Ang blog ng School Lump Organization na ito ay nagsusulat tungkol sa kapaligiran sa paaralan, kaugnay na impormasyong pang-edukasyon, at komposisyon sa panitikan na makakatulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga sulatin, takdang-aralin at anumang mga output na kailangan nila para sa mga akademiko. Sa layuning hikayatin ang lipunan, lalo na ang kabataan na ipagpatuloy ang pag-aaral at literasi sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasaliksik.
SCHOOL LUMP ORGANIZATION
Huwebes, Disyembre 10, 2020
"Slow..."
Martes, Disyembre 1, 2020
KOMPOSISYON KARAPATANG PANTAO
Huwebes, Nobyembre 12, 2020
DOMINADOR B. MIRASOL
Sabado, Oktubre 31, 2020
Filipinology
In general, Filipinology or Philippineology (Spanish: Filipinología) (Tagalog: Pilipinolohiya) or more formally known as Philippine Studies refers to:[1]
The study of the Philippines and its people.
It encompasses the study of Philippine history,[2] Philippine culture, Philippine languages, Philippine society, Philippine life, Philippine psyche or Philippine psychology,[3] Philippine politics, and Philippine government.[2] The approaches or perspectives of Philippine Studies could be theoretical, interdisciplinary, comparative, transnational, and global.[4] Filipinology was developed in the University of the Philippines Diliman[5] and had become part of curricula in some colleges and universities inside and outside the Philippines.
Purpose
Learning goals of Filipinology include the comprehension, appreciation, and critical evaluation of the Philippines through Philippine History, contemporary issues in Philippine community, and Philippine Humanities such as Filipino philosophy, Filipino music, Filipino art, Philippine literature, and Philippine dance.[6] The incorporation of Philippine Humanities through literary readings, listening to musical recordings, film viewings, and field trips provide development of cultural acceptance and aesthetic sense.[6] Philippine Studies extend to connecting contributions of persons of Filipino descent to new settings and culture (such as Overseas Filipinos to other countries).[7] Apart from providing education and awareness about the Philippines, Filipinology aims to make students of Philippine Studies aware of Filipino ethnic identity by experiencing Philippine culture.[8]
Filipinologists
Experts on Filipinology or Philippineology are called filipinologists or philippineologists (Spanish: Filipinologista) (Tagalog: Pilipinolohista); literally “experts in Philippine culture”.
According to Rosa M. Vallejo the "foremost non-Filipino filipinologist" is the Spaniard bibliographer Wenceslao Emilio Retana y Gamboa.[9]
Other prominent foreign filipinologists are William Henry Scott,[10] H. Brett Melendy[11] Ferdinand Blumentritt,[12] and A.V. Hartendorp.[13] Among the prominent Russian filipinologists are Vladimir Makarenko and Podberezsky.
Publications
Publications dealing with Filipinology seek to reach specialist and non-specialist audience from and outside the Philippines. Among such Philippine Studies literature is the quarterly journal Philippine Studies: Historical and Ethnographic Viewpoints published by the Ateneo de Manila University. Founded in 1953, the journal serves as a “forum” for disseminating many aspects of life in the Philippines through research in history, humanities and social sciences, “friendly and constructive debate”, and the expression of scholarly views.[14] Another publication is the book written by Remigio E. Agpalo entitled Adventures in Political Science. With an introduction written by Zeus A. Salazar, Agpalo’s book is a “major contribution” to Filipinology that covers important areas of political science in the Philippines, including political dynamics, comparative government, comparative politics, Philippine government, Philippine politics, political philosophy, political theory, political methodology, constitutional law, modernization and political development.[5]
See also
References
- ^ About Philippine Studies at St. Norbert College, De Pere, WI Archived 2010-05-27 at the Wayback Machine, snc.edu
- ^ a b Yuchengco Philippine StudiesArchived 2010-06-12 at the Wayback Machine, College of Arts and Sciences, The University of San Francisco, usfca.edu
- ^ Tolentino, Rolando B. "discipline called 'Pilipinolohiya' (Filipinology or studies of the Filipino psyche, culture and society" (...), Postnational family/postfamilial nation: family, small town and nation talk in Marcos and Brocka, Inter-Asia Cultural Studies, informaworld.com
- ^ Philippine Studies QuarterlyArchived 2010-04-06 at the Wayback Machine, Ateneo de Manila Press, ateneopress.org
- ^ a b Adventures in Political Science, barnesandnoble.com
- ^ a b 42. Philippine Humanities, Announcement of Courses, Philippine Studies, ccsf.edu
- ^http://www.ccsf.edu/Departments/Philippine_Studies/
- ^ Mission Statement of the Philippine Studies Department, City College of San Francisco, California, ccsf.edu
- ^ Vallejo, Rosa M. (...) "Wenceslao Emilio Retana y Gamboa, foremost foreign Filipinologist" (...), Bibliographical Works, Philippine Bibliographies, ncca.gov.ph
- ^ Footnote: "William Henry Scott", jstor.org
- ^ (...) "Filipinologist H. Brett Melendy" (...), "Blame Their Damaged Culture", Filipinos in the U.S.: ‘Where Are You from? When Are You Going Back?’, bulatlat.com
- ^ Riegel, Christine and Thomas Geisen. Footnote: (...) "Ferdinand Blumentritt was a Filipinologist (...), Jugend, Zugehörigkeit und Migration: Subjektpositionierung im Kontext von ... , books.google.com
- ^ (...) "filipinologist A.V. Hartendorp" (...), from the article "139th Birth Anniversary of Don Epifanio De Los Santos", Manila Bulletin, mb.com.ph
- ^ Philippine Studies, PhilJOL, philjol.info
External links
- Philippine Studies Quarterly of the Ateneo de Manila University Press
- Philippine Humanities Review of the University of the Philippines at Diliman
- Philippine Journals Online
- Maria Elena G. Yuchengco Philippine Studies Program, University of San Francisco
- Philippine Studies Certificate Program, at St. Norbert College, De Pere, Wisconsin
- Philippine Studies Department at the City College of San Francisco
- Center for Philippine Studies at the University of Hawai'i at Manoa
- Philippine Studies, Center for Southeast Asian Studies, University of Michigan
Biyernes, Oktubre 30, 2020
ALBULARYO
ALBULARYO
Sabado ngayon, ika-16 ng Marso taong 2013. Ito ang itinakdang araw ng grupo namin upang isagawa ang aming pag-iinterbyu sa isang albularyo na naninirahan sa isang bahagi sa Batasan Hills. Napagpasyahan namin na magkita-kita sa SM Fairview, sa harap ng Sizzling Plate sa may Foodcourt. Pinag-usapan namin na dapat ay saktong alas dose ay nandun na lahat ngunit, tulad ng inaasahan, nakumpleto ang aming grupo ng mga ala una na ng hapon. Nang makumpleto na kami ay agad kami dumeretso sa Batasan sakay ng bus. Mga ilang minuto ang lumipas ay nakarating kami sa Sandigan Bayan, doon kami sinalubong ng isa sa aming kagrupo dahil nakatira siya malapit sa aming iinterbyuhin. Doon sa may terminal ay bumili kami ng pizza at sumakay na rin kami ng traysikel, dahil marami kami, hindi kami nagkasya sa isang traysikel kaya ang iba ay sa pangalawang traysikel na sumakay. Nauna ang pangalawang traysikel at yun ang nagging sanhi kung bakit kami nagkahiwala-hiwalay dahil hindi alam ng aming mga kagrupo sa pangalawang traysikel kung saan baba. Dahil doon,sinubukan naming habulin ang pangalawang traysikel ngunit mabilis ito at nabigo kami kaya bumaba nalang kami,ang iba pang mga kagrupo, sa unang traysikel at inantay ang aming mga kagrupo. Nang nagkasama-sama ulit kami, naglakad kami ng pagkalayo-layo dahil lumampas nga kami sa aming destinasyon. Nang makarating kami sa bahay ng aming kagrupo, nagusap-usap muna kami kung anu-ano ang aming itatanung sa aming iinterbyuhin. Habang nag-iisip kami ay sinabay na rin namin ang aming pagmemeryenda ng binili naming pizza at RC Cola.Nang matapos na kami sa paggawa ng mga katanungan para sa aming iinterbyuhin at sa pagmemeryenda, agad kami dumeretso sa lugar na tinitirhan ng albularyo, ngunit pagdating namin doon ay sinabi sa amin ng kinakasama ng albularyo na may pasyente pa daw na hinihilot, ng mga oras na yon ay sumabay ang konting pag-ambon kaya naisipan namin na bumalik muna sa bahay ng aming kagrupo upang doon mag-antay at sumilong. Doon sa bahay ay nagkwentuhan muna kami at naglaro ng Plants vs. Zombies sa kompyuter upang maibsan ang aming kabagutan. Mag aalas tres na ng hapon at wala pa kaming nagagawa, kaya saktong pagtila ng ulan ay dumeretso agad kami sa tirahan ng albularyo ngunit sa kasawiang palad ay hindi pa din daw tapos ang hinihilot nito. Ilang minuto na ang nakalipas, halos trenta minuto na ay hindi pa din tapos ang albularyo, sumasakit na ang aming mga binti at paa sa katatayo, halos bagot na bagot na lahat kami sa kahihintay. Upang mapawi ang kabagutan at pagod, ay kumuha muna kami ng mga litrato upang magsilbing alaala para sa amin at sa wakas, nang di namin namamalayan, tapos na pala ang hinihilot ng albularyo. Agad naming isinagawa ang pag-iinterbyu sa kanya, napagpasyahan namin na si Cyrus ang mag-iinterbyu sa kanya at si Ken bilang camera man. Ang lugar na kinaroroonan ng albularyo ay medyo masikip, ito’y saktong sakto sa iilang tao lamang. Sa unang kita namin kay Nanay Maring, di nya tunay na pangalan ngunit madalas na pinantatawag sa kanya, ay masasabing mabait sya at matulungin, makikita mo rin sa kanya na sya ay masiyahin at masaya sya sa kanyang ginagawa. Habang iniinterbyu si Nanay Maring, ay mapapanatag ka sa kanyang napaka malumanay na boses, habang sinasagot nya ang mga katanungan ay may halong ngiti sa kanyang mukha. Matagal ng albularyo si Nanay Maring, marami na rin syang napagaling na kanyang mga pasyente. May pagkakataon pa nga daw na may isang doktor na nagpagamot sa kanya, ayon sa doktor na kanyang pasyente, may mga sakit daw talaga na hindi kayang gamutin ng sensya. Ayon kay Nanay Maring ay kasya din naman daw agn kinikita nya sa pagiging albularyo, minsan nga, pag pinapalad sya, may mga intsik na nagpapagamot o nagpapahilot sa kanya na nagbibigay ng malalaking halaga, 1 libo pataas daw. Nakakagulat din ang sagot ni Nanay Maring sa tanong na kung saan nya nakuha ang pagiging albularyo. Sabi ni Nanay Maring ay biniyayaan lamang talaga siya ng talentong ito, hindi daw nya hahayaang masayang ang talent nya at gagamitin nya ito upang makatulong sa iba at kumita ng pera. Sa kanyang pag-gagamot, taimtim na DASAL lamang daw at PANINIWALA ang pangunahing kailangan niya upang makagamot. Nang matapos ang pag-iinterbyu ni Cyrus kay Nanay Maring, ay lumabas kami lahat kasama si Nanay Maring upang kumuha ng litrato bilang remembrance. Inabutan din namin sya ng pera upang pasasalamat sa kanya, kahit maliit na halaga lamang ito, ay makikita na masayang-masaya na si Nanay Maring sa munting regalo namin sa kanya. Sa etnograpiyang ito, masasabi nating totoo ang mga pag-gagamot ng albularyo, ngunit alam din natin na iilan lamang ang TOTOO. Kaya maging mapagmasid tayo at mag-ingat sa mga manloloko dahil sa panahon ngayon, gagawin lahat ng isang tao, kumita lamang ng pera.
Ang Kabaong: Higaang Panghabang-Buhay o Patay
Ang Kabaong: Higaang Panghabang-Buhay o Patay
Magandang araw sa mga aking mambabasa, aking ilalahad ang mga kaganapang nangyari sa amin, sa paggawa ng isang proyekyo sa asignaturang Filipino. Ang proyektong ito ay nagpabago sa aming mga ilang paniniwala naming at sa mga katanungan namin sa aming sarili.
Tanong ko sa aking ina noong bata pa ako, “Mama ano po ba yung tawag sa box na mahaba? At bakit diyan po nakalagay si Tito?” nang itanong ko ang aking tanong sa aking inay ay kasalukuyang nakaburol ang namayapa ko ng tiyuhin. At ang sagot ng aking ina ay “Kabaong ang tawag dyan, lahat tayo hihiga din diyan pag dating ng panahon, pero siyempre matagal ka pang hihiga diyan kasi bata ka pa naman.”. Talagang tumanim sa aking isipan ang salitang kabaong nung bata pa ako. Dahil siguro sa kakaibang itsura nito o kaya ay unang beses ko lang na makakita ng ganoong bagay.
Aminado akong takot akong Makita ng patay, dahil siguro sa mga kwentong nakakatakot na tungkol sa mga patay. Ngunit dati pa naman yun at ngayon ay hindi na. Halos laman naman ako ng burolan sa anim tuwing mayroong patay sa pamilya. Pinsan, Tiyuhin, at Tiyahin, ang mga nakaburol. Kahit na namatayan kami ay ang saya kasi kapag naglalaro kami ng aking mga pinsan ng baraha, chess, scrabble, at word factory.
Naalala ko ang lahat ng iyon ng matapos naming ang pagbre- brainstorming sa asignaturang filipino. Ang paksa kasi na aming napili ay tungkol sa paggawa ng kabaong. Medyo eksayting para sa amin ang gagawin naming pag oobserba at pagpapanayam sa mga pupuntahan naming warehouse, kung saan ay daang-daang kabaong ang ginagawa.
Una naming ginawa ay nag-search kami tungkol sa mga kabaong. May ibat-ibang uri pala ngayon ng mga kabaong.May kabaong na may halong ginto, may kabaong na simple lang, may kabaong na talagang pang mahirap lang, may kabaong na bongga, at sa panahon ngayon ay marami nang bago at modern tulad ng, kabaong na nirerentahan, at kabaong na maaari mong bigyan ng disenyo ang ipipinta sa kabaong. Hindi rin syempre papahuli ang mga artistang namayapa na. talagang pinaggastusan ang kabaong. Katulad na lang Fernando Poe jr., Milyones ang halaga ng kanyang kabaong dahil may halo itong ginto. Kay dating presidente Cory Aquino naman sa mukhang simple, dahil simple lang naman talaga si dating pangulong Cory, ngunit milyones din ang halaga ng kanyang kabaong.
Nagpunta ang grupo namin sa isang purinarya upang magtanung-tanong kung saan mayroon pagawaan ng mga kabaong. Itinuro niya kami sa warehouse sa Marilao, Bulacan. Mabuti at sinamahan rin kami ng babaing nagturo sa amin kung saan may warehouse. Itinanong namin kung bakit hindi siya nag-atubili na sumama sa amin. Ang sagot niya ay “Yung tatay ko kasi, doon siya nagta-trabaho. Tamang –tama naman na dadalhan ko siya ng pagkain at manghihingi rin pati ako ng pera dahil inutusan ako ng aking nanay.”. Nilibre na lang naming ng pamasahe si Ate upang makabawi kami sa kanya. Ang pangalan nga pala ni ate nang aming tanungin ay siya raw si Mercy. Habang nasa jeep ay medyo kinakabahan ako. Baka kasi nanloloko ang babaing ito at baka iligaw lang kami. Pero, mali lahat ng mga haka-haka ko dahil dumating na kami sa warehouse. Grabe ang init ng ma panahong iyon dahil tanghaling tapat. Sinamahan na namin si ate Mercy sa loob at nakita na namin ang kanyang ama. Kamuntikan na nga kami ng mga kagrupo kong hindi papasukin sa warehouse wala daw kaming ID ng mga empleyado. Ngunit nakapasok kami sa tulong ni ate Mercy. Paglapit ni Mercy, ay ito ang sinabi ng kanyang ama, “sino sila? Di ba sinabi ko naman na wag na wag kang sumama sa mga taong hindi mo lubos na kilala, lalo na at puro lalaki pa yan!”. Galit na galit ang ama ni ate Mercy na napag-alaman naming si Mang Bert. Hinayaan muna namin ang mag-ama na mag-usap upang maumpisahan na namin ang pagtatanong-tanong sa mga ilang manggagawa ng mga kabaong. Nakikilala naming si kuya Raf, tinanong naman namin kung anong oras ang kaniyang pasok, ang sagot niya ay “7:00am hanggang 3:00pm lang naman.”. sunod naming tanong ay “kuya, magkano naman po yung sweldo nyo? Sapat naman po ba sa inyo?”. Ang sagot niya ay “ Hindi kasi kami kinsenas, lingguhan o buwanan. Susuwelduhan ka dipende sa ayos at kung ilang yung magawa mong kabaong. Kapag pangit kasi ay ipapaulit o reject yung kabaong na ginawa mo. Bale, 100 kada isang kabaong, any sizes naman yun, tapos kung may reject, doble yung ibabawas sa lahat ng ginawa mo.”. tinanong ko ulit si kuya “kuya anu pong ibig sabihin niyo sa doble yung ibabawas?” sagot ni kuya “halimbawa tatlo yung nagawa kong kabaong sa isang araw, tatlong daang piso yung kabuuang kinita ko, tapos reject, kaya menos dalawang daang piso kada isang kabaong na reject. Katwiran ng may-ari ay malalaking mga porinarya ang nagpapagawa sa amin at sayang daw yung materyales na nagamit. Ang trabaho nga pala ay taga gawa lang nga kabaong, iba pa yung nag pipintura nito.” Dagdag pa ni kuya ay kahit na ganun ang patakaran ay wala naming nagrereklamo at awa naman daw ng Diyos ay hindi pa siya nakakagawa ng reject na kabaong. Ang sunod namang tinanong namin ay si aling Bhess. Ang trabaho niya sa warehouse ay tagapag-inventory ng mga naidedeliver na kabaong. Nang aming tanungin kung magkano ang kanyang sinusweldo ay nahiya siyang sabihin sa amin, kontrobersyal daw ito. Hindi namin siya pinilit na sabihin kung magkano ang kanyang sweldo, malamang siguro ay mababa lang. Ang huli naming tinanong ay yung may-ari si Mr. Chua, tinanong namin kung malakas ba ang kita ng ganitong negosyo. Ang sabi niya ay kung ikukumpara sa mga nakaraang taon ay tumataas ang kita namin ngayon dahil dumarami na rin kasi ang mga porinaryang nagpapagawa sa amin ng mga kabaong. Ang sunod na tanong naming ay kung mayroon pa na ba siyang ibang negosyo maliban dito. Ang sabi niya ay mayroon naman, bakery, at may trabaho rin ako sa isang kumpanya ng mga contructors. Ang huling tanong namin ay kung may balak ba siyang iwanan ang ganitong uri ng negosyo o kung balak ba niyang ipamana sa mga anak niya. Ang sagot niya ay “maganda rin naman yung negosyong ito kaya hindi ko ito bibitawan pero, malabong ipamana ko ito dahil ayokong ito ang negosyo ng mga anak ko.”. nagpasalamat kami sa Mr. Chua at makalipas nun ay saktong uuwi na ang mag-ama na naatira sa litex. Nagsabay-sabay na kami pauwi.
Kinabukasan habang papunta ako sa eskwelahan ay may libing akong nakita, ang ganda nung kabaong. Kulay ginto talaga ang nakita kong iyon at kumikintab pa. Bagaman naaliw ako sa itsura ng kabaong ay nadama ko ang kalungkutan ng mga nakipaglibing dahil talagang todo iyak sila habang naglalakad sa ilalim ng tirik na araw.
Nang sumunod na linggo ay sa pagawaan ng kabaong naman kami sa Maynila pumunta. Sige, kayod nangg kayod ang mga trabahador. Tila wala silang kapaguran sa paggawa. Bago ami magtanung-tanong ay nagpaalam naman kami sa may-ari na si ginang Perly kung maaaring kaming mang-usisa, at magiliw naman naman siyang pumayag. Kay manong Nestor kami unang nagtanong, unang tanong namin ay kung magkano ang kanyang sinusweldo. At agad naman itong nagkwento, ang sagot niya “lingguhan kasi ang swelduhan dito kaya ang sweldo ko ay 1200, kada linggo. Ang trabaho ko rito ay tagapinta ng ng mga kabaong. Medyo sensitive nga ang trabaho ko dahil bawal talagang nagkamali kasi agad-agad akong sesermonan at tatapyasan ng sahod dahil sa nasayang na mataryales.”. sunod na tanong ko, “ano po ba yung mga usually na kulay ang madalas na ginagawa niyo?”. Tumawa si manong at sinabing “ayan ohh. Diba nakikita niyo naman na puro puti ang mga kabaong. Ehh di malamang puti”. Medyo nainis ako sa inasta ni manong kaya lumipat na kami ng matatanungan. Sunod naming nakilala si mang Thom. Nagpakilala kami at hindi naman siyang tumanggi sa aming panayam. Unang tanong namin ay kung ano ang trabaho niya dito. Ang sagot niya ay “gumagawa ako ng kabaong.”. Sunod naming itinanong kung magkano yung kanyang sinusweldo. Hindi agad siya sumagot bagkus ay medyo sumimangot siya. Pero ang sinabi niya ay “sakto lang sa pang araw-araw na pantawid gutom sa pamilya”. Ang sagot niyang iyon ay medyo may halo ng ngiti sa kanyang mukha. Nag-umpisa na kaming mang-usisa sa manggagawang si mang Thom. Tinanong namin kung bakit parisukat ang kabaong. Ang sinabi niya ay ipinapantay lang naman kasi yung kabaong sa taas at lapad ng tao. Sabi pa niya ay hindi naman pwedeng bilog ang kabaong dahil masyaong malaki. Tanong ulit namin, “may nagawa na po ba kayo ng kabaong na mali yung sukat?” ang sagot niya ay “marami na, lalo na yung mga nagpapasadya ng sukat dahil alanganin yung sukat ng kanilang anak o kamag-anak. May standard kasi na sukat yung mga kabaong kaya madalas, yung mga purinarya ang nakikipag-coordinate sa amin”. Sunod na tinanong namin ay yung manager, dahil wala daw yung may-ari. Ang tanong namin ay kung kailan yung month na malakas yung kita. Nagulat ako sa sagot niya dahil sa niya ay summer, marami raw kasi ang nagkakasakit sa sobrang init kaysa sa mga panahong malamig o umuulan. Pabiro kong sinabi “eh di lalakas na naman ang kita niyo kasi mag sa-summer na naman”. Tumawa lang ang manager na si Ms. Joy. Sunod na tinanong namin ay kung anu-anong mga purinarya ang umo-order sa kanila ng kabaong. Ang sagot niya ay “marami rin kasi eh. Hindi ko na iisa-isahin”. Ang huli naming tinanong nung araw na iyon ay si manang Violy, isa siyang janitress sa naturang warehouse. Madalas siyang huli kung umuwi at nag-iisa. Tinanong namin kung hindi ba siya natatakot kapag mag-isa siyang naglilinis at maraming kabaong na nakapalibot sa kanya. Ang sagot niya ay “hindi naman, nasanay na kasi ako. Tuwing naglilinis ako sa gabi, inisip ko na lang na mga Sofa yung mga kabaong yan at naglilinis lang ako ng sala. At inisip ko rin na dyan rin tayo hihiga kapag namatay na tayo”. Sunod na tanong namin ay kung magkano naman ang kanyang sinusweldo. Ang sagot niya ay “75 araw-araw, alam kong medyo mababa at hindi sapat sa pamilya ko, pero kasi wala naman akong choice kasi hindi naman ako nakapagtapos at yung asawa ko kasi ay walang permanenteng trabaho kaya dalawa kaming nagkakayod para maibuhay ang lima naming mga anak.” Nagpasalamat na kami dahil hapon na at kailangan naming umuwi. Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming mga gumagawa ng mga bulaklak ng mga patay, pinilit kong mang-usisa doon. Nagtanong kami kung magkano ang pinakamurang korona na bulaklak, ang sabi niya 500 ang pinakamura at 10,000 ang pinakamahal. Ang mga bulaklak na malilit naman ay nagkakahalga naman daw ng 300 hanggang 1,000 ang halaga.
Tumanim sa isip ko ang tanong bakit parisukat ang kabaong. Kaya naman kinabukasan ay nag-survey kami ng mga kagrupo ko. Nang nag tanong –tanong na kami ay ang unang sinagot sa amin ay “ewan ko porinarya ba ako, makatanong naman kayo sa akin”. Talagang nagpanting yung taenga naming lahat sa sagot niya. Kamuntikan na siyang sapakin ng mga kagrupo ko. Yung sumunod naman na sumagot sa amin ay ang sagot niya “siguro, kaya square ang kabaong ay para makuha ang sukat ng patay”. Ang sumunod naman ay ang sabi, “yung mga sinaunang tao kasi, square lang yung alam na sukat, kaya square yung kabaong”. Yung isa naman ay “kasi, itinulad ang kabong sa mga box, nung unang panahon kasi, yung mga patay ay nilalagay sa box at nililibing”. Matawa-tawa ako sa sagot ng iba kasi halatang inimbento lang ang mga historyang ikinuwento nila.
Nang sumunod na linggo ay sa mga purinarya naman kami nang-usisa. Una naming pinuntahan ay ang Angel’s Funeral, sa litex. Nagtanong kami kung magkano ang mga kabaong nila, yung pinakamura ay 2000 at yung pinakamahal ay 20,000. Nagulat ako dahil wala sa itsura ng purinarya na may ganoong presyo ng sila ng kabaong. Nagtanong din kami sa mga services. Ang pinakamurang service nila ay 8,500 at ang pinakamahal ay 30,000. Ang sunod naman naming pinuntahan ay St. Peter, medyo nag-alangan nga kaming pumasok dahil sikat at talagang maganda kanilang office. Nang magpaalam kami kung pwedeng magtanung-tanong ay pumayag naman ang manager. Pinasyal niya kami sa lugar kung saan ay nakalagay ang mga kabaong, talagang namangha kami sa ganda ng mga makikintab na kabaong. Ang pinakamura nilang kabaong ay 5,000, sa pangsanggol pa lamang daw iyon. Ang pinakamahal nilang kabaong ay nagkakahalaga ng kulang-kulang isang milyon dahil may mga artistang kumukuha ng service nila at talagang nagpapasadya ng kabaong. Hindi rin siyempre namin pinalampas na pumasok sa photoboot ng naturang purinarya, yung kabaong kung saan pwede kang magpa-picture, pero hindi ako himiga kasi kinikilabutan, baka magkatotoo ang na talagang hihiga ako sa kabaong. Nang umuwi kami ay naisip ko na sana ay humiga na lang ako sa kabaong para naman naranasan ko kung ano ba ang pakiramdam ng nakahiga sa kabaong. Ang pangatlong purinaryang pinuntahan naming ay yung malapit lang sa bahay namin sa Bagong Silang ang St. Matthew Funeral, iyan ang kinukuhang service ng aming pamilya sa tuwing may namamatay, dahil nga siguro sa malapit lang sa amin at may-discount kapag pamilya namin ang may namatayan. Nang magtanong na kami ay pinapasok agad kami kasi kilala ng manager yung pamilya naming. Nagtanong muna kami kung magkano ang mga service nila, ang pinakamurang service nila ay 7,500 at ang pinakamahal ay 25,000. Nang magtanong kami sa mga presyo ng kabaong ay 5,000 ang pinakamura at ang pinakamahal ay 20,000. Dipende kasi sa presyo ng kabaong ang presyo ng service nila. Ang huling purinaryang pinuntahan namin ay ang Almo funeral, ito yung purinaryang nagservice sa pinsan ko na sanggol, libre kasi ng gobyerno kapag sanggol ang namatay sa naturang purinarya, namangha ako sa serbisyo nila kasi kumpleto, at may libre pang-isang timbang biskwit at may mga lamesa’t upuan na at may kasama ding tolda. Nang pumunta kami sa office nila dito lang rin sa Bagong Silang ay nagtanung-tanong kami sa mga pahinante, “ate magkano po yung pinakamurang kabaong niyo dito at magkano naman po yung pinakamahal?” ang sabi ni ate “yung pinakamura namin dito ay 2,000 at pinakamahal naman namin ay 20,000. Yung sa sevice naman, 2,000 yung pinakamura plus yung presyo ng kabaong. Yung pinakamahal na service ay 50,000 plus presyo ng kabaong”. Medyo mahal din pala ang mga kabaong at ang mga serbisyo ng mga purinarya.
Nung umuwi ako sa probinsya namin sa Marinduque, ay kasalukuyan nakaburol ang aking tiyahin, nang pinagmasdan ko ang kanyang kabaong ay simpleng simple lang talaga. Nang mamatay naman ang tiyahin ko dito sa Bagong Silang ay yung kabaong naman ay kulay puti na makintab. Yung namatay naman yung lolo ko ay ang kulay naman ng kanyang kabaong ay kulay tanso. Talagang mabilis kong napapansin ang mga itsura ng kabaong sa tuwing may pinupuntahan akong patay. Nakikilala ko nga sa Marinduque nung nagbakasyon ako si Tiyo Buboy, ang trabaho niya ay gumawa ng kabaong kaya naman nung panahong iyon ay sumama ako sa pagawaan niya sa bahay nila, tinuruan niya akong gumawa ng kabaong na pang sanggol. Una ay inalam ko muna ang sukat ng sanggol. Tapos naglagari ako ng apat na plywood, dalawang rektangulo at dalawang parisukat. Sunod ay gumawa na ako ng porma gamit ang cocolumber. Sunod ay ikinabit ko na ang mga plywood. Sunod kong ginawa ang takip ng kabaong, tulad ng una, gumawa muna ako ng porma gamit ang cocolumber, medyo nahirapan lang ako kasi, pakurba ang naturang takip, kaya pakurba rin ang ginaw kong porma ng cocolumber. Sunod at kinurba ko muna ang plywood para hindi mahirap ikabit sa takip. Tapos ay ikinabit ko na nga. Si Tiyo na ang disenyo pero ako parin ang nagkulay. Una ay pininturahan ko muna ng puti. Sunod ay inisprayan ko ng gold na pintura para makintab. Nag-enjoy naman ako sa paggawa ng munting kabaong kahit na medyo nahirap.
Hindi natin alam kung hanggang kailan tatagal ang ating buhay. Maaaring sa susunod na taon, susunod na buwan, sa susunod na linggo, sa susunod na araw o kaya’y mamaya lamang ay kuhain na ang buhay natin. Basta isa lang ang natutunan ko sa paggawa ng etnograpiyang ito, iyon ay harapin ang takot ko sa kamatayan. Sa totoo lang kasi ay takot akong mamatay, o kaya’y makakita ng simbolo ng kamatayan. Pero nang matapos namin ang aming pagtatanung-tanong tungkol sa paggawa ng kabaong ay naliwanan at nasagot na ang mga tanong sa aming isipan, kung ano ba ang pakiramdam sa paggawa ng kabaong, at kung anu-ano ba ang mga karanasan nila sa trabaho nila. Basta isa lang masasabi ko sa lahat, sa ayaw at sa gusto mo ay hihiga’t hihiga ka sa kabaong sa oras ikaw ay malagutan ng hininga. Dito na po nagtatapos ang aming etnograpiya sa asignaturang Filipino 2.
Ang Kabaong: Higaang Panghabang-Buhay o Patay
AMA Computer College Faiview Campus
Ipinasa nina: Kristian Renz Ezperanza; Jarley Adrian Duano; Steven Van Maceda; Lance Cedrick Cruz; Rommel Almonte; Joseph Musico; Mark Manalo
Ipinasa kay: Prof. Reymond Cuison (Abril 2013)
Modernong panahon (Nakatutulong nga bang totoo?)
Modernong panahon
(Nakatutulong nga bang totoo?)
Ang modernong panahon ay isang makabagong panahon kung saan ang lahat ay gumagamit ng teknolohiya. Naimbento para padaliin ang buhay ng isang tao sa pang araw-araw na gawain. Ngunit may mga ilan na nag sasabing ginagawang tamad ng modernong panahon ang tao ng isang bansa dahil hindi na halos kumikilos ang ilan. Isang halimbawa dito ay ang KOMPYUTER kung saan ito ang pinaka gamitin ngayong panahon. Tutuklasin natin kung ano nga ba naidudulot nitosa ating buhay.
Pag dating sa gadgets hindi nag papahuli ang mga Pilipino kahit na basura na sa ibang bansa, sa atin isa parin itong kayamanan. Sabi nga ng marami satin “May pera sa basura”, oo nga naman napagkakakitaan pa ng ibang bansa ang mga gadgets nilang luma na dahil binibili ito ng mga bansang medyo na huhuli na sa panahon katulad ng Pilipinas. Pero sa kabila ng lahat para sa akin ang pinakapatok sa mga tao ay ang KOMPYUTER. Kahit saan ka mapadpad dito sa pilipinas lagi may kompyuter shop kahit pa na mukhang alam niyo yung lugar eh may kompyuter shop parin, yun nga lang hindi kagandahan. Mas marami kasing nagagawa ang nito kesa sa ibang gadgets kaya mas nagging patok ito.
Mayroon namang mga cellphone na mala KOMPYUTER ang dating dahil sa laki nito, pwede kang mag WiFi, mag laro, makipag chat, mag install ng kung ano-ano at marami pang iba.Hindi natin makakaila na kahit na mga musmos pa lamang ay umagang-umaga ay kaharap na ang kanila kaibigan minsan pa nga ay mag hapon kung walang kahati. Ngunit napapaisip parin kung ano ba talaga ang naitutulong nito bukod sa nakakalibang ito, sabi ng DepEd na dahil sa mga computer games at gadgets kaya bumababa ang mga studyanteng pumapasa ng board at dumarami naman ang mga bumabagsak.
Layunin ng Etnograpiyang ito na ipaliwanag kung ano nga ba ang mga naiidudulot nito sa atin, masama man o hindi. Kung pano ang tamang pag gamit, kung ano ang epekto nito sa atin. Nais din namin na palawakin pa ang inyong isip sa mga ganitong bagay sa pamamagitan ngaming mga na obserbahan.Sa dinami-dami ng lugar dito sa Pilipinas, bawat kanto, bawat barangay, bawat street na makikita mo ay meron nito, kahit sa mga mall ngayong panahon may makikita ka naring portable na kompyuter kung saan pwede mo siyang dahilan kahit saan at tinatawag itong LAPTOP.
Nais din naming ipaalam sainyo kung ano ang aming mga ekspiryensa sa pag gamit nito upang makatulong sa inyo kung ano dapat at hindi dapat gawin. Kung may nararamdaman ng kakaiba dahil sa pagbababad niyo sa paglalaro, maaring mag pakonsulta na agad sa doktor upang malunasan agad ang inyong karamdaman dahil meron din mga sakit na pwedeng makuha sa pag gamit nito. Alam kong alam niyo na ang tungkol sa CARPAL TUNNEL ayon sa mga eksperto ito ay kung saan nananakit ang inyong mga kamay dahil hindi mo ito masyadong nagagalaw. Kaya galaw galaw din pag may time, kailangan ng tamang ehersisyo. Ayon din sakanila pwede rin tayong mabaog kapag pinatong natin sa ating hita habang ginagamit natin ang LAPTOP dahil sa init na nilalabas nito. Para sa iba pang kaalaman pwede kayong manaliksik sa internet ukol ater upang mapatunayan ang aking sinasabi.
Maraming pwedeng pag gamitan ang kompyuter pwede itong gamitin sa pag aaral, trabaho, komunikasyon, imbakan ng mga importanteng dokumento, pang aliw at marami pang iba. Nag punta ako sa iba’t ibang lugar upang malaman kung ano nga ba ang epekto ng mga kompyuter sa tao,nag tanong sa ibang tao kung pano nila ito ginagamit at kung ano ba talaga sakanila angkompyuter pati na ang pwedeng gawin nito.
Sa panahon ngayon isa na ang computer sa pinaka demand na ginagamit ng buong mundo. At sa panahon rin ngayon, napansin kong halos wala ng batang nagpapalipad ng mga saranggola, naglalaro ng piko, patintero, habulan, sipa, taguan, tayaan, holen at kung ano-ano pa.Dahil din dito ay maraming natututunan ang mga tao, nakakapaglibang din tayo gamit ito pati rin ang mga trabaho, napapadali nito-tulad sa accounting, dito na sila nagsusulat nung mga nire-record nila para mas maintindihan at madaling ikompyut ng tama at nakakatulong rin ito upang maging komunikasyon para sa mga kapamilyang nasa malalayong lugar na di tulad ng dati liham lamang ang ginagamit ngunit matagal itong nakakarating samantalang ang kompyuter wala pang segundo maari ng mabasa ng iyong mga mahal sa buhay. Madali rin itong magamit sa pagta-type kagaya nalamang ng pag gawa ng mga research paper, madali mo siyang ma e-edit samantalang dati ang ginagamit nila ay type writer kapag nag kamali lamang ng kahit isang letra o sentence ay kailangan na ulit umulit sa simula. Ang computer na rin ang madaling gamitin para sa kanilang pag reresearch katulad nalang ng google, Wikipedia at marami pang iba dahil dati rati kailangan pa nilang pumunta sa silid akalatan upang hanapin ang kailangan nilang basahin o hanapin para sa kanilang takdang aralin dahil doon sa silid akalatan marami ka pang kailangang gawin upang mahanap mo ang kailangan mo, katulad nalamang ng paggamit ng card catalog, samantalang sa computer isang type mo lang makikita mo na lahat ng impormasyon na hinahanap mo hindi kapa nagsayang ng oras at pagod.
Ang kompyuter ay madaling gamitin kahit na ang mga bata ay madali itong natututunan ngunit kahit na malaki ang naitutulong ng computer para sa ating lahat marami pa rin itong naiidudulot na masama . katulad nalamang ng pagiging adik na ng mga kabataan ngayon sa laro ng mga computer marami na ngayon sa mga kabataan ang nahihilig sa laro lalo na ang nauuso ngayong DOTA , LOL , o kahit ano pang online o lan games dahil dito natututo ang mga kabataan na gumastos ng malaki imbis na ginagamit nalang nila ang kanilang allowance sa makabuluhang bagay kagaya nalamang ng pagbili ng pagkain kapag nagugutom sila ngunit mas pinipili nilang gastusan ang sarili nilang pangkaligayahan ni hindi nga nila inisip na kung paano kung nahihirapan ang kanilang magulang sa pagtatrabaho para may maibigay sila sa kanilang anak na baon sa pagpasok. Kagaya nalamang sa mga estudyante na nakikita ko o mga kakilala ko natutunan pa nilang mag-cutting sa kanilang klase para lang makapag laro ng computer hindi ba nila naisip na pwedeng maapektuhan ang kanilang pag-aaral ? at meron pang ibang maaring di magandang idulot ito sa mga kabataan kagaya nalamang ng ibang website merong mga website kagaya nalamang ng youtube na may mga palabas na hindi karapat dapat makita ng mga kabataan kahit na sabihin natin sa henerasyon ngayon kailangan na ng mga kabataan na maging bukas ang kanilang isipin sa ibang mga bagay na kahit na hindi pa naman karapat-dapat para sa kanila kaya dapat kahit papano ay dapat pa rin disiplinahin o kontrolin ng kanilang mga magulang ang kanilang mga anak dahil baka ito pa ang maging dahilan upang masira ang kinabukasan ng kanilang mga anak.
Dahil ang mga bata ngayon ay puro nasa computer shop na. Abalang-abala sa mga nilalaro nilang computer games. Ganyan na lamang naging moderno ang ating bansa. Kung dati’y ang mga bata’y pakalat-kalat sa lansangan ngayo’y hindi na. Siguro’y sa mga susunod pang mga henerasyon ay makalimutan na ng mga susunod pang mga kabataan ang paglalaro sa labas ng kanilang mga tahanan kasama ang ilan pang mga bata. Naobserbahan ko yun dito sa aming lugar. Dati ay kaliwa’t kanan ang mga batang nagtatakbo sa aming lansangan. Takbo dito at takbo dun. Napakaingay ngaming lugar dahil sa mga batang tuwang tuwa sa paglalaro. Merong iyakan at tawanan. Iyakan dahil hindi naiiwasan ang madapa. Ngunit ngayon, tunog na lamang ng mga sasakyan ang iyong maririnig. Busina dito at busina doon. Ang mga bata’y pinuno na ang bawat computer shop sa bawat kanto.
At dahil nga sa ginagamit nating computer, napansin ko rin sa ilang estudyante na imbes BOOK sa school ang kanilang buksan ay FACEBOOK ang pinagkakaabalahan. Hindi lamang sa facebook, nandyan na rin ang twitter, tumblr, wattpad, blogspot at kung ano ano pang website na uso na ngayon. Parang ako, naobserbahan ko na rin mismo sa aking sarili na imbes gugulin ko ang mas malaking oras sa aking pag-aaral ay mas prioridad ko pa ang facebook. Hindi naman masamang maglibang kung minsan. Pero dapat ay isinasaalang-alang natin ang mabuti at masamang epekto nito sa atin. Magkaroon tayo ng konsiderasyon sa ating mga sarili. Isa pang napansin ko, ay ang mga nilalaman ng computer. Tulad na lamang sa facebook. Dahil gaya nga ng sabi ko ang mga kabataan ngayon ay puro ito ang pinagkakaabalahan. Napansin ko kasing ang ilan sa mga ipinapalabas sa fb ay hindi karapat-dapat o kanais-nais para sa mga bata. Pictures man ito o video. Hindi lang naman ito sa facebook, marami rin ito sa iba pang mga website na natutunan ng mga bata sa mga nakakatandang masamang impluwensiya para sa kanila.
Ang kompyuter ay hindi naman puro masamang epekto lang. nagiging masama lang naman ito kapag hindi natin ito nagagamit sa tamang paraan. Naobserbahan ko rin ang masama at mabuting epekto nito sa atin. Unahin natin ang masama nitong epekto. Nagiging masama ang paggamit ng computer kapag tayo ay nasosobrahan sa paggamit dito. Dahil ilan sa mga kabataan, ay mas pinipili na lamang mag-computer kesa pumasok sa eskwelahan para mag-aral ay mas pinipili nilang maglaro na lamang sa computer shop.
Gamitin natin ang computer sa magandang paraan at hindi sa mali na mag-uudyok sa atin sa maling tahakin. Ang sumunod naman ay ang mabuting epekto. Mabuti ito lalo na sa paggawa ng ating mga trabaho, reports, research, projects, assignments at kung ano-ano pa. Napapadali ng computer ang ating mga trabaho. Hindi lang dahil sa mga nilalaman nito, ngunit dahil na rin sa tulong ng internet. Nakakapag-search tayo sa google, yahoo, wikipedia at kung ano-ano pa. Sa ganitong paraan nalalaman din natin ang mga bagay na ngayon lang natin natuklasan. Tinutulungan rin tayo nito upang mapaganda at maging presentable ang gagawin nating reports para sa trabaho o maging para sa paaralan. Ang computer din ay ginagamit para sa paglilibang, tulad ng paglalaro ng kung ano-anong games na nakapagrerelax sa ating mga mata maging sa ating kaisipan. Malaking tulong talaga ito kung gagamitin natin ito sa tama. At kung alam natin kung anong limitasyon natin sa paggamit nito.
Isa rin sa mga naobserbahan ko, ang ating bansa ay talagang umaasenso na. Dahil sa mga hi-tech na bagay na inilalabas ng bawat bansa sa mundo. Tulad ng cellphones, laptop, iphone, itouch, ipad, at kung ano ano pa. Hindi lang naman computer ang maaari nating gawing; reference para sa mga bagay na kailangan nating malaman. Isa rin ang mga gadgets nayan upang makatuklas pa tayo ng iba’t-ibang bagay.
Ang tita ko ay isang teacher at nag tuturo nang subject na kompyuter sa Mataas na Paaralan nang Bagumbong. Sumama ako sa aking tita para makita at maranasan kung paano mag turo ang aking tita sa larangan nang kompyuter. Nakita ko ang mga estudyante niya na masaya sila sa pagpasok niya dahil ito ay mabait sa kanyang mga estudyante. At nang mag simula siyang magturo ay may nakita akong estudyanteng natutulog sa klase niya, hindi ko alam kung dala nang pagka-puyat o sinasadya niya lang talaga matulog sa klase nang tita ko, hindi ito pinansin nang tita ko pero alam niyang natutulog ito at nagpatuloy na lamang sa kanyang pagtuturo. Napansin ko na ang mga tinuturo niya ay medyo mahihirap na terminolohiyo pero ito ay naiintindihan ko pero sa ibang mga estudyante niya ay hirap na hirap kaya ang ginawa niya ay inulit niya ulit ito hanggang sa maintindihan nila ito.
At sa aking pag-oobserba ay may nakita ako na iilan lang ang mga nagsusulat na estudyante at may iba rin na usap lang nang usap na hindi related sa itinuturo nang tita ko. At nang pumunta na sila sa Computer Laboratory sa kanilang paaralan ay naobserbahan ko na malinis ito sa labas man o sa loob nang laboratory at maayos ang pagkakaligpit ng mga computer dahil ang mga estudyante sa kanilang paaralan ay disiplinado at napakikiusapan na iligpit ng maayos ang mga gamet sa Laboratory. At nang simulan na ng aking tita na buksan ang kanyang computer, saka binuksan ng mga estudyante ang kanilang mga computer dahil bilin nang kanilang guro na wag magbubukas ng computer hangga’t di nagbubukas ang teacher nang sarili niyang computer.
At nang buksan nila ang computer ay nagsimula na ulit mag turo ang aking tita at ang tinuturo niya ngayon ay kung paano gumawa ng HTML gamit ang notepad. May nagtaas nang kamay at isa yun sa estudyante ng aking tita na si Anna Flores na isa sa magaling pagdating sa klase ng aking tita. Nag tanong siya kung tama o mali ang kanyang sagot. At sinagot na naman ng tita ko na mali ito, dahil dito tinuruan niya si Anna kung paano gawin ang kanyang activity at hindi niya rin ito pinahiya dahil tinuloy ni Anna ang kanyang gawain at tinapos ito. At sa pag tapos nang araw nang aking tita ay napansin ko na sa computer din siya gumagawa ng grades. Tinanong ko siya tungkol dito at ang sabi niya ay mas madaling gumawa ng mga grades sa computer kesa sa mano-mano. Iba na talaga ang henerasyon ngayon, dati ay mano mano pang gumawa nang grades, pero ngayon ay may computer na handang tumulong sayo.
Nung ako’y High school palamang sumama ako sa aking nanay sa kanyang trabaho. Halos lahat ng tao dun ay may kanya-kanyang gadgets pero ang gamit nila sa pagtatrabaho ay kompyuter. Napapasin ko na hindi naman pala ganun kahirap gumamit kung alam mong gamitin pero ang ginagawa lang naman nila ay parang naglilipat ng dokumento na nasa papel at isusulat ulit nila ito sa kompyuter encoder ata ang tawag doon. Pero ang ginagawa ni mama ay iba iba, minsan nage-encode lang siya, minsan pinapagawa siya ng chart ng mga gastos ng kompanya nila siya narin ang humahawak sa pera minsan siya pa ang representative ng kanilang kumpanya. May araw na napagkamalan akong nag O-OJT doon dahil sinusubukan ko ang gawain ni mama kung kaya ko ba para pag-graduate ko ng IT meron na kong konting kaalaman ukol sa aking pwedeng maging trabaho. Madaling mag-obserba pero mahirap pala gawin dahil marami pa pala akong hindi nalalaman kaya yung ibang dapat kong gawin ay hindi ko magawa. Napag isip-isip ko na hindi lang pala sapat ang pagtingin sa ginagawa, dapat mo rin itong subukan. Sabagay puro kasi ako laro pag nagkokompyuter. Tinanong ko si mama kung napapadali ba ng kompyuter yung trabaho niya ang sabi “oo” mas mahirap daw kasi pag manual mas nakakapagod kasi kailangan mo talaga ng effort para matapos yung isang gawain mo kaya napaisip ako “ano kaya magging trabaho ko pag nakatapos na ko ?” kinakabahan kasi ako, papano nalang kung mahirap yung napunta saking trabaho,yung parang kahit gumagamit kana ng kompyuter eh mahirap pa din. Satingin ko naman wala naman talagang mahirap kung pag-aaralan mo nang mabuti.
Sa Computer shop naman ay marami kang makikita ditong iba-ibang klase ng tao, may sanggano, yung pala mura; may tahimik , may mabaho at amoy araw.May iba namang mga tambay lang at walang ginawa kundi manuod lang; yung ibang tambay naman ay nanggugulo pa at nag tuturo kung ano ang gagawin, kung saan sila nanunuod. Tambay din kasi ako dito dati eh. Mainit sa computer shop depende kung aircondition ito o hinde. Marami ring mga estudyante na dito nag ka-cutting classes at dito nag papalipas ng araw yung ibang istudyante naman ay dito nag reresearch at nagpapaprint. Kadalasang puno ang computer shop dahil maraming mga bata ngayon ang marunong ng mag computer at dito sila naadik. Marami ring mga bata na dito na tinatawag ng magulang para kumain dahil sa sobrang kaadikan. Meron din naman dito na nakikipag chat minsan nakikipag landian pa web cam web cam pa. Yung mga taong walang kakayahang bumili ng kompyuter at mag pakabit ng INTERNET ay sa computer shop napupunta kaya kung mapapansin niyo ang dami-dami nila kaya ang ibig sabihin madaming mahirap sa Pilipinas kaya marami sa ating kababayan ang nangingibang bansa upang kumita ng kwarta. Ginagamit nila ang kompyuter upang makipagkomunikasyon sa kanilang kamag-anak sa ibang bansa at isa na kami sa mga yun. Meron din namang ibang nanloloko lang na gagawa ng dummy account sa facebook o twitter at manloloko ng ibang tao minsan pa nga pagnaiwan mong nakabukas yung account mo eh bababuyin nila.
Malaki ang naitulong nito sa atin dahil hindi na natin kailangan bayaran ang bawat letra na gusto nating sabihin sa sakanila ngunit sa kasamaang palad nawalan naman ng trabaho ang mga taga hatid ng sulat o MAIL MAN sa ingles. Pero sa iba parang isang salot ito dahil sa mga manloloko, namimirata, nang bubully, naninira at marami pa. Hindi naman natin sila masisi kung eto yung paraan ng pag papapansin nila pero ang masasabi kong maling-mali ito. Mas pinadali rin ng kompyuter ang pag gawa ng mga takdang aralin ng mga studyante dahil isang copy at paste lang tapos na agad ito ng wala pang sampung minuto kaya hindi na ko magtataka kung bakit dumadami ang tamad sa mundo ultimo essay ng ginagawa nila kokopyahin pa sa internet.
May mga shop na mura ang renta, sa katunayan mayroon pa silang pa-promo na kung magbabayad ka ng 25 pesos ay dalawang oras ka nang makakarenta sa kompyuter shop. May mga oras na maingay, napakaingay dahil sa enjoy na enjoy ang mga kabataan sa paglalaro ng DotA. Sari-saring sigawan at bangayan ang maririnig sa pagpasok at paglabas ng kompyuter shop dahil nga sa intense o mainit ang kanilang laban. Napakaraming kabataan ang naglalaro at napansin kong mayroong CCTV camera doon siguro nga dahil sa mga pangyayari sa ating bansa na kahit computer shop ay pinagtatangkaang nakawan o holdapan ng mga mandurugas. Sa aking pagpasok sa isang kompyuter shop, dali-dali kong tinanong ang isang kabataan roon na tahimik lamang na nakaupo’t nanunuod sa isang bata rin na naglalaro sa kompyuter. “Boy, pwede ba kitang madistorbo saglit sa panunuod mo?” Sabi ko. “Oh, ano po ‘yon kuya?” Sabi ng bata. “Sa tinagal-tagal ng panahon at sa mabilis na pagdaan ng panahon, wala ka bang napansin?” Sabi ko. “Wala naman po ano po ba ‘yon?” “Ah, sige wala nevermind na lang. Salamat sa tugon mo.” Sabi ko sa bata. At tinapos ko na ang aming obserbasyon. Agad akong napaisip at muli kong binalikan ang nakaraan, ang nakaraan noong ako’y bata pa at naglalaro lamang sa kalsada, nadadapa, naglalaro ng piko, nakikipag tagu-taguan, nakikipag tumbang preso at iba pang laro. Heto ang aking naging obserbasyon, pagkalabo na lamang ng mata ang nangyayari sa ibang mga bata sa kakalaro ng kompyuter, imbis na nadarapa sila sa kakalaro ng mga larong kalsada. Bibihira nalang mapansin ang mga batang nagsisipaglaruan sa kalsada, kadalasan ang iba nakatutok at nakaharap na sa isang kompyuter. Sa bagay, hindi nga naman natin masisisi ang panahon sa bilis ng pag-unlad ng isang bansa, lalo na’t naiimpluwensyahan tayo ng mga produktong banyaga.
Wala akong magawa noong sumunod na araw kaya naglaro nalang ako sa labas. Napansin ko na kakaunti lamang ang mga nag-lalaro at ang iba pa ay estudyante. Hindi ko alam kung sila ba ay nagka-cutting class dahil ang aga-aga, naglilibang na sila. Napansin ko rin na mas marami ang naglalaro sa hapon kaysa sa umaga, siguro nga dahil sa kadahilanang may iba pang inaasikaso sa umaga ang mga nagrerenta sa computer shop. Sa unang tingin pagpasok sa kompyuter shop, walang nagbabangayan, nagpapalitan ng salita, nag-iingay o kung anumang kaingayan sa kompyuter shop siguro nga dahil sa wala pang enerhiya ang mga tao para sa gano’ng bagay. Kung maipagkukumpara ang pagpunta ko ng hapon ay maingay na sa kompyuter shop. Halo-halong ingayan ang madadatnan kumpara sa umaga na ang tahi-tahimik at maayos. Napansin ko rin na ang iilan sa mga trabahador at estudyante ay pumupunta tuwing umaga sa kompyuter shop upang gumamit ng internet, ang ilan nama’y nag-doDOTA bago pumasok sa kanilang pinagtatrabahuan at sa mga estudyante sa mga paaralan. Kung pwede ko lang isumbong ang mga batang naglalaro tuwing umaga at hindi na pinapasok ang kanilang klase dahil sa paglalaro, isinabi ko na ngunit baka nama’y sabihin nila akong KJ or Kill Joy dahil yun na nga lang ang kanilang kaligayahan, pipigilan ko pa. May mga bagay na sadyang hindi natin kayang pigilan kung nakasanayan na sa kadahilanang lagi natin itong ginagawa at napakahirap para sa isang tao na pigilan ito lalo na kung itong libangan na ‘to ay ang tanging bagay na makapagpapaligaya para sa sarili mo. Tulad ng iba, o tulad ko na nahilig na sa paglalaro at ang tanging masasabi ko nalang ay ang saya-saya. Ang saya ‘di ba? Iba’t-ibang tao ang nakilala ko sa pagpunta sa kompyuter shop. Nandoon si Masipag, masipag na naglalaro araw-araw makapagpa-level lang ng kanyang online game, nandoon si “Watcher”, na tiga-nuod maghapon magdamag sa kaibigan niyang magaling “daw” mag laro, nandoon si “Megaphone” na kung makapag-ingay ay wagas at nandoon din si Timer na kakalabit na lamang sayo bigla kung tapos na ang oras mo sa pag-rerenta ng kanilang PC.
Tuwing linggo at wala akong pasok ay lagi akong nagkokompyuter.Pag tapos ko palang mag almusal ay agad akong pumupunta sa kompyuter shop para mag laro, mga 8:00 palang ay nasa kompyuter shop na ko.Pagdating ko sa shop ay ako palang ang tao at ang bantay na si kuya noy.Sakto lang daw ang dating ko dahil kabubukas niya palang daw.Sa paborito kong PC ako naglaro at kung saan nakatutok yung elektrik fan dahil nga maiinit dun. At dahil nga buena-mano ako nung araw na yun ay may libre akong 30mns. Wala pang 20mns akong nakaupo ay marami na agad dumating na customer at yung ilan dun ay yung mga kaibigan ko na kalaro ko sa DOTA.
Nakailang laro din kami at nang matapos na ay umuwi na sila at akoy nagpaiwan dahil nga may gagawin pa akong takdang aralin at mag lalaro pa ako ng League of Legend. Nang matapos na ko sa takdang aralin ko ay nag laro na ako ng League of Legend at naka ilang game din ako at di ko napansin ung oras na nakaka 5 hrs na pala ako. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya nag pasya akong bumili na lang ng biskwet at Softdrinks. Pagkatapos kong bumili ay nag laro ulit ako. Naramdaman ko nalang nung nag lalaro ako ay biglang sumakit yung mata ko kaya nag pasya na akong mag-out, 70 pesos ang binayad ko, bali naka 7 hrs and 30 mns rin ako.
Araw na ng lunes at maaga na naman ang pasok mula alas nuwebe ng umaga hanggang ala una ng hapon. Pag-uwi ko ay agad akong kumain at naghugas ng plato. Pagtapos ko maghugas ay humingi na ko ng pera sa mama ko dahil sabi ko may iseserts lang ako at binigyan niya naman ako ng 40 pesos. Mga alas dos na ng hapon nang pumunta ako sa shop at naabutan ko yung mga kaibigan ko na nag-lalaro na.Sobrang init sa shop at iba ang amoy, amoy pawis at amoy paa. kaya nang lumabas muna ako ng shop at uminom ng soft drinks.Habang nakaupo ako sa labas ay nakita ko na nagsilabasan na yung mga tambay kaya pumasok na ako sa loob. Sobrang init talaga sa loob ng shop.Napansin ko parin na maraming tambay .At dahil may nakapwesto sa paborito kong PC kaya sa ibang pc ako umupo.At nakalaro ko pa ng isang game yung mga tropa ko bago sila umuwi. Nakailang oras na naman ako sa paglalaro ng kompyuter nang mapansin ko ang mga bata nag-kukumpulan sa kabilang PC kaya tinanong ko yung isa kung ano ginagawa nila at ang sabi nya ay nanonood daw sila.
Napag-isip-isip ko na dahil sa kompyuter ay natututo ang mga bata ng malalaswang pag iisip dahil narin sa mga site na porno na kahit nakalagay na “18 age below do not enter “ ay nagagawa parin nilang makapasok sa site na yun. Sinabi ko sa kanila na isusumbong ko sila sa may ari ng shop kaya dali-dali naman nila itong inalis. Natapos na ko sa paglalaro at umuwi na. Habang pauwi na ay napag-isip-isip ko na kahit moderno na ang panahon at sinasabing nakakatulong ang bagong teknolohiya ay mayroon parin itong masamang naidudulot.
Ang pagbabantay din ay may kabalikat na pagod, pagkainip, at pasensiya. Pagod dahil kapag napakaraming customer na dumating ay kailangan mo buksan ang kanilang mga computer at kapag tapos na sila ay kailangan mo naman itong patayin para makatipid sa kuryente. Pagkainip dahil kapag sobrang matumal ang pagdating ng kaniyang mga customer wala siyang gagawin kung hindi mag-antay kaya ang kaniyang ginagawa para mawala ang kaniyang ay nagpapatugtog siya ng mga napakaingay na mga kanta upang mawala ang kaniyang pagkainip at kapag may dumating na kaibigan ay makikipagkwentuhan ito para hindi siya mainip habang nag-aantay ng customer. Pasensiya, kasi minsan ang kaniyang mga customer ay maiingay lalo na ung mga nag-lalaro ng DOTA, kapag napasarap na sa laro mag-aasaran at magmumurahan na dapat sawayin dahil hindi lang naman sila ang customer niya. Kapag nagsasara siya ng computer shop at meron pang customer ay kailangan niya itong antayin matapos kahit na gusto niya ng matulog at magsara.
May nakilala akong isang nagbabantay ng isang computer shop. Ito ay isang mahirap nagawain dahil hindi ka lang uupo. Uupo lang siya sa server ng mga computer at mag-aantay ng mga customer at kapag may customer na dumating bubuksan niya lang ang computer at babalik na ulit siya sa kaniyang upuan. Kapag wala pa naman dumating na customer nag-aayos siya ng mga computer at naglilinis siya ng computer shop upang ang kaniyang computer shop na binabantayan ay maganda sa paningin ng kaniyang mga customer.
May dumating na isang customer na kakilala ng nagbabantay. Ang customer na ito ay maingay at madaldal habang naglalaro ay nakikikapagkwentuhan pa ito sa nagbabantay kaya ang nagbabantay ay umingay na rin. Dahil sa maingay na rin ang nagbabantay ang mga batang naglalaro ay nakisabay na rin sa ingay dahil wala ng sumusuway kaya ang buong computer shop ay maingay na rin. Lumipas ang oras may dumating pa na mga customer na kakilala din ng nag-babantay. Inaya ng nag-babantay ng computer shop ang mga kakilalang customer na mag-laro ng DOTA. Hindi pa nag-uumpisa ang laro ay maingay na sila kaya ang iba pang mga customer ay niistorbo. Nag-umpisa na ang laro patuloy pa rin ang sila sa pag-iingay kaya ang ibang customer ay napilitan na lang umalis kasi naiistorbo sila sa kanilang ginagawa. Napansin ko na habang tumatagal ang laro ay lalong lumalakas ang ingay dahil na rin sa ganda ng kanilang laro at katuwaan. Meron pa nga sa punto na nagkakamurahan na sila na hindi maganda sa mga batang naglalaro baka gayahin nila ang kanilang ginagawa pero buti na lang ay walang nagkapikunan at baka mapunta pa sa suntukan. Nung matapos na ang laro umalis na ang unang customer na kakilala ng nagbabantay at sinabi “utang ko muna ang laro ko” kahit na nakapaskil na bawal ang utang.
Hindi ko alam kung bakit pinagbigyan ito ng nagbabantay marahil siguro ay kakilala niya ito. Maya-maya pa ay umalis na rin ang mga customer na kakilala ng nagbabantay. Nang sila ay umalis tumahimik na ang computer shop at ang mga customer ay nagbayad hindi tulad nung nauna. Ginawa na ng nagbabantay ang kaniyang trabaho na aayusin sa pagkagulo ang mga computer at papatayin niya na ito at bumalik na rin ito sa kaniyang upuan. Umalis na rin ako lugar pagkatpos mag-ayos ng nagbabantay.
Pumunta ako sa isang computer shop kung saan ang nag-babantay ay kakilala ko. Kapareho lang ng lagi kong pinupuntahan sarado na kasi yung malapit samin. Nagbakasyon daw yung may ari. Maingay din, meron ding seguridad na CCTV pero ang computer shop ay naka-aircon, karamihan ang nag lalaro ng DOTA maingay rin ang mga bata at ang masama pa dito ay nagmumura na sa murang edad pa lamang. Tinanong ko ang kakilala ko,ng nagbabantay, “bakit ayaw mo patahimikin ang mga bata” at aking dugtong ay nakakahiya pa sa ibang customer at ang sabi niya ay kanina ko pa pinapatahimik ang mga batang yan ayaw lang makinig nakakahiya na nga sa mga customer. Meron na nga isang customer na umalis at ang sabi sa akin“ayoko na ang ingay ng inyong computer shop niyo ang daming istorbo”. Tinanong ko siya “mahirap bang mag-bantay ng computer shop”. Ang sabi niya, “oo mahirap magbantay katulad ngayon maingay hindi ko masuway ang mga naglalarong bata na maiingay kung masuway mo ang mga ito o hindi ay masasabihan ka pa nila ng masamang salita at kapag tapos pa nilang gumamit ay aayusin ko pa ang kanilang ginulo”. Nakakainip din daw magbantay kasi minsan daw walang customer na dumating kung may dumating man ay konti lang. Dito sa computer shop ay bawal ang utang kahit kakilala man niya ang umutang kasi mapapagalitan siya ng may-ari ng computer shop.
Binilhan na ko ng aking mga magulang ng kompyuter para daw hindi na ko maglaro sa labas at hindi narin ako gumastos ng malaking pera para sa renta. Maganda din daw ito para pag may mga project hindi ko na kailangan pumunta sa labas para gumawa at magpagabi, ayaw rin kasi nila noon kasi delikado dito samin. Simula noon halos walang patayan ang kompyuter sa sobrang pagkaadik ko, tumataas narin ang kuryente; mas naging tamad ako lalo; halos yung madadaling takdang aralin nalang ang ginagawa ko pagmahirap hinahayaan ko nalang pwede- namang mangopya sa susunod na araw. Hindi ko ba alam kung bakit ako nagkakaganito? Minsan nga parang gusto ko na lang magpahinga. Lagi akong pinupuyat ng kaibigan kong ito di ko ba lam kung bakit parang ayaw niya kong layuan kahit sa panaginip ko, pumapasok siya, naglalaro daw kami. Nung isang gabi nga habang natutulog ako nananaginip ako na naglalaro daw ako tapos bigla akong sumigaw ng sobrang lakas kahit sa kabilang kwarto eh narinig sabagay magkatabi lang naman yung kwarto ng magulang ko sa kwarto ko. Tapos iyon, ginising ako, maya-maya natatawa nalang ako kasi naaadik na ko talaga sobra kahit sa pag tulog ko naglalaro parin ako.
Minsan may nararamdam na kong kakaiba sa aking kamay na pag inunat mo ay masakit inisip ko na lang na baka kasi hindi ko na naigagalaw parati tulad ng dati. Marami akong hilig noong wala pa yung kaibigan kong ito, hilig kong maggitara, magpinta, mag-drawing at marami pang iba pero binago niya lahat. Kung dati sa isang araw halos lalagpas sa 5 gawain ang ginagawa ko kasama na doon yung paggawa ng takdang aralin, pagliligpit ng kwarto at iba pang gawain kahit nga pag-inuutusan ako di ko na sinusunod kasi naglalaro ako. Maganda lang nito sa sobrang curious ko kinakalikot ko minsan ang kompyuter ko. Marami naman akong natutunan. Kaya ko ng ayusin yung mga simpleng sira kahit yung mga application sa kompyuter na pang ayos ng palabas, pag hahalo ng kanta natutunan ko na din, kaya di na ko nagtataka kung lagi akong tinatawag ng lola ko para ayusin yung kompyuter nila kasi hindi makalaro yung maliliit kong pinsan ayaw ko naman kasing maranasan nilang maglaro sa labas tulad ng naranasan ko dati kaya pinipilit kong ayusin kahit di ko na alam kung pano. Nakakatulong din ito sa pag aaral ko dahil ang gusto ko paglaki ay isang IT. Pero ewan ko ba puro naman ako laro, hilig ko lang talaga maglaro hindi ang kompyuter. Gumigising din ako nang maaga pero natutulog din ng umaga para mag laro pero hindi sa lahat ng oras ay ganon ang dahilan, meron kasing project yung kapatid ko na gagawa daw sila ng video eh-may alam naman ako doon kaya ako nalang ang gumawa, basta siya gagawa ng gawaing bahay, para masolo ko yung kompyuter.Nagagamit ko siya sa maraming bagay: nagagawa ko siyang libangan kagaya nalamang ng paglalaro-dahil kapag ako ay naiinip ako ay naglalaro ng sims ang pinaka paborito kong laro ngayon dahil bukod nakakawala na siya ng stress, nagagawa ko pa dito yung gusto kong design na bahay at syempre hindi lang naman paglalaro ang pwedeng maging libangan dito pwede ka rin manood sa mga website kagaya na lang sa youtube o kaya mag download ng mga kanta pwede ka rin makipag chikahan sa mga kaibigan mo gamit naman ng facebook, yahoo mail o twitter.
Malaki ang naitulong ng karanasan ko sa aking buhay kaya bilang isang manlalaro ng kompyuter, nakakaadik, nakakatuwa, nakakatanggal stress, o kung anu pa man.Pero may mga oras na minsan nawawala na ang pagtutuon pansin sa aking mga gawaing eskwela.Nawawala ang aking pokus sa mga gawaing pang-eskwela dahil sa kalalaro ko ng mga games sa computer.Ang pagkaadik ko sa computer ay malala na.Dahil minsan gumagamit ako ng mga cards ng mga laro para lamang lumakas ako sa isang laro.Napapagastos ako sa laro na sana ay pinang kakain ko nalang nabusog pa sana ang aking sikmura.Hindi ko mapigilan mag load o bumili ng mga game cards dahil alam kong ako ay lalakas agad, yayaman, o kung anu pa man, depende sa iyong nilalaro. Imbis na ako ay nag iipon nalang sana pero nawawaldas ko pa rin ito sa mga game cards. Gaya ng aking unang sinabi, nawawala na ang aking pokus sa pag-aaral. Marahil eto na ang masamang epekto ng pagkaadik sa computer.
May mga Gawaing eskwela o takdang aralin akong naiisip pagnag ko-computer ako pero ang palagi kong sinasabi ay, “Mamaya ko nalang ito gagawin” hanggang sa hindi ko na ito nagawa dahil ako ay napagod na sa kaka-computer. Halos hindi na ko kumakain sa tamang oras, kung kakain man ako sa harap pa ng computer at hindi ako nakakasabay sa aking pamilya, at nawawalan ako minsan ng atensyon sakanila.Kadalasan malilipasan nako ng gutom kaka- computer ko. Kahit papano may control pa rin ako sa aking sarili sa paggamit ng computer kahit kaunti. Minsan nakakaya kong hindi maglaro ng computer. Pero kadalasan ako ay naglalaro mag hapon at puyatan.Kaya ang bill ng kuryente ay patuloy na tumataas, na imbis na magtipid ng kuryente dahil sa mamahalin na ang mga bilihin ngayon at imbis na makatulong ay nagiging pabigat lang ako. Marahil may mas adik pa saken sa paglalaro ng computer games.May mga nabalitaan akong maghapon naglaro ng computer ng walang tayuan at dire-diretso lang nag ko-computer. Maya-maya nalang ay binawian nato ng buhay.Siguro marahil sobrang napagod na ang katawan nito at kaharap mo pa naman ay computer na naglalabasan din ng radiation.Kaya naging aral na rin sakin ang balitang yun at medyo nabawas-bawasan ko ang aking pag-aadik sa computer.
Kahit ang aking kapatid ay mag-hapon na nag ko-computer at minsan ay hindi na niya kami sinusunod. Tila ba parang wala nang pakialam sa kanyang paligid, basta’t kaharap niya lang ang computer ay okay na sa kanya.Masasabi kong mas-adik pa rin siya kaysa sakin.Dahil minsan ako ay natutulog at nakakaramdam din naman ako nag pagod kahit papano.Ayos na sana ang teknolohiya ngayon ngunit napakaraming masamang epekto nito sa mga tao.Napadali nga ang ating buhay ng mga makabagong teknolohiya ngayon. Pero marami itong naging masamang epekto sa ating pang-araw-araw na buhay. Lalo na sa mga kabataan ngayon na sobrang naadik na sa pag lalaro ng computer games. Nasisira na ang edukasyon ng mga kabataan dahil lang sa pag kaadik sa computer games.
Gaya ko nababayaan ko minsan ang mga aking takdang aralin. Pero sana mag bigay-aral satin na ang pagkaadik sa computer ay kahit kailan ay hindi magiging maganda. Ilagay rin natin sa isip natin kung magkakaroon ba tayo ng magandang kinabukas kung patuloy tayong mag papalamon sa pagkaadik sa computer.Lahat ng tao may kanya-kanyang desisyon. Dahil ako ngayon ay sinusubukan ko nang mag bago para saking kinabukasan.
Masama lagi ang sobra, dalhin mag kakaroon ito ng epekto sa ating katawan. Ang sobrang pag ko-computer ko ay may masamang epekto sakin. Yun ay paglabo ng aking mga mata, pag ka hilo, lalo na ang pagkalimot sa oras ng pag kain. Sa sobrang pagkalibang ko dito ay hindi ko na namamalayan ang oras. Nakakatanggal kasi talaga ng stress ang paglalaro ng computer games. Lalo na kapag kasama mo ang iyong mga kaibigan. Minsan ako ay napapagalitan na dahil sa sobrang ka adikan ko . “Puro ka nalang laro-laro, wala ka nang ginawa kung di maglaro” sabi ng aking tiyahin. Pero saakin pasok sa isang tenga at labas sa isang tenga ko lang ang mga sermon na aking inaabot habang nag ko-computer. Nagiging lie-low ako sa buhay ko kapag naglalaro ako ng computer. Nakakalimutan ko ang mga iniisip ko at ang mga problema ko sa buhay. Madalas kasi akong ma-stress at maraming iniisip sa buhay. Kaya sa pag ko-computer ko nalang talaga nililibang ang aking sarili para lang makaiwas o hindi maisip ang mga problema ko.
Kapag ako ay nakakaramdam agad ng lungkot, nag ko-computer ako agad para malibang ang aking sarili. Walang araw atang hindi ako gumamit ng computer. Kahit na wala nang ginagawa sa computer eh tuloy tuloy pa rin ako. Mahilig kasi talaga akong maglaro kahit bata palamang ako. Una hindi pa computer ang aking ginagamit. Playstation lang ang aking nilalaro noon. Pero ngayon ay moderno na ang panahon, computer na ngayon ang aking kinahihiligan. Wala akong ibang ginawa kung di mag-computer,kumain,matulog. Wala nga akong sports kung di pag ko-computer lang ang aking hobby. Alam kong hindi lang ako ang ganitong tao at adik sa computer. Marami din akong kaibigan na kasing kaparehas ko ng kaso. Nakakalimutan naming ang lahat kapag kami ay nagsama-sama sa laro kagaya ng mga online games na pwede kayong magkita kahit na malayo kayo sa isa’t isa. Nung mga nasa elementary palang ako ay nung kami ay may computer shop pa noon sa SSS Housing North Fairview, mag computer ako halos 24/7 lagi. Minsan wala na talaga akong tulugan kasama ng mga tropa ko sa shop namin dati at sabay sabay kaming nagkakatuwaan at nalilibang sa paglalaro ng computer. Napabayaan ko ang aking katawan noon, nagkaroon ako ng mga sakit at naging anemic ako dahil sa aking sunod sunod na pagpupuyat at marahil doon sobrang lumabo ang aking mga mata. Humantong sa ako ay bigla nalang bumabagsak, palaging nahihilo, at walang gana.
Para akong isang bangkay sa sobrang laki ng aking mga eyebags at sa sobrang pamumutla ko. Mula noon hindi ko na inulit ang ganung gawain. Natututo rin naman ako kahit papano pero hindi ko na maibabalik ang kalinawan ng aking mga mata. Para saakin, masasabi ko mas maswerte ang panahon dati kaysa sa modernong panahon ngayon. Dahil dati ang mga bata nag lalaro pa sa mga kalye ng kung ano-anong laro. Ngayon ang mga bata ay naglalaro nalang sa loob ng kani-kanilang bahay dahil natuto nang mag computer. Paano nalang kaya sa mga susunod pang henerasyon? Baka makalimutan na nila ang kultura nating mga Pilipino. May mga magaganda bagay nga ang pagkamorderno pero para saakin mas marami ang hindi magandang nagawa ng modernong panahon. Sa pagkamoderno ng panahon ngayon, nawawala ang pakikitungo ng mga ibang tao sa isa’t isa.
Kagaya ko nalang na sobrang kaadikan ko sa computer eh minsan hindi nako nakikisalamuha sa mga ibang tao. Lagi nalang din akong nasa bahay at kaharap ang computer. Dahil sa pagkamoderno ng ating panahon, para na tayo nagiging robot sa ating mga galawan at kilos karamihan ay naglalaylo na lang sa buhay. Kadalasan naaapektuhan ay ang mga bata. Lagi nalang din nakaharap sa computer at pag mayroon namang pasukan ay nag ka-cutting classes naaapektuhan ang edukasyon ng mga kabataan ngayon. Minsan kailangan din nating kontrolin ang ating mga sarili para walang maging masamang epekto satin ang pag ko-computer. Dahil masama ang sobra at pwede kang magkasakit ng kung anu-ano ngayon dahil sa mga gadgets kagaya ng computer na mayroong radiation.Kailangan din natin mag ingat ingat paminsan minsan.
Likas na sa ating mga Pinoy angmakisabay sa uso, lalo na pagdating sa mga makabagong teknolohiya. Sa aking paglaki, nasubaybayan ko ang pag-unlad ng isang kompyuter. Mula sa napakalaking makinarya ay unti-unti na itong lumiliit, at mas nagiging “High-tech” ika nga ng ilang kabataan dito sa Pilipinas. Hindi ko rin maitatanggi na napakalaki ang naiambag ng kompyuter sa atin dahil mas napapabilis ang mga gawain.
Wala na akong masasabi sa pag-unlad at pagiging mas “High-tech” ng kompyuterdahil halos lahat ng kabataan ay bihira na lang makapaglaro sa kalye, at kadalasankaharap ang isang kompyuter. Pero hindi natin maiiwasang mag kasakit bunga ng pagkatamad natin dahil umaasa nalang tayo sa makina. Minsan kelangan pang maranasan ng ibang tao ang dapat hindi nila maranasan bago sila matuto. Sa bawat magandang nangyayari pag-inabuso mo laging may kapalit kaya mag-ingat tayo sa paggamit, sunduin ang mga panuto bago gamitin ang isang bagay, maging alerto sa mga pwedeng makuhang sakit dahil ditto-upang maiwasan ang magkasakit. Sana ay mayron kayong natutunan sa aming etnograpiya tungkol sa pag ko-computer dahil nga marami na satin ang naaadik dito.
AMA Computer College Fairview Campus
Ipinasa nina: Borong,Bradney; Tenorio,Troy; Lacanlale,Evy Rose; Romero,Christine Mae; Torres,Rene Jay; Dizon,Janne Arysse Mico; Servo,Jesster; Pascual,John Paul
Ipinasa kay: Mr. Reymond Cuison
Abril 15, 2013
Huwebes, Oktubre 29, 2020
"Si Anto"
"Si Anto"
October 1, 2008 by plumaatpapel
ni Rogelio L. Ordonez
(Maikling Kwento)
https://plumaatpapel.wordpress.com/2008/10/01/maikling-kuwento/
(Isinalin sa wikang Ingles at inilathala sa TENGGARA-MALAYSIA at iniantolohiya nang malaon sa “Stories From Southeast Asia” bilang isa sa pinakamahuhusay na kuwento sa loob ng 30 taon sa naturang rehiyon, ayon kay Muhammad Haji Salleh, editor ng nasabing antolohiya.)
SI ANTO
NAKILALA ko si Anto sa isang panahon ng paglalagalag.
Iyon ay isang panahong ang kaluluwa ko’y nilalagnat, nagdedeliryo’t nag-aapuhap ng mga bituin habang patuloy akong tinutugis ng karalitaang hindi ko matakasan. Naglalagablab na dambuhalang mga kalansay ang tingin ko noon sa mga gusali ng lungsod at nanlilisik ang mga neon lights; mga nitso ang mga bangketa, mga kabaong ang mga eskinita, naghuhumindig na kandila ang bawat poste, at prusisyon ng mga robot at plastik ang nasasalubong ko sa bawat panulukan at lansangan. Iyon ay isang panahong labis kong pinaghihimagsikan ang kawalanghiyaan ng buhay sa siyudad at ni hindi ko na makilala kung sino ang kaaway at kung sino ang kaibigan at, sa bawat gabi, sa aking pag-iisa sa inuupahan kong marumi’t makipot na kuwarto ng nakaluhod na entresuwelo sa gilid ng nangangalingasaw na estero, ang nakikita ko sa tagpi-tagping dingding ay isang matahimik na kapaligirang matagal ko nang pinangungulilahan, at patuloy akong kinakawayan ng mga punong niyog, binubulungan ng mga talahib, at inaawitan ng mga alon.
Bitbit ang aking makinilya at isang maletang damit, naisipan kong magtungo, isang mahalumigmig na madaling-araw, sa isang liblib na lugar sa Batangas na hindi abot ng atungal ng mga tambutso at ng alimura ng kuwarta at ng tinatawag na makabagong sibilisasyon. Nakipanuluyan ako sa isang kamag-anak ng pamilya, sa isang karaniwang bahay na pawid sa tabing dagat na niyugan ang paligid. At nadama ko, sa gayon palang matapat na kapaligiran, sa piling ng mga karaniwang taong walang pagpapanggap, mahalimuyak maging ang karalitaan.
Doon ko nakilala si Anto, isang dapithapong umiinom kami ng tuba ng pinsan kong si Mando sa nakatiwangwang na bangka sa pasigan. Malagihay na ako nang mapansin ko ang isang matipunong binatilyong sunog ang balat sa araw na dumaong malapit sa amin. Parang walang anumang hinila niya ang kanyang bangka, iniahon sa tubig at sa loob ng pasan-pasan niyang lambat, nagkislut-kislot ang huli niyang mga isda na marami-rami rin sa tingin ko at baka umapaw sa isang timba kung isasalin.
“Ala’y marami ka yatang huli ngayon, Anto?” bati ng pinsan kong si Mando.
“Ala’y katamtaman lamang,” malumanay na sagot ni Anto sabay lapag ng lambat sa tabi namin. Kumuha ito ng ilang isda at inilagay sa loob ng inuupuan naming bangka. “Pamulutan man lamang ninyo.” Lumulundag-lundag pa ang mga isda.
“Uminom ka muna, ‘bigan,” alok ko at pinuno ko ng tuba ang tangan kong baso at akma ko iyong iaabot sa kanya.
Tinitigan ako ni Anto at napansin ko ang malalaking matang iyon na waring laging nagtatanong, nanunuri, na parang ibinagay sa medyo sarat niyang ilong at maluwang na bibig na nanatiling nakalapat.
“Pinsan ko ‘yan, Anto,” sabi ni Mando. “Si Manong Roger… nagbabakasyon dito.”
Saka lamang binawi ni Anto ang pagkakatitig sa akin.
“Di ako bumabarik, Manong,” halos pabulong nitong sabi.
“Sigarilyo,” muli kong alok.
“Ala’y di rin ako naninigarilyo, Manong.”
“Ala’y walang bisyo ‘yan kundi mangisda at magtanim,” pakli ni Mando.
Napatawa ako. Ni hindi man lamang ngumiti si Anto. Dinampot nito ang lambat, pinasan, sinulyapan kami, at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko siya naiwasang sundan ng tanaw hanggang sa ikubli siya ng makapal na niyugan sa di kalayuan.
“Doon lang nakatira si Anto sa kabila ng niyugan,” parang nahulaan ni Mando ang iniisip ko. “Ala’y nag-iisa na siya, Manong.”
Tumungga ako ng tuba at naglaro ang mga mata ko sa kalawakan ng dagat na mapayapang-mapayapa ngayon at parang isang dibdib na hindi humihinga. Nagulat pa ako nang kumislot sa loob ng bangka sa tabi ng paa ko ang isa sa mga isdang iniwan ni Anto.
