay na mayroong baluktot na gobyerno at kaakibat na problema nito.

Pandemya sa gutom at kahirapan, idudulot ng mga lockdown at restriksyon

Pandemya sa gutom at kahirapan, idudulot ng mga lockdown at restriksyon

Pandemya ng gutom at “hindi mawaring epekto sa kalusugan at ekonomya” ang idudulot ng matitinding restriksyong ipinataw ng mga estado kaugnay ng pandemyang Covid-19. Ito ang babala ng United Nations (UN) na nagsabing posibleng mas marami pa ang mamamatay dulot ng mga hakbang na ipinatupad para lunasan ang sakit.
Hirap at sakit
Pinatitindi ng mga lockdown ang dati nang mga di pagkakapantay-pantay sa mga lipunan. Lalo nitong itinulak sa kahirapan ang dati nang mahihirap na bahagi ng populasyon. Ayon pa sa UN, ang mga restriksyon at lockdown na nakatuon sa “pagsugpo” ng Covid-19 ay nagpakitid sa mga merkado at pumigil sa trabaho ng milyun-milyon  at bumura  sa  kanilang kakayahang bumili ng mga kinakailangan. Milyun-milyon na ang nawalan ng trabaho sa buong mundo, pangunahin ang mga kontraktwal at mala-proletaryado. Pangunahing naapektuhan ng kawalan ng kita ang kakayahan ng mga pamilya na bumili ng sapat ng pagkain.
Kasabay nito, maaring sumirit ang presyo ng mga pagkain sa pandaigdigang merkado dahil sa pagkaputol sa daloy ng suplay hindi lamang ng pagkain, kundi pati ng mga gamit sa produksyon. May mga paghina na rin sa ani at operasyon ng mga kumpanyang agrikultural sa malalaking bansang eksporter ng pagkain.
Lubos na maaapektuhan ang mga bansang nakaasa sa pag-angkat ng batayang pagkain, tulad ng bigas, kung ipagkakait o itataas ang presyo ng mga ito ng mga bansang  eksporter. Babala ng UN, hindi magiging panandalian at hindi madaling masosolusyunan ang daranasing hirap ng mamamayan.
Isa ang Pilipinas sa inilalarawan ng UN na mga bansang dati nang may mataas na insidente  ng  gutom. Ang mga dumaranas ng gutom, na matatagpuan hindi lamang sa siksikan na mga komunidad sa mga syudad kundi pati sa malawak na kanayunan, ay may mataas na rin upang mahawa ng Covid-19 at iba pang karaniwang sakit dahil sa malnutrisyon. Sila rin ang nasa mga lugar kung saan walang mga klinik, at matinong patubig at sanitasyon. Ang mga nasa syudad ay walang espasyo para maipatupad ang tamang social distancing o pagkwarantin ang kanilang mga may sakit na kapamilya. Sa kanayunan, salat na salat ang gamit at kasanayang medikal, gayundin ang mga pasilidad para sa mga mahahawa ng sakit. (Tingnan ang artikulo sa Ang Bayan, Abril 7 .) Tulad sa kalunsuran, milyun-milyong mamamayan sa kanayunan ang dumaranas ng gutom dulot ng kawalan ng trabaho, mababang kita at kawalan ng lupa.
Lalong magdurusa ang mahihirap dahil sa pagkasira ng mga ekonomya na idinulot ng mga lockdown at restriksyon. Ang matitinding restriksyon sa byahe at produksyon ay nagdulot ng pagkaputol sa daloy ng suplay ng mga produkto at paggawa. Kasama ang Pilipinas sa mga bansang nawalan ng kita mula sa turismo at remitans ng mga migranteng manggagawa. Nakatakdang mawasak ang dati nang mahihinang imprastruktura ng lokal na ekonomya. Dahil pinili ng estado na umutang kaysa baguhin ang mga alokasyon sa badyet nito, dekadekada pang pagdurusahan ng mamamayan ang gastos sa lockdown.
Gutom sa ngayon at hinaharap
Ayon naman sa World Food Programme (WFP), mahigit 30 bansa ang daranas ng kakulangan ng pagkain. Sampu sa mga bansang ito ay dati nang may mahigit isang milyong  populasyon na walang nakakain bago pa ang pandemya. Mangangailangan ng  $350  milyon para mapakain ang pinakanagugutom. Dagdag na problema ng mga ahensyang internasyunal na hindi nila maihatid ang pangkagipitang ayuda dahil sa mga pagbabawal at mahihigpit na restriksyon sa pagbyahe.
Sa ngayon, tinataya ng grupo na 812 milyon na katao ang dumaranas ng gutom araw-araw. Nasa bingit naman ng gutom ang 135 milyon. Madadagdagan pa ang bilang na ito ng 130 milyon sa pagtatapos ng taon.
Kabilang sa kailangang abutin ng grupo ang 30 milyon na buong nakaasa sa WFP para sa araw-araw na pagkain. Kung hindi aabot sa kanila ang ayuda, posibleng 300,000 ang mamamatay sa loob ng tatlong buwan.
Sa Pilipinas, apektado ang daloy at siklo ng produksyon ng pagkain nang higpitan ang  transportasyon ng sariwang pagkain mula sa mga prubinsya tungo sa mga syudad at sa pagitan ng mga prubinsya. Malaki ang idudulot na pinsala ng restriksyon sa galaw ng mga magsasaka at manggagawang-bukid sa darating na taniman ng palay at mais.

ISANG INUMAN

Isang inuman

Random, condom, condominium
Maximum tolerance ang pinairal
ng init na ihinalintulad sa alimuom
Urinal, oral, pagmamahal
Hindi masusukat sa haba ng paghihintay
ang ipinangakong forever ay ikaw
Oo, maaaring maganap ang walang hanggan (sa atin)
Kundi sa isang sandali ng pinagsamahang kasiyahan
Kasama kang hahakbang sa stairway to heaven
zipper, deeper, throat
isang inuman na alam kong parehas na nalunod
Hindi na kailangan ng tanong, kaya walang inaasahang sagot
Random, oral, deeper, throat...

Pre, ayokong umalis ka.

GMA NEWS ONLINE. Kasaysayan ng Wikang Filipino

BASAHIN ANG ARTIKULO MULA SA GMA NEWS ONLINE.

Kasaysayan ng Wikang Filipino
Published August 31, 2009 8:11pm

Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na. Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas." Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa." Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa." Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika." Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago ang anyo. Idinagdag sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga letra na f, j, q, v, at z. Dahil dito, ang dapat na maging baybay ng pangalan ng ating bansa ay Filipinas at ng pambansang wika ay Filipino, gaya ng ipinanukala ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura Virgilio Almario sa kaniyang librong Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa. Tama rin na isama ang mga letrang tulad ng f at v kung gusto nating makapag-ambag talaga ang mga wikang katutubo sa wikang pambansa. Halaw ang mga ito sa mga magagandang wika ng mga Ivatan, Ifugaw, at Manuvu na katutubong grupo sa bansa. - John Iremil E. Teodoro


TAGUAN ni Rolando Bernales



TAGUAN ni Rolando Bernales

Taguan
(Maikling Kwento)

Eli, Eli, lema sabachtahani?- Mateo 27:46

Kayhimbing ng tulog ko’t kay linaw ng aking panaginip.

Kristal…. Kristal… Kristal!

Halos mapugto ang litid ko sa pagsigaw habang tinatahak ko ang pasilyo ng lumang eskwelahan. Bawat pintuang aking maraana’y aking sinisilip. Ginagalugad ng aking paningin ang bawat lumang mesa at mga iika-ikang silya sa loob ng bawat silid. Tama. Baka nga naman doon sa ilalim o sa likod ng mga ito’y nagtatago si Kristal. Ngunit iiling-iling kong lilisanin ang mga iyon upang bigong tumungo sa susunod na silid.

Taliwas sa madalas na mangyari tuwing Sabado o Linggo, ako ang nakababad na taya. Madalas, si Kristal ang taya. Sa simula’y s’ya ang magtatago upang sa loob lamang ng ilang sandali’y Makita ko sa likod ng mga paso ng mga halos mangalantang halaman o di kaya’y sa likod ng isang pinto. Dangan kasi’y tako s’yang magpakalayu-layo at magtago sa kung saan-saang sulok na di n’ya kabisado kung kaya’t madali ko s’yang natataya.

- Pung! Kristal! O, ikaw naman ang taya.

Magugulat pang bahagya si Kristal!
- Ay! Ang daya naman e, Nanilip ka kuya, ‘no?

- Oy, hindi a,

Pupungas-pungas pang tutungo si Kristal sa pader sa dulo ng pasilyo. Ihihilig niya ang kanyang braso sa pader at isasandal ang noo sa braso. Papilit s’yang sisigaw.

- Pagbilang ko ng sampu, nakatago ka na!

Dali-dali akong magtatago sa paborito kong taguan… doon sa kabilang dulo ng pasilyo.

- Isa… Dalawa… Tatlo…

Sa dulo niyo’y naroon ang banyo. Madilim doon, wala kasing mga bumbilya. Hindi doon nagpupunta si Kristal. Takot s’ya sa dilim. Mula sa loob niyo’y kitang-kita ko s’ya sa pamamagitan ng isang maliit na butas.

- Apat…
- Lima…
- Anim…

Sabi ni Noknok, kalaro ko, nahuli raw s’ya minsan na namboboso sa mga kaklase niyang umiihi. Takam na takam s’ya sa pagsipat sa mga binti at puwit ng mga kaklase sa butas na iyon mula sa labas ng banyo nang mahuli s’ya ng kanilang titser. Buking na buking naman kasi ang pamboboso n’ya, dangan kasi’y namimilipit pa s’ya sa pagsilip. “Di na s’ya pinapasok ng Nanay n’ya matapos siyang pagsasabunin. Pinatawag kasi nu’ng titser si Aling Ima, sabi raw ay binobosohan s’ya. Ang lokong si Noknok, pinagtanggol pa ang sarili. Sabi nama’y di naman ‘yung titser ang binibosohan n’ya kundi ‘yung kaklase niya. Ayun,
binugbog pa s’ya ni Aling Ima. Buti nga!

- Pito… Walo… Siyam…

Wala pang sampu’y lilinga-linga na ni Kristal.

- Sampu!

Magpapalipat-lipat ng silid si Kristal, magbabaka-sakaling makikita ako sa isa sa mga
iyon, upang pagdating sa huli’y maluha-luha s’yang iiling-iling, sabay bubunghalit at mag-aanyong kaawa-awa.

- Kuya… kuya naman, e. Uwi na tayo!

Sa ganoong tagpo’y kaaawaan ko ang kanyang inosenteng mukha na lalong pinaamo ng nangingislap-ngislap n’yang mga mata sahil sa mga namumuong luhang nagbabadyang pumatak. Lalabas ako’t magkukunwang walang kaalam-alam sa kanyang pagmumukhang-tanga sa paghahanap at dahil sa pagmamakaawa upang bigyan lamang s’ya ng kaligayahan sa pag-aakalang nataya n’ya ‘ko.

-Pung! Kuya Openg!

Ngunit sa panaginip ko’y ako ang taya at hirap na hirap sa paghahanap. Hindi ako makapaniwala. Pati ang banyong madalas kong pagtaguan ay tiningnan ko na ngunit wala rin doon si Krista. Saan kaya s’ya nagsuot? Paanong nakapagtago s’ya sa kung saan gayong dati-rati’y takot s’yang magpakalayu-layo sa ‘kin?

- Kristal! Kristal!

- Bangon na, oy! Aba’t kukupad-kupad pa ‘tong batugang baklang ‘to!

Aba, aba… ‘yung bakla, matatanggap ko. Totoo ‘yun. Pero ‘yung batugan, hindi ko masisikmura. Pa’no ba nama’y katitirik pa lang ng araw, bitbit ko na’y kahon ng sigarilyo habang palipat-lipat sa mga bus at pasabit-sabit sa mga jeep habang si Tatay ay Tanduay o Ginebra na ang hawak. Batugan pa pala ako gayong ako itong napapagod at napupuyat sa paggala-gala kung saan mataong kalsada tuwing umaga hanggang hapo’t gabi at kung minsan pa’y katu-katulong ni Nanay sa pagtitinda ng karne sa palengke samantalang si Tatay ay pahilik-hilik lang na nakatihaya sa bahay.

Pupungas-pungas pa ‘kong babangon. Wala nang mumugan ay dadamputin ko ang kahon ng sigarilyo. Kagabi’y bilang na bilang ko ang laman niyon… tatlong kaha ng Marlboro, dalawang Philip at Hope at isang Winston. Ngayo’y kulang ng isang kaha ng Marlboro. Madaling napawi ang aking Pagtataka. Paano’y nanghahaba ang nguso ni Tatay sa paghithit-buga ng sigarilyo sa isang sulok habang sinasabayan ng pagtangu-tango ang makapananggal-tutuleng kantang metal na nagmumula pa sa kabilang bahay.

- Iwanan mo’ko ng sampu bago ka umalis. Baka hindi ako pautangin ni Aling Pinang, e.

Sampu… sampung piso lang para sa bilog o lapad o sa kahit na anong nakapanlalasing. Nakikini-kinita ko nang susuray-suray na naman si Tatay mayamaya lang sa kung sang iskinita habang pilit na hinahanap ang daang pauwi sa aming barung-barong o di kaya’y hihilik-hilik na nakasalampak sa tabi ng kung sang estero.
Sabi ni nanay, hindi naman daw dating ganyan si Tatay. Dati’y nagtatrabaho daw si Tatay doon sa pabrika ng sabon sa Makati. Nang magbawas ng mga trabahador sa pabrika, isa s’ya sa mga minalas na nasisante. Mula noon, nagsimula nang makitagay si Tatay sa kung saan-saang kanto, hanggang sa magsawa ang kanyang mga kainuman at matuto siyang makipagkwentuhan sa sarili habang solong nagpapakalasing. Buti sana kung katulad s’ya ng iba na kung nalalasing ay walang kibo lang sa isang tabi o di kaya’y mahimbing na natutulog. Si Tatay, kapag nalalasing, madalas ay naghahamon ng away at kung may siga-sigang magkakamaling pumatol ay uuwing pasa-pasa ang mukha. O di kaya’y kung
minamalas, si Nanay, si Kristal o ako ang napagdidiskitahang regaluhan ng dagok o tadyak. Aba, nawili ‘atang parang-haring titiha-tihaya’t pautos-utos na lang sa bahay si Tatay, lumalamon kahit painum-inom lang ng alak buong maghapon. Kung minsan tuloy, naiisip ko kung ano ang naging kasalanan ko at ni Kristal at binigyan kami ng Diyos ng Tatay na batugan. At si Nanay, bakit nag-asawa ng lasenggo!
WALA akong maibigay na tubo kay Nanay.

- Nagkulang po kasi ng isang kaha ng sigarilyo, e.

Hindi ko masabing kinuha ni Tatay ‘yung isang kaha kulang pa sa puhunan ang napagbilihan ko. Baka ‘kako marini ni Tatay at mapagbintangan akong nambibintang, gayong tiyak ko naming s’ya ang kumuha nu’n. E, sino pa ba? Naku, ‘pag narinig ‘yo’y tiyak na magpapanig na naman ang kanyang tenga at kahit na may hang-over ay tiyak na
sapul na naman ang ulo ko ng malutong na batok at kung mamalasin pa’y may bonus pang sipa’t tadyak. Kaya nga ingat ako sa pagsasalita.

Matama kong pinagmasdan si Nanay sa kanyang pagkakaupo sa harap ng isang
lumang lamesita. Halos magsalubong ang kanyang mga kilay at halos magkandakunut-kunot ang kanyang noo sa pagbilang ng mga perang papel. Batid kong inihihiwalay n’ya ang puhunang pambili ng mga karne para bukas o di naman kaya’y pilit n’yang pinagkakasya ang tubo sa mahabang listahan ng aming mga utang sa tindahan ni Aling Pinang. Dangan naman kasi, sa inutang na alak lang ‘ata ni Tatay, kulang na ang tinubo ni Nanay. Ngayon ko lamang napansin, ang laki na nang itinanda at ipinayat ni Nanay. Marami na ang guhit sa kanyang noo at ang kanyang mga braso ay yayat na’t may mga balat nang lumalawlaw. Marahil ay pagkaluwang-luwang na sa kanya ng kanyang kupas na bestida. Ilang taon na nga ba si Nanay? Sa pakiwari ko’y sadyang napakatanda na ng kanyang hitsura sa kanyang edad.  Napag-isip-isip ko, pinatanda na si Nanay ng trabaho at sakripisyo… ng pagod at perwisyo… ng bunton at konsumisyon!
Naalala ko, umaga nu’n, bitbit na ang kahon ng mga sigarilyo nang masalubong ko si Kristal na sisinghap-singhap habang basing-basa ang mga mata sa luha.

- Kuya, sabi ni Milet… ano… ano… bakla ka raw. Tinukso n’ya ko e… Kuya ko raw… ano… bakla! Huhuhu….

- Lekat, pagagalitan ko nga ‘yung matabil na batang ‘yon!

Pinagalitan ko nga si Milet, kalaro at halos kasing edad ni Kristal. Ewan ko ba, pero hindi ko matiis si Kristal. Gusto kong madama n’ya na may kakampi s’ya.
Hindi ko napansing nagtititili na pala ako sa harap ng batang walang kalaban-laban. Nu’ng una’y si Kristal ang ipinagtatanggol ko pero nu’ng kalagitnaa’y napansin ko ng sarili ko na ikinakatwiran ko. Sa isip-isip ko, oo na, bakla na kung bakla, pero hindi na ‘yun kailangang ipamukha pa. Alam na naman ‘yun ng lahat at hindi ko ‘yun ikinakaila. “Yung iba nga sa looban, mandurugas, krimina, mamamatay-tao, putsa – sa madaling salita, di hamak na mas masama kaysa sa ‘kin, kung masama nga ‘kong maituturing – hindi naman sila bakla, ah. Bakit ba ang kabaklaan ng mga bakla ang madalas na pinagdidiskitahan ng mga pakialamera? Kasalanan b ang maging bakla?

- E, ano ngayon kung bakla? Ang nanay mo nga e….. e….. ano….. nagpapaano… kung kani-kanino nagpapaano!

Saka ko lamang napansing parang nagsesermon na’ko at ang sinenermonan ko’y di na lamang si Milet kundi ang marami pang ibang tagaloob.

Bago pa ‘ko nakapagpatuloy at sisinghap-singhap na rin si Milet habang lumuluha katulad ni Kristal kani-kanina.

- Isusumbong kita sa Nanay ko… isusumbong kita! Huhuhu…

Aba’y kahahatid-hatid ko pa lang kay Kristal sa bahay nami’y dinig ko na agad ang matitinis na tili ni Aling Beth.

- Hoy, Openg! Anong ginawa mo kay Milet ko?

Sa harap ng aming pintuan, mga ilang hakbang ang layo ay naroo’t nakapamaywang si Aling Beth habang si Millet ay nagtatago sa likod ng kanyang kanang binti. Halos pumutok ang kanyang dibdib sa masikip niyang tube-blouse na pula. Inilalantad ng kanyang maikling maong na shorts ang kanyang mapuputing binti. Samantala’y nagpapakasasa naman sa katititi kay Aling Beth ang mga kalalakihang nangag-ipon na sa harap ng bahay naming habang ang mga kababaiha’y nakaabang sa susunod na mangyayari upang mamaya’y may paksa na naman silang mapagtsitsismisan.

- Pa’no ho’y pinaiyak n’ya si Kristal, e.

- E ano’t sinabi mo pang nagpapaano ako sa kung kani-kanino? Ano bang pakialm mo?!

Napag-isip-isip ko, hindi ko nga pala dapat sinabi ‘yon. Totoo, wala na ‘kong pakialam do’n, tulad ng kawalan nila ng pakialam sa kabaklaan ko. Sabagay, alam na ‘yon ng lahat. Alam ng lahat ng tagalooban na si Aling Beth ay nabuntis ng dati n’yang kasintahang anak ng isang konsehal. Pero sa halip na panagutan ang kanyang dinadala, tinakbuhan s’ya ng lalaki at binalaan pa s’ya ng konsehal na huwag gagawa ng eskandalo. Hindi rin lihim sa lahat na nang makapanganak s’yay nagpalipat-lipat s’ya ng pagsasayaw sa kung saan-saang beerhouse hanggang sa humantong s’ya sa isang mumurahing cabaret. At nitong huli, dahil medyo laspag na raw, ay umaasa na lang s’ya sa barya-barya mula sa kung sinu-sinong tagalooban o dayong gusting magparaos ng init.
Ngunit napasubo na’ko at kailangan kong mangatwiran.

- Dangan kasi’y si Milet naman ang nauna!

S’yang pasungaw ng Tatay ko sa pintuan, halatang naalimpungatan sa pagkakaidlip.

- How, Castor! ‘Yang mga anak mo, binastos ako’t pinaiyak ‘tong si Milet ko!

Ewan ko ba kung bakit kinailangan pang lakasan ni Tatay at iparinig sa kanila ang bawat sermon at mura kasabay ng paghagupit ng yantok ng walis-tambo sa aming binti, pigi, braso at sa kung saan-saan. Ewan ko kung bakit kinailangang lumagabag pa nang malakas ang nabuwal na mesa’t mga nangaglaglagang platong lata.
Ngawa nang ngawa nu’n si Kristal. Ngunit dinig na dinig ko ang banta ni Aling Beth bago sila umalis.

- Kastiguhin mo ‘yang mga anak mo, Castor! Kung hindi’y hindi na kita bibigyan ng diskwento sa susunod!

LINGO nu’n, isang lingo mula nu’ng pagalitan ko si Milet at bugbugin kami ni Tatay. Nakalimutan na nina Kristal at Milet ‘yun at wala na rin ang mga pasa sa katawan naming magkakapatid.

Pagod na kaming magtaguan sa eskwelahan nina Noknok, Milet at Kristal kayat napagkaisahan naming maglaro ng aral-aralan.
Bakit nga naman hindi, total tuwing Sabado o Linggo lang naman kami nakakapasok sa eskwelahan, dangan nga lamang ay hindi upang mag-aral kundi upang maglaro. Grade Sixn asana, samantalang si Kristal at Milet ay Grade two na sana. Ewan ko ba kung bakit hindi kami makapag-aral gayong mahihirap din naming tulad naming ang mga nag-aaral doon. A, siguro nga’y mas mahihirap kami!

- Si Openg na ang titser natin.

- E, sino pa?

Okay na rin, total pangarap ko rin naming maging titser. Kaya lang, ayaw ni Tatay. Dinig na dinig ko pa nga ang usapan nila ni Nanay isang gabi.

- Sayang naman, Castrol, kung matitigil si Openg. Gusto pa naman daw n’yang maging titser.

- Ku… ano bang titser-titser, kapurol-purol ng utak niyan! Paturuan mong maggupit at magkulot do’n sa parlor, total babakla-baka, e! Buti pa ‘yon, arawan ang kita.

Inis na inis ako no’n kay Tatay. Kontrabida talaga! Aba’y hindi ‘ata mapurol ang utak ko.

- O sige, tayong mga pulis ni Ser Openg.

- Hoy, Mam Openg! Hahaha…

Batukan ko nga si Noknok. Mapang-asar kasi. Titser (daw) ‘ata ‘ko. Di tuloy siya makaganti.

- O sige, sagutin n’yo ‘to. Sino ang ilaw ng tahanan?

- E di… bumbilya! Hahaha…

Mahilig talagang magpakwela si Noknok. Kaya naman inis sa kanya ang titiser n’ya. Busero na, pilosopo pa.

- Tanga! Ang ina ang ilaw ng tahanan. Ngayon, sino naman ang haligi ng tahanan?
Si Noknok uli.

- Ama?

- Tama!

Pero hindi makapaniwala si Noknok. Naalala ko, ‘yun nga palang pulis n’yang tatay ay may kinakasama na raw sa Pasay na mas bata at mas maganda kaysa nanay n’ya. Usap-usapan nga minsan sa looban na Japayuki raw ‘yung bagong asawa ng tatay ni Noknok at sila ng nanay n’ya ay kinalimutan na raw. Sabagay, haligi nga nama’y suporta, pundasyon. Paano nga naman maniniwala si Noknok na ang ama ang haligi ng tahanan kung ang tatay n’ya mismo ay di sila sinusuportahan. At si Milet, nasaan na nga pala ang tatay n’ya? Aba’y maging ang mga tsismoso sa looba’y nagsagawa na rin sa panghuhula!
Pero ewan ko, minsan naiinggit ako kina Noknok at Milet. Minsan kasi, naiisip ko, sana mawala na rin ang tatay ko.

Isang hapo’y sinadya ko si Nanay sa palengke. Mahalaga ang aking pakay. Maselan ang aking sasabihin. Sa gitna ng pag-alis-pagparito ng mga mamimili ay paputul-putol kong naisalaysay kay Nana yang sinabi sa ‘kin ni Kristal.

- Kuya, kanina naglaro uli kami ng bahay-bahayan ni Tatay.
Gitla si Nanay at di-makapaniwala.

- S’ya raw ang Tatay at ako ang Nanay. Tapos… hinubaran n’ya ‘ko ng damit…

Ako ma’y di-makapaniwala nang ikwento sa ‘kin ‘yon ni Kristal.

- Tapos… tapos… naghubad din s’ya.

Matatalim ang titig sa ‘kin ni Nanay… mapang-usig.

- ‘Wag kang magbibiro ng ganyan, Openg!

Hind maaaring magsinungaling si kristal. Hindi s’ya maaarin magsinungaling sa ‘kin.

- Sabi n’ya ‘wag ko raw sasabihin kay Nanay. Bukas pa nga raw malalaro ‘uli kami. Tapos, kuya, binigyan n’ya ng limampiso… eto o.
Ilang sandaling natigilan si Nanay. Sa pakiwari ko’y naghahagilap siya ng sasabihin. Ngunit kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay at ang pangangatal ng kanyang panga.

- Ale, bili ba ho kayo…

Garalgal ang lumabas na tinig sa bibig ni Nanay.

- Ku…. Nagpapaniwala ka sa batang ‘yon! Gawa-gawa n’ya lamang ‘yon!
Sana nga…

- Ale, bili na kayo…
Sana…

Maagang naubos ang mga paninda ni Nanay kayat niyaya n’ya ‘kong sumabay sa kanya sa pag-uwi. Bitbit ko ang bayong na lama’y mga kagamitan sa pagtitinda samantalang sakbit ni Nana yang palumpon ng mga barya’t perang papel na pinagbilihan. Magkasabay naming tinatahak ang landas patungo sa looban.

Sa daan, walang-imik si Nanay. Sa pakiwari ko’y binabagabag s’ya ng kwento sa ‘kin ni Kristal. Pilit kong iwinawaksi ang pangyayaring ‘yon sa ‘king isipan ngunit madalas pa rin akong natutuliro at natutulala sa pag-aalala. Ilang araw pinag-isipan at pinagdalawahang isip kung dapat ko ngang sabihn. ‘yon kay Nanay. At ngayo’y ewa ko kung tama ang naging desisyon ko.
Ilang sandali lamang ay nasa harap na kami ng aming barung-barong. Marahang binuksan ni Nanay ang pintong hindi natatrangkahan. At… at… at kapwa kami nagitla ni Nanay sa aming nakita… si Tatay, halos hubo’t hubad na nakakubabaw kay Kristal at sapu-sapo ang bibig ng kaawa-awa kong kapatid na walang-muwang sa pang-aabuso sa kanyang kahinaa’t
kawalang-muwang. Napabalikwas si Tatay. Hindi pa man siya lubusang nakababangon ay nasugod na siya ni Nanay.

- Walanghiya ka, Castrol! Walanghiya!

Pinagbubugbog ni Nanay ang dibdib at mukha ni Tatay. Ang mga mata ni Nanay ay nag-aapoy sag alit. Dama ko ang nagpupuyos na suklam, muhi at poot sa kanyang dibdib.

Hinawi s’ya ni Tatay, hinablot sa buhok at sinuntok, tinadyakan, tinulak. Bumalandra si Nanay sa lamesita. Nagkalampagan ang mga latang plato. Nabasag ang mga basong dati’y sisidlan ng kape. Kitang-kita ko nang umagos ang dugo mula sa mga labi Nanay. Kitang-kita ko…

Nandilim ang aking paningin. Dali-dali kong kinapa ang laman ng bitbit kong bayong. Sumakamay ko ang kutsilyong gamit ni nanay sa palengke. Nagsusuot ng pantaloon si Tatay nang s’yay aking sugurin. Ubod-lakas ko s’yang inundayan sa kanyang likuran.

Napaharap s’ya sa ‘kin, napahinuhod. Nanlaki ang kanyang mga pulang mata. Parang
biglang nawala ang kanyang kalasingan. Sa kanyang bibig ay may tumakas na ilang utal na salita.

- O… O… Openg… hu… hu… wag…

Ngunit sa kanyang mukha’y nakita ko ang larawan ng tatay ni Noknok, ‘yung pulis na umiwan sa kanilang mag-ina.

Muli kong inundayan s’ya ng saksak sa dibdib…

-Para kay Noknok!

Naalala ko ‘yung anak ni konsehal, ‘yung umabandona kina Aling Beth at Milet.

Isa pa, sa tiyan…

-Para kay Milet!

Nakita ko si Nanay… gitla at tulala. Naalala ko ‘yung pagpapakahirap n’ya sa pagtatrabaho habang si Tatay ay nagpapalaki ng ano sa kahihilata sa bahay. Naalala ko ‘yung bugbug n’yang iniluluha n’ya na lang at madalas ay pilit n’yang itinatago sa ‘min.

Isa pa sa tagiliran…

-Para kay Nanay!

Naalala ko ‘yung pag-aaral ko ng nahinto, ‘yung panlalait sa kabaklaan ko, ‘yung maraming batok at tadyak at ‘yung bawat pasa sa katawan ko na oo nga’t naghilom ay nag-iiwan naman ng latay sa puso ko’t isipan.

Isa pa, sa balakang….

- Para sa ‘kin!

