“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.”
Sinulat ito ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, bahagi ito ng kanyang akdang 'Sa Aking Mga Kababata,' isang tula para sa mga kabataan sa kanyang edad noong siya ay nasa walong taong gulang palang nang isinulat niya ito, panahon na bitwin ang tingin sa wikang kastila kaya't ninanais matutuhan ang wika ng mga mananakop kahit mahirap itong abutin, o kahit na kalimutan pa ang kanilang inang wika. Si Rizal sa kanyang kabataan ay nagsusulat sa unang wika, ang wikang tagalog at para sa kanya napakahalaga ng wika sa bawat buhay ng tao. Ang tao ay dapat magmahal sa kanyang wikang kaloob ng Diyos. Ito ay dapat gamitin, pagyabungin at tangkilikin. Wag iitsapwera, wag maliitin. Wag ituturing na mababa at mataas ang dayuhang wikang hinahangaan. Kahit polyglot si Rizal, taong maraming wikang alam gamitin, hindi niya tinatwa, o tinalikuran ang kanyang bayan at wika. Binigyan niya ng pagpapahalaga ang wikang tagalog na kanyang kinamulatan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento