SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Linggo, Oktubre 11, 2020

NGAYONG PEBRERO PA NAGPARAMDAM


"Ngayong pebrero pa nagparamdam"
by Donfelimon Poserio

Ngayong pebrero pa sila naglabasan
kung kelan nais mong magbingi-bingihan o maging manhid na lang
nang sa tabi ng aming paaralan nang minsang sikmura'y kumalam
sa jolly sphaghetti at one piece chickenjoy ay natakam
ay may white lady sa bagong bukas na jolibee na biglang nagparamdam
gaya ng nakapangingilabot na dati nang karanasan, balahibo'y nagtaasan
nanginig ang kalamnan, at butil-butil na pawis ang nagpatakan
hindi ako takot sa multo ngunit takot ako sa mga nagpaparamdam
dahil sa una lang sila magaling at magsasawa rin kalaunan
matapos mong umasa at umasam sa isang matamis na samahan
at oo, pinatakam ka lang ng nagparamdam
at di ka naman pinatikim ng kahit kunting pagmamahal,
at kahit na para kang namatayan nang nagkalabuan
ay wala kang karapatang magdamdam
dahil wala nga kayong malinaw na usapan.

Naparam bigla ang gutom ko kahit nasa harap ng kainan
nang nagkwento ang kakaibang nilalang tungkol sa kanyang nakaraan
sa lugar ding ito siya'y pinagsamantalahan
sinamantala ng inibig niyang lalaki ang kanyang kahinaan
wala pa siya noon sa tamang gulang
mabilis nahulog ang damdamin sa taong inakalang
magpaparamdam sa kanya ng kasiyahang inaasahan
at oo, pinatakam lang din siya ng nagparamdam
at di naman pinatikim ng kahit kunting pagmamahal,
at dahil nagkalabuan, nagdesisyon siyang ang buhay ay wakasan
kahit alam niyang wala siyang karapatang magdamdam
dahil wala naman silang malinaw na usapan.
umasa siyang may sasagip sa kanyang pagtatangka
umasa siyang may babalik sa gitna ng pangungungulila
umasa siyang labis hanggang sa matantong wala 
Wala naman palang sasalo sa pagkahulog niya
sa ilusyong tinahi ng maling akala
at bago pa pumatak ang luha ko sa nilalang na pinaasa
bigla siyang naglaho na para ba akong namalikmata

"good afternoon, what's your order sir," ang bati ng nagsalita,
ngumiti ako sa crew ng jolibee at pautal na nagwika,
"jolly sphaghetti at one piece chickenjoy, for take out sana,"
"sir waiting muna tayo for 10 minutes sa chicken, okay lang ba?"

"willing to wait ate, basta ba sigurong darating ha,"
ngumiti lang si ate habang natatawa,  

may sasabihin pa sana ako nang tumalikod siya 
"ate, ayaw kasi namin yung pinapaasa,"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...