Tiningnan ko si Kristal… duguan ang binti at hindi magkamayaw sa kangangawa sa harap ng nasasaksihang karahasan. Naalala ko ‘yung kamusmusan n’yang inagaw ni Tatay, ‘yung kahinaan niyang sinamantala ni Tatay, ‘yung kalinisan niyang dinungisan ni Tatay at ‘yung pagkababae niyang niluray ni Tatay.

Isa pa, sa ano…

-Para kay Kristal!

Nanaginip ‘uli ako.
Nakaharap sa pader sa dulo ng pasilyo si Kristal, nakahilig ang kanyang noo sa braso.

- Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo!

Isa… Dalawa… Tatlo…

Nakita ko ang silid sa kaliwa’t kanan ng pasilyo: Doon sa isa sa mga iyo’y madalas kaming maglaro ng aral-aralan nina Noknok, Milet at Kristal. Sa kabilang dulo ng pasilyo’y naroroon pa rin ang banyong madalas dating pambosohan ni Noknok.

-Apat… Lima… Anim…

Mula sa butas ng banyong iyo’y kita-kita k si Kristal. Wala pa ang sampu’y lilinga-linga na s’ya.

- Pito… Walao… Siyam…

Sinilip niya ang unang silid.

- Sampu!!!

Ginalugad niya ng tingin ang mga lumang mesa’t mga iika-ikang silyang naroroon. Napalipat-lipat ng silid si Kristal… palinga-palinga… naghahanap… upang pagdating sa huli’y maluha-luha s’yang iiling-iling, sabay bubunghalit at mag-aanyong kaawa-awa.

Sa gayong tagpo’y kaaawaan ko ang kanyang inosenteng mukha na lalong pinaamo ng nangingislap n’yang mga mata dahil sa mga namumuong mga luhang nagbabadyang pumatak.
Ngunit hindi pangalan ko ang tinatawag ni Krista. Hindi ako ang hinahanap n’ya…

- ‘Nay… ‘Nay… Nanay?

Marahan kong hinaplos ang buhok ni Kristal at maamong tinitigan ang kanyang maamo at kaawa-awang mukha.

- “Wag kang mag-alala Kristal, Bukas dadalawin natin sa presinto si Nanay…

-wakas-

FERDINAND MAGELLAN

FERDINAND MAGELLAN
Fernando de Magallanes
Isang Portuges na manlalayag at eksplorador

Si FernĆ£o de MagalhĆ£es (pinakamalapit na bigkas /fekh·nĆ©w ji ma·ga·lyĆ”ysh/) (1480–Abril 27, 1521; Fernando de Magallanes sa Kastila, Ferdinand Magellan sa Ingles) ay isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran patungong Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at ang namuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig. Bagaman nasawi siya sa Pilipinas at di nakabalik sa Europa, 18 sa kanyang mga tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang pangarap na paglibot sa buong mundo. Namatay siya sa Pilipinas sa Labanan sa Mactan.

Madaliang kabatiran: FernĆ£o de MagalhĆ£es/ Fernando de Magallanes /Ferdinand Magellan, 

Kapanganakan at kabataan

Si Magallanes ay ipinanganak noong mga 1480 sa Vila Nova de Gaia, malapit sa Porto sa Probinsiyang Douro Litoral o sa Sabrosa malapit sa Vila Real sa Probinsiyang TrĆ”s-os-Montes e Alto Douro sa bansang Portugal. Siya ang anak nina Rodrigo de MagalhĆ£es, alcaide-mĆ³r ng Aveiro (1433–1500) (na anak nina Pedro Afonso de MagalhĆ£es at asawa nitong si Quinta de Sousa) at ni Alda de Mesquita. Siya ang kapatid ni Leonor o Genebra de MagalhĆ£es na asawa na may supling ni JoĆ£o Fernandes Barbosa. Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang mga magulang nang siya ay 10 taong gulang, siya ay naging isang pahe ni Reyna Leonor sa korteng makahari ng Portugal dahil sa kanyang angkan. Noong Marso 1505, sa edad na 25, si Magallanes ay nagpatala sa isang armadao ng mga 22 barko na ipinadala upang maging kinatawan kay D. Francisco de Almeida bilang unang viceroy ng Portuges na India. Bagaman hindi lumitaw ang kanyang pangalan sa mga talaan, alam na nanatili siya ng mga 8 taon sa Goa, Cochin at Quilon. Si Magallanes ay lumahok sa ilang mga labanan kabilang ang labanan ng Cannanore noong 1506 kung saan siya nasugatan. Noong 1509, nakipaglaban siya sa labanan ng Diyus at kalaunang naglayag kasama ng kanyang kaibigang si Francisco SerrĆ£o sa unang embahadang Portuges sa Malacca sa ilalim ni Diogo Lopes de Sequeira. Pagkatapos na dumating sa Malacca noong Setyembre, ang ekspedisyon ay nabiktima sa isang sabwatan na nagwakas sa pag-urong nito. Si Magallanes ay nagkaroon ng mahalagang papel na nagbabala kay Segueira at nagligtas kay Francisco SerrĆ£o na tumuntong dito. Noong 1511, sa ilalim ng bagong gobernador na si Afonso de Albuquerque, si Magallanes at SerrĆ£o ay lumahok sa pananakop ng Malacca. Pagkatapos ng pananakop, sila ay naghiwalay ng landas. Si Magallanes ay nakabalik kasama ang isang Malay na kanyang ginawang alipin at binautismuhan si Enrique ng Malacca. Siya ay bumalik sa Portugal noong 1512. Si SerrĆ£o ay lumisan sa unang ekspedisyong ipinadala upang hanapin ang "mga kapuluan ng pampalasa" sa Moluccas kung saan siya nanatili at nagpakasal sa isang babae mula sa Amboina at naging tagapayo ng Sulatan ng Ternate, Bayan Sirrullah. Ang kanyang mga liham kay Magallanes ay nagbigay impormasyon tungkol sa mga teritoryong lumilikha ng mga pampalasa. Pagkatapos niyang umalis nang walang pahintulot, si Magallanes ay nawalan ng pabor. Sa kanyang paglilingkod sa Morocco, siya ay nasugatan at nagtamo ng isang permanenteng ika. Inakusahan rin siya ng ilegal na pangangalakal sa mga Moro. Ang mga akusasyong ito ay napatunayang hindi totoo ngunit wala nang mga karagdagang alok ng trabaho kay Magallanes pagkatapos ng Mayo 15,1514. Kalaunan noong 1515, nakatangap siya ng isang alok bilang isang tauhan ng isang barkong Portuges ngunit itinakwil siya dito. Pagkatapos ng isang alitan kay Haring Manuel I noong 1517 na tumanggi sa kanyang patuloy na mga kahilingan na manguna sa ekspedisyon na maabot ang mga kapuluan ng pampalasa mula sa silangan (i.e. habang naglalayag pakanluran na iiwas sa pangangailangan na maglayag palibot sa dulo ng Aprika), siya ay lumisan patungo sa Espanya. Sa Sevilla, Espanya, kanyang kinaibigan si Diogo Barbosa at nagpakasal sa anak na babae nitong si MarĆ­a Caldera Beatriz Barbosa sa ikalawa nitong asawa. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na sina Rodrigo de MagalhĆ£es at Carlos de MagalhĆ£es na parehong namatay sa batang edad. Si MarĆ­a Caldera ay namatay sa Sevilla noong mga 1521. Samantala, kanyang inilaan ang kanyang sarili sa pag-aaral ng pinakakamakailang mga tala na nag-iimbestiga kasama ng kosmograpong si Rui Faleiro sa bukanan mula sa Atlantiko tungo sa Timog Pasipiko at ang posibilidad na ang Moluccas ay sa Espanyol ayon sa demarkasyon ng Kasunduan ng Tordesillas.


Sirkumnabigasyon

Ang hangarin ng mga paglalakbay ni Christopher Columbus sa Kanluranin noong 1492–1503 na marating ang mga Indies at magtatag ng direktang mga ugnayang pangangalakal sa pagitan ng Espanya at mga kahariang Asyano. Natanto ng mga Espanyol na ang mga lupain ng Amerika ay hindi bahagi ng Asya ngunit isang bagong kontinente. Ang Kasunduan ng Tordesillas noong 1494 ay naglaan sa Portugal ng mga silanganing ruta na umikot sa Aprika. Si Vasco de Gama at ang mga Portuges ay dumating sa India noong 1498. Naging mahalaga para sa Espanya na makahanap ng isang bagong ruta ng kalakalan sa Asya at pagkatapos ng pagpupulong ng Junta de Toro noong 1505, ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng Espanya na maglayag upang tuklasin ang ruta sa kanluran. Narating ng maglalayag na Espanyol na si Vasco NĆŗƱez de Balboa ang Karagatang Pasipiko noong 1513 pagkatapos tumawid sa Isthmus ng Panama at si Juan DĆ­az de SolĆ­s ay namatay sa RĆ­o de la Plata noong 1516 habang ginagalugad ang Timog Amerika bilang paglilingkod sa Espanya. Noong Oktubre 1517 sa Sevilla, nakipag-ugnayan si Magallanes kay Juan de Aranda na Paktor ng Casa de ContrataciĆ³n. Pagkatapos ng pagdating ng kanyang kasamang si Rui Faleiro at sa pagsuporta ni Arana, kanilang itinanghal ang kanilang proyekto sa hari ng Espanya na si Carlos I ng Espanya na naging Carlos V, Banal na Emperador ng Romano. Ang proyekto ni Magallanes ay magbubukas ng ruta ng mga pampalasa nang hindi pipinsala sa mga ugnayan sa kapitbahay na Portuges. Noong Marso 22, 1518, pinangalanan ng hari ng Espanya si Magallanes at Faleiro na mga kapitan upang makapaglayag sila sa pagtuklas ng mga 'Kapuluan ng Pamapalasa' noong Hulyo. Kanyang itinaas sila sa ranggo ng Komandet ng Orden ni Santiago. Sila ay pinagkalooban ng Hari ng mga sumusunod: monopolyo sa natuklasang ruta sa loob ng 10 taon, ang kanilang paghirang bilang mga gobernador ng mga natuklasang kapuluan at mga lupain, ang karapatan na magbuwis ng 1,000 ducat sa mga susunod na paglalayag na magbabayad lamang ng 5 porsiyento sa natitira, pagkakaloob ng isang kapuluan para sa bawat isa maliban sa anim na pinakamayamang isla, kung saan sila tatanggap ng ikalabinglima bahagi. Ang ekspedisyong ito ay pinondohan nang malaking ng Korona ng Espanya at nagkaloob ng mga barko na may mga suplay para sa dalawang taon na paglalayag. Ang bihasang kartograpong si Jorge Reinel at Diogo Ribero na isang Portuges na nagtrabaho para kay Carlos V noong 1518 bilang kartograpo ng Casa de ContrataciĆ³n ay lumahok sa pagpapaunlad ng mga mapang gagamitin sa paglalayag. Ang ilang mga problema ay lumitaw kabilang ang kawalan ng salapi, ang pagtatangka ng hari ng Portugal na pigilan sila at ibang pang Portuges na nagbibigay suspetsa sa Espanya at ang mahirap na kalikasan ni Ribeiro. Sa pamamagitan ng obispong si Juan RodrĆ­guez de Fonseca ay nakuha nila ang pakikilahok ng mangangalakal na si Christopher de Haro na nagkaloob ng isang ikaapat ng mga pondo at mga kalakal upang ibarter.


Ang barkong Victoria na tanging barkong nakabuo ng sirkumnabigasyon.

Ang armadang ipinagkaloob ni Haring Carlos V ng Espanya ay kinabibilangan ng mga limang barko: ang Trinidad (110 tonelado, 55 tripulante) sa ilalim ng pamumuno ni Magallanes, San Antonio (120 tonelada, 60 tripulante) na pinamunuan ni Juan de Cartagena; Concepcion (90 tonelada, 45 tripulante) na pinamunuan ni Gaspar de Quesada, Santiago (75 tonelada, 32 tripulante) na pinamunan ni Juan Serrano at Victoria (85 tonelada, 43 tripulante) na ipinangalan sa Santa Maria de la Victoria de Triana kung saan nanumpa ng katapatan si Magallanes kay Haring Carlos V at pinamunuan ni Luis Mendoza. Ang Trinidad ay isang caravel at ang iba ay mga carracks(Kastila:"carraca" o "nao"; Portuges "nau"). Ang 270 tripulante ay binubuo ng mga lalake mula sa ilang mga bansa kabilang ang mga Portuges, Kastila, Italyano, Aleman, Flemish, Griyego, Ingles at Pranses. Halos pigilan ng mga autoridad na Kastila ang ekspidisyon kaya pinalitan ang  karamihan ng kanyang mga tauhang Portuges ng mga Kastila. Gayunpaman, ito ay kinabibilangan ng 40 Portuges kabilang ang kanyang bayaw na si Duarte Barbosa, JoĆ£o SerrĆ£o, EstĆŖvĆ£o Gomes at gayundin ang alipin ni Magallanes na si Enrique ng Malacca. Si Faleiro na nagplanong sumama sa paglalayag ay umurong bago sumakay sa barko. Si Juan SebastiĆ”n Elcano na isang kapitang mangangalakal na Kastila na tumira sa Sevilla ay sumama na humingi ng kapatawaran ng hari sa mga nakaraang kasalanan. Kabilang din na kasama sa paglalayag ang Venezianong si Antonio Pigafetta na humiling na maisama sa paglalayag at tumanggap ng pamagat na supernumeraryo sa isang katamtamang sahod. Siya ay naging striktong katulong ni Magallanes at nag-ingat ng isang tumpak na hornal. Ang isa pang kasama na nag-ulat sa paglalayag si Francisco Albo na nag-ingat ng isang pormal na logbook. Si Juan de CartageƱa ay pinangalanang Inspektor Heneral ng ekspedisyon at responsable sa mga operasyong pangsalapi at pangangalakal nito.

Noong Agosto 10, 1519, ang limang mga barko sa ilalim ng pamumuno ni Magallanes na Trinidad, San Antonio, ConcepciĆ³n, Victoria at Santiago ay lumisan sa Sevilla, Espanya at tumungo sa Ilog Guadalquivir patungong SanlĆŗcar de Barrameda sa bukanan ng ilog. Doon ay nanatili sila ng higit sa 5 linggo. Sila ay naglayag noong Setyembre 20. Nag-utos si Haring Manuel I ng hukbong pandagat ng Portugal na habulin si Magallanes ngunit sila ay iniwasan ni Magallanes. Pagkatapos huminto sa Kapuluang Canarias, si Magallanes ay dumating sa Cape Verde kung saan ay nagtakda ng kurso para sa Cape St. Augustine sa Brazil. Noong Nobyembre 28, ang ekspedisyon ay tumawid sa Ekwador. Noong Disyembre 6, natanaw ng mga tripulante ang Timog Amerika. Dahil sa ang Brazil ay isang teritoryo ng Portugal, iniwasan ni Magallanes ito at noong Disyembre 13 ay nag-angkla sa ngayong Rio de Janeiro. Doon ay muling nagkalapat ng suplay ang mga tripulate ngunit ang mga masamang kondisyon ay nagpaantala sa kanila. Pagkatapos ay patuloy silang naglayag sa kahabaan ng silangang baybayin ng Timog Amerika na naghahanap ng isang kipot na pinaniwalaan ni Magallanes na tutungo sa mga Kapuluan ng Pampalasa. Narating ng armada ng Rio dela Plata noong Enero 10, 1520. Dahil sa labis na tagginaw, itinatag ni Magallanes ang temporaryong tirahang tinatawag na Puerto San Julian noong Marso 30, 1520. Noong Abril 1 at Abril, ang isang pag-aalsa ay sumiklab na kinabibilangan ng tatlo sa limang mga kapitan ng barko. Mabilis na kumilos si Magallanes. Si Luis de Mendoza na kapitan ng Victoria ay pinatay ng isang partidong ipinadala ni Magallanes at ang barko ay nabawi. Pagkatapos, ang kableng pang-angkla ng Concepcion ay palihim na pinutol at ang barko ay natangay tungo sa may armas ng Tinidad at ang kapitan ng Concepsion na si de Quesada at mga kasama ay sumuko. Si Juan de Cartagena na pinuno ng mga nag-alsa sa San Antonio ay kalaunang sumuko. Iniulat ni Pigafetta na si Gaspar Quesada na kapitan ng Concecion at ibang mga nag-alsa ay pinatay samantalang si Juan de Cartagena na kapitan ng San Antonio at isang paring nagngangalang Padre Sanchez de la Reina ay iniwan sa baybayin. Ang karamihan ng mga lalake at si Juan SebastiĆ”n Elcano ay kinalagan at pinatawad. Iniulat na ang mga napatay ay inalisan ng bituka at pinaghahati ang katawan at tinuhog sa baybayin. Ang kanilang mga buto ay kalaunang natagpuan ni Sir Francis Drake.


Kipot ni Magallanes

Ang paglalayag ay nagpatuloy. Ang tulong ni Duarte Barbosa ay mahalaga upang harapin ang kaguluhan sa Puerto San Julian na naging kapitan  ng Victoria. Ang Santiago ay pinadala sa baybayin sa isang ekspedisyong maggagalugad sa lugar ngunit nasira ito sa isang biglaang bagyo. Ang lahat ng mga tripulante nito ay nakaligtas at nagawang dumating sa baybayin. Ang dalawa sa mga ito ay bumalik sa lupain upang ipagbigay alam kay Magallanes ang nangyari at sagipin ang kanilang mga kasama. Pagkatapos nito, ay nagpasya si Magallanes na maghintay ng ilang mga linggo bago ipagpatuloy ang paglalayag. Sa latitudong 52°S noong Oktubre 21 ay narating ng armada ang Cape Virgenes at naniwalang kanilang natuklasan ang daan dahil ang mga katubigan ay maasin at malalim na panloob na lupain. Ang apat na barko ay naglayag sa 373 milya o 600 kilometrong daanan na tinawag ni Magallanes Trench na Estrecho(Kanal) de Todos los Santos dahil sa ang armada ay naglakbay dito sa araw ng todos los santos(Nobyembre 1). Unang itinakda ni Magallanes sa Concepcion at San Antonio na galugarin ang kipot ngunit ang huli na pinamunuan ni Gomez ay lumisan at bumalik sa Espanya noong Nobyembre 2. Noong Nobyembre 28, ang tatlong natitiran gbarko ay pumasok sa Timog Pasipiko. Pinangalanan ni Magallanes ang mga karagatan na Mar Pacifico o Pacifi Ocean dahil sa maliwanag na katahimikan nito. Si Magallanes at kanyang tripulante ang unang mga Europeo na nakarating sa Tierra del Fuego sa silangan ng panig na Pasipiko ng kipot. Sa paglalayag pahilagang-kanluran, narating nina Magallanes ang ekwador noong Pebrero 13, 1521. Noong Marso 6, kanilang narating ang Marianas at Guam. Tinawag ni Magallanes ang Guam na Kapuluan ng mga Paglalayag dahil nakita nila ang maraming mga naglalayag na bangka. Kanilang muling pinangalanan ang Guam na Kapuluang Ladrones o Kapuluan ng mga Magnanakaw dahil ang mga maliliit na bangka ng Trinidad ay ninakaw doon.

Kamatayan sa Pilipinas

Krus na ibinaon ni Magallanes sa Cebu noong Abril 1521.

Monumento sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Mactan kung saan namatay si Magallanes.
Noong Marso 16,1521(kalendaryong Kastila), natanaw ni Magallanes kasama ng kanyang 150 tauhan ang mga kabundukan ng ngayong Samar at pagkatapos ay dumating sa Suluan at mula dito ay narating ang Homonhon. Ang mga kasapi ng ekspedisyong ito ang mga unang Kastila na nakarating sa kapuluan ng Pilipinas ngunit hindi ang mga unang Europeo. Pagkatapos ng 2 araw, ang mga katutubo ay dumating sakay ng isang bangka at ang ilan ay sumakay sa barko ni Magallanes at tumanggap ng mga bagay gaya ng mga salamin, ivory at pulang damit. Kapalit nito, ibinigay ng mga katutubo ang lahat ng kanilang mga pagkain sa mga ito kabilang ang buko, tuba, saging, isda. Sa pamamagitan ng wikang pagsesenyas, ang mga katutubo ay nangakong babalik ng mga may sariwang pagkain at pagkatapos ay bumalik dala dala ang mga buko, tuba, kanin, mga kahel at manok. Sila ay sinamahan ng kanilang mga pinuno na inilarawan ni Antonio Pigafetta na labis na may tato at nahihiyasan ng mga ginintuang paha sa braso at mga hikaw at mga naburdahan ng sedang paldang bulak. Noong Marso 25, si Magallanes ay naglayag mula sa Homonhon at nakarating sa Mazaua. Ang mga katutubo ay dumating at tumanggap ng mga bagay mula kay Magallanes at pagkatapos ay lumisan. Pagkatapos ng ilang mga oras, ang dalawang mga balangay ay dumating kasama ng kanilang pinunong si Rajah Kolambu. Si Kolambu ay nagpadala ng ilang ng mga lalake sa barko ni Magallanes na nagdadala ng mga regalong isang ginintuang bara at mga luya ngunit ang mga ito ay tinanggihan ni Magallanes. Nagawang makipagtalastasan ni Magallanes sa mga katutubo dahil sa naunawaan ng alipin in Magallanes na si Enrique ng Malacca ang wika ng mga katutubong ito. Nakuha ni Magallanes ang tiwala ni Kolambu at nakipagsanduguan sa kanya. Noong Marso 31, 1521 ay idinaos ang unang misa ng Romano Katolisismo sa Mazaua. Noong Abril 4, 1521, si Magallanes at Kolambu ay naglayag patungo sa Cebu. Inalukan ni Magallanes ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon ng mga regalo at malakas na pakikipagkalakalan upang mapalapit dito. Noong Abril 14, 1521, binautismuhan sa Romano Katolisismo ang dalawang mga rajah na sina Humabon at Kolambu. Ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos I ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magallanes kay Juana ang Santo NiƱo bilang tanda ng bagong alyansa at ibinaon ang isang krus sa Cebu. Dahil sa impluwensiya ni Magallanes kay Rajah Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapulapu na isa sa mga pangunahing hepe sa loob ng isla ng Mactan ang tanging tumutol. Tumangging tanggapin ni Lapulapu ang kapangyarihan ni Rajah Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Rajah Humabon at Datu Zula kay Magallanes na pumunta sa isla ng Mactan at pwersahin ang kanyang nasasakupan na si Datu Lapulapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni Magallanes ang oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno ng rehiyong Visaya at umayon na pasukuin at patayin ang mapanghimagsik na si Lapulapu sa isang labanang tinawag na Labanan sa Mactan. Ayon kay Antonio Pigafetta, tinangka ni Magallanes na hikayatin si Lapulapu na sumunod sa mga kautusan ni Rajah Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magallanes ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng Abril 28, 1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magallanes na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapulapu at kanyang mga mandirigma at umatake kay Magallanes na nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng isang kampilan. Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapulapu si Magallanes na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga tao ni Magallanes ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapulapu. Walang opisyal na mga rekord ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si Magallanes. Ang mga kaibigan ni Magallanes na sina Raja Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magallanes at nanood sila mula sa kanilang mga bangka sa malayo. Inulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magallanes at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapulapu ay "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng mundo dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin". Ang ilan sa mga sundalo na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Rajah Humabon. Si Magallanes ay hinalinhan ni Juan SebastiƔn del Cano bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtatraydor ni Humabon. Si Del Cano at kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng mundo.

Pagbabalik sa Espanya

Ang paglalayag na Magellan–Elcano. AngVictoria na isa sa mga orihinal na limang barko ay umikot sa globo na nagtatapos ng 16 buwan pagkatapos ng kamatayan ng eksplorador.
Ang mga napatay sa Pilipinas ay nag-iwan sa ekspedisyon ng kakauntin upang maglayag sa tatlong mga natitirang barko. Noong Mayo 2, kanilang inabandona ang barkong ConcepciĆ³n at sinunog. Ang armada na nabawasan sa Trinidad at Victoria ay naglayag papakanluran sa Palawan. Kanilang nilisan ang isla noong Hunyo at ginabayan sa Brunei, Borneo ng mga pilotong Moro na makapaglalayag sa mga mabababaw na katubig. Sila ay nag-angkla sa hampulan ng Brunei sa loob ng 35 arw kung saan itinala ni Pigafetta ang kagaraan ng korte ni Rajah Siripada(ginto, dalawang mga perlas na may sukat ng itlog ng manko at iba pa). Sa karagdagan, ang Brunei ay nagmalaki sa mga maaamong elepante at mga sandatang 62 kanon na higit sa 5 beses ng mga armas ng mga barko ni Magellan. Kinutya rin ng Brunei ang mga kargo ng mga clove na napatunayang mas mahalaga kesa sa ginto sa kanilang pagbabalik sa Espanya. Binanggit ni Pigafetta ang ilang teknolohiya ng korte ng Brunei gaya ng mga porselana at mga salamit sa mata na parehong hindi makukuha sa Europa. Pagkatapos marating ang Kapuluang Maluku(Mga kapuluan ng Pampalasa) noong Nobyembre 6, ang mga tripulante ay iniwan. Nagawa nilang makipagkalakalan sa Sultan ng Tidore na katunggali ng Sultan ng Ternate na kaalyado ng Portugal. Ang mga dalawang natirang barko na puno ng mga mahahalagang mga pampalasa ay nagtangkang bumalik sa Espanya sa pamamagitan ng paglalayag pakanluran. Gayunpaman, habang kanilang nililisan ang mga kapuluan ng pampalasa, ang Trinidad ay nagsimulang mapuno ng tubig. Tinangka ng tripulante na tuklasin at kumpunihin ang pagtagos ngunit nabigo. Ang Trinidad ay nangailangan ng mahabang panahon upang kumpunihin ngunit ang maliit na Victoria ay hindi sapat na malaki upang isama ang lahat ng mga natirirang tripulante. Dahil dito, ang ilan sa mga tripulante sa Victoria ay naglayag pakanluran sa Espanya. Pagkatapos ng ilang linggo, ang Trinidad ay lumisan at nagtangkang bumalik sa Espanya sa pamamagitan ng rutang Pasipiko. Ang pagtatangkang ito ay nabigo at ang Trinidad ay nabihag ng mga Portuges at kalaunang nawasak sa isang bagyo habang naka-angkla sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Portgues. Ang Victoria ay naglayag sa pamamagitan ng Karagatang India pabalik sa Espanya noong Disyembre 21 at pinamunuan ni Juan SebastiĆ”n Elcano. Noong Mayo 6, ang Victoria ay nakaikot sa Cape of Good Hope na tanging mga rasyon ng kanin. Ang 20 tripulante ay namatay sa kagutuman bago huminto sa Cape Verde na hinahawak ng mga Portuges. Dito ay kanyang inabandona ang 13 pang mga tripulante noong Hulyo 9 sa takot ng pagkawala ng kanyang kargo ng 26 toneladang mga pampalasa na clove at cinnamon. Noong Setyembre 6, 1522, sina Elcano at mga natitirang tripulante ay dumating sa Espanya sa huling barko sa armada na Victoria na halos eksaktong 3 taon pagkatapos nilang lumisan dito. Hindi hinangad ni Magellan na umikot sa mundo kundi humanap lamang ng isang ligtas na daan na paglalayagan ng mga barkong Kastila patungo sa Kapuluan ng mga Pampalasa. Si Elcano pagkatapos ng kamatayan ni Magellan na nagpasyang maglayag pakanluran na bumubuo ng unang paglalakbay sa globo. Kinapanayam ni Maximilianus Transylvanus ang ilang mga nakaligtas na kasapi ng ekspedisyon nang kanilang iharap ang kanilang mga saril sa korteng Espanyol sa Valladolid noong taglagas nang 1522. Kanyang isinulat ang unang salaysay ng paglalayag na inilimbag noong 1521. Ang salaysay na isinulat ni Pigafetta ay hindi lumitaw hanggang 1525 at hindi buong nilimbag hanggang 1800. Ito ang transkripsiyong Italyano ni Carlo Amoretti ng tinatawag ngayong Ambrosiana codex. Ang 4 na tripulante ng orihinal na 55 sa Trinidad ay nakabalik sa Espanya noong 1522. Ang 51 sa mga ito ay namatay sa digmaan o karamdaman. Sa kabuuan, ang mga 232 tripulante ay namatay sa ekspedisyon sa buong mundo ni Magallanes. Nang makabalik ang Victoria sa baybayin ng Espanya, ang tanging 18 katao mula sa orihinal na 237 lalake ay nakasakay pabalik. Kabilang sa mga nakaligtas sa ekspedisyon sina Antonio Pigafetta at Martino de Judicibus.

Ang mga nakaligtas ang sumusunod:

Higit pang kabatiran (impormasyon): 18 lalakeng nakabalik sa Sevilla, Espanya sakay ng Victoria noong 1522:
Juan SebastiƔn Elcano, mula Getaria (Spain) Maestro
Francisco Albo, from Rodas (sa Tui, Galicia) Piloto
Miguel de Rodas (sa Tui, Galicia) Piloto
Juan de Acurio, from Bermeo Piloto
Antonio Lombardo (Pigafetta) mula Vicenza Supernumeraryo
MartĆ­n de Judicibus, from Genoa Chief Steward
HernƔndo de Bustamante, from AlcƔntara Marinero
Nicholas the Greek, from Nafplion Marinero
Miguel SƔnchez, from Rodas (in Tui, Galicia) Marinero
Antonio HernƔndez Colmenero, from Huelva Marinero
Francisco Rodrigues, Portuguese from Seville Marinero
Juan RodrĆ­guez, from Huelva Marinero
Diego Carmena, from Baiona (Galicia) Marinero
Hans of Aachen, (Holy Roman Empire) Gunner
Juan de Arratia, from Bilbao Able Seaman
Vasco GĆ³mez Gallego, from Baiona (Galicia) Able Seaman
Juan de SantandrƩs, from Cueto (Cantabria) Apprentice Seaman
Juan de Zubileta, from Barakaldo

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...