“Ang mabuti pa, Manong,” sabi ni Mando, “ay iuuwi ko muna ang mga ‘yan, maiihaw at nang mapulutan na natin.”
Hindi ako umimik. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, kangina, sa saglit na sandaling iyon, nang titigan ako ni Anto, parang may nakita akong kung anong kahiwagaan sa likod ng malalaking mga matang iyon at sa pagkakalapat ng maluwang na bibig na waring may gustong sabihin at isigaw.
Hindi ko namalayan ang pag-alis ni Mando at mapupulang latay na lamang ang sikat ng araw sa kalawakan nang magbalik ito. Nakabalot sa dahon ng saging ang inihaw na mga isda, mainit na mainit pa, mamangu-mango, at naisip kong sa probinsiya nga pala ay talagang sariwa ang mga isda, gayundin ang mga tao, di gaya sa siyudad na bilasa ang lahat pati na mga kaisipan at pangarap.
Manamis-namis ang mga isda at sana’y nakapagpasalamat man lamang ako kay Anto, naisaloob ko.
“Sabi mo’y nag-iisa na siya?” parang wala sa sariling bigla kong naitanong kay Mando.
“Sinong siya, Manong?” Napatigil sa paglagok ng tuba si Mando.
“Si Anto.”
“Ay, oo, Manong.”
“Ang mga magulang niya?”
Muling lumagok ng tuba si Mando. “Ay, Manong, masaklap ang nangyari sa pamilya nila. Ay, putang ina, talagang masaklap, Manong.”
“Anong masaklap?” Nagsindi ako ng sigarilyo.
“Nakikita mo ga ang niyugang ‘yon?” at itinuro ni Mando ang karatig na niyugang dinaanan kangina ni Anto. “Dati, Manong, kanila ‘yon. Ala’y may kagandahan din ang bahay nila noon… doon,” at muling itinuro ni Mando ang niyugan na nakukumutan na ngayon ng manipis na karimlan.
“E, nasaan ngayon ang bahay?”
Dumahak si Mando.
“Ala’y di giniba na ng bagong may-ari. Alam mo ga, Manong,” patuloy ni Mando, “nagisnan ko nang sa ama ni Anto ang niyugang iyon. Ano ga’t isang araw, mga sampung taon na siguro noon si Anto, may dumating dito na taga-bayan, nakakotse pa, at pinaaalis doon sina Anto. Kanya raw ang lupang ‘yon. Ala’y di nagalit si Ka Basilio, ‘yong ama ni Anto. Kumuha ng gulok. Ay, putang ina, Manong… kung hindi agad nakatakbo at nakasakay sa kotse ‘yong taga-bayan, malamang na naundayan ng taga ni Ka Basilio.”
“Pagkatapos?” Sinaid ko ang tubang laman ng aking baso.
“Ay ano pa ga?” patuloy ni Mando. “Ala’y di nagdemandahan. Natalo si Ka Basilio dahil wala raw titulo. Mga ilang araw, muling dumating dito ‘yong taga-bayan, may kasama pang mga pulis. Tinaningan sina Anto para umalis doon. Ay, Manong, nag-iiyak si Ka Benita, ‘yong ina ni Anto, at sa sama ng loob ay biglang inatake sa puso… namatay noon din. Ala’y pagkalibing naman ni Ka Benita,” muling lumagok ng tuba si Mando, “ay dumating isang araw ‘yong mga tauhan ng taga-bayan, may kasama na namang mga pulis, at gigibain na ‘yong bahay nina Anto. Ala’y di sa galit ni Ka Basilio ay binunot ang kanyang gulok. Ay, Manong, nanghabol ng taga. Bago siya nabaril ng mga pulis ay dalawa ang napatay niya. ‘Yong isa, Manong, sana’y nakita mo,” parang nanghihinayang na patuloy ni Mando. “Ay, Manong, laslas ito!” sabay turo sa kanyang tiyan. “Inurakan nang inurakan… ala’y luwa ang bituka at ‘yong isa naman, ala’y muntik nang matanggal ang ulo. Di mapuknat-puknat ng mga pulis si Anto sa pagkakayakap sa bangkay ni Ka Basilio at hinimatay ‘yong kapatid niyang dalaga, si Juliana. Ay, Manong, ala’y magandang dalaga ‘yong si Juliana. Kursunada ko pa nga sana,” napabuntong-hininga si Mando.
Sinunud-sunod ko ang pag-inom. Parang wala nang lasa ang tuba.
“E, si Juliana?”
“Ay, putang ina… masaklap din ang nangyari, Manong,” parang maiiyak si Mando. “Ano ga’t nanilbihan siya sa bayan, sa bahay ng isang mayaman, ‘yon gang magandang bahay malapit sa munisipyo. Ala’y isang araw natagpuan siyang nakabitin sa silid… nagbigti raw. Ay, putang ina, Manong, aywan ko ga… sabi’y ginahasa raw ng anak na binata noong kanyang amo. Mabuti na lang si Anto, kinupkop ni Ka Masyong… ‘yon gang inuuwian niya ngayon. Ay, Manong, talagang naguguluhan ako sa nangyari sa pamilyang ‘yan. Ala’y putang ina, ‘yan ga’y kalooban ng Diyos, Manong?”
Matagal akong napatitig sa kawalan. Hindi na manamis-namis ang isdang iniwan ni Anto. Hindi ko na makain.
Nang gabing iyon, nakapako sa aking balintataw ang malalaking mata ni Anto at kahit masakit ang aking ulo, kinuha ko ang aking makinilya at sa tulong ng aandap-andap na ningas ng gasera, nakasulat ako ng dalawang linya.
“Ikaw ang mga mata ng budhi ko…
“Ikaw ang bibig ng mga layunin ko.”
MULA noon, lagi ko nang inaabang-abangan ang pagdaong ng bangka ni Anto sa dalampasigan at tuwing daratnan niya ang pag-iinuman namin ni Mando sa nakatiwangwang na bangkang iyon, parang naging ugali na niya na bigyan kami ng ilang isda, at naging ugali ko naman ang magpasalamat. Manaka-naka, binibiro ko siya, sinasabi kong sa kanila na ako uuwi upang maging lubos na ang kanyang kagandahang-loob sa akin. Minsa’y tinudyo ko pa siyang baka siya tumandang binata kung pangingisda at pagtatanim ang lagi niyang inaatupag sapagkat, ayon kay Mando, hindi man lamang daw nanliligaw si Anto, hindi pinapansin at lalong hindi kinakausap ang mga kadalagahan sa lugar na iyon. Sa kabila ng mga pagbibiro kong iyon, kahit minsa’y hindi napatawa, ni ngumiti man lamang si Anto.
Isang hapon, nang magpunta sa bayan si Mando at maghatid ng mga gulay at niyog doon, uminom din ako, kahit nag-iisa, sa tabing dagat. Maagang dumaong si Anto sapagkat maalon ang dagat, waring may nagbabantang sigwa. Luminga-linga ito nang mapansing ako’y nag-iisa ngunit hindi siya nag-atubiling lumapit sa akin upang bigyan ako ng ilang isda.
“Huwag na lang, Anto,” tanggi ko. “Walang mag-iihaw niyan ngayon. Nasa bayan si Mando.”
Hindi umimik si Anto. Ibinalik nito sa lambat ang mga isdang ibibigay sa akin. Kumislut-kislot ang mga isda pagsayad sa lambat, waring tuwang-tuwa at hindi ko sila mapupulutan. Walang paalam na umalis si Anto at inisip kong baka ipinaghinanakit niya ang hindi ko pagtanggap sa ibinibigay niya.
Dumidilim ang kalawakan at nag-iipun-ipon ang maiitim na ulap. Ang utak ko’y unti-unti nang pinamamanhid ng tuba nang gulantangin ako, sa likuran ko, ng malumanay at malamig na tinig na iyon na waring sumasanib sa ihip ng hangin at hindi kayang lupigin ng ragasa ng mga alon.
“O, Manong… pamulutan mo.” Nasa tabi ko na si Anto.
“Nakakahiya sa iyo,” sabi ko. “Ikaw pa ang nag-ihaw ng mga iyan.”
Tinitigan lamang ako ni Anto at naupo ito sa gilid ng bangka, sumulyap sa karagatan at tumingala sa kalawakan.
“Ala’y uulan, Manong. Malakas na ulan ‘yan, Manong,” parang wala sa sariling sabi niya.
Kumurot ako ng isda. Tumatalab ang init sa mga daliri at dila ko.
“Masarap ka palang mag-ihaw, Anto.”
Tumingin siya sa akin na waring sinasalamin sa mga mata ko kung totoo sa loob ko ang sinabi ko, at napansin ko sa malalaking matang iyon ang bahagyang kasiyahan. Waring ngayon lamang siya nakarinig ng papuri, ng pagpapahalaga sa nagawa niya.
“Ala’y pagpasensiyahan mo na ‘yan, Manong. Iilan kasi ang huli ko kangina,” parang nahihiya ngunit masiglang sabi ni Anto.
“Aba… suwerte ko pa nga ito,” pakli ko. “Alam mo ba, Anto, sa Maynila, laging galunggong ang kinakain ko, saka tuyo o bilasang bangos kung minsan. Ang pulutan namin doon ay sipol… kung may kaunting pera ay inihaw na mabahong tuyong pusit na parang kuwero ng sapatos.”
Parang hindi makapaniwala si Anto sa kanyang narinig, lalo na sa isang gaya kong alam niyang galing sa balitang marangyang lungsod. Akma akong dudukot ng sigarilyo sa kaha ngunit wala na palang laman, at napansin niya iyon.
“Ala’y ako na ang bibili, Manong,” at tumayo ito sa pagkakaupo sa gilid ng bangka.
“Hindi na bale, Anto. Pagdating ni Mando galing sa bayan, tiyak na may uwi iyong sigarilyo.”
“Ay, gagabihin ‘yon, Manong, kapag inabot ng ulan. Ala’y wala ka nang mahihithit,” parang nag-aalaala niyang sabi.
“Nakakatiis nga akong di manigarilyo kahit ilang araw,” paliwanag ko. Alam kong malayo ang tindahan, mga kalahating kilometro siguro mula kina Mando at, isa pa, wala akong pera sa bulsa.
Hindi na nagpumilit si Anto. Muli itong tumingin sa kalawakan ng dagat na ngayo’y marahas, dumadagundong sa pagdamba ang naglalakihang alon. Makapal na makapal na ang maiitim na ulap, nagbabantang bumagsak anumang oras. Katunayan, umaambun-ambon na, ngunit hindi ko pa napangangalahati ang isang galong tubang iniwan sa akin kangina ni Mando bago ito nagpunta sa bayan pero iisa na ang inihaw na isda sa dahon ng saging.
“Ala’y ang mabuti pa, Manong, ay sa bahay ka na bumarik. Mababasa ka dito,” mungkahi ni Anto.
“Gusto ko ngang maligo sa ulan. Masarap uminom, Anto, sa ulanan. Ikaw kasi, ayaw mong tumikim man lamang. Masarap uminom, Anto, lalo na’t itinatanong mo sa sarili kung sino ka, kung ano ka, at kung para ano ka.” Tinatangay na ako ng aking utak dahil marahil sa impluwensiya ng tuba.
Matagal akong tinitigan ni Anto, waring inaarok ang ibig kong sabihin. Bigla, bumuhos ang ulan, masisinsin at malalaki ang mga patak, parang mga palasong ibininit mula sa kalawakan. Akala ko’y iiwan ako ni Anto, ngunit hindi ito tuminag sa pagkakaupo, nakamata sa akin habang sinasalinan ko ng tuba ang baso.
“Lumagok ka nang kaunti para di ka ginawin,” sabi ko sa kanya.
“Ala’y talagang hindi ako bumabarik, Manong.”
Halos alipin na ako ng bisa ng tuba at ni hindi ako giniginaw sa kabila ng patuloy at malakas na ulan. Namalayan ko na lamang, sa gitna ng ulanan, sa saliw ng dagundong ng mga alon, sa harap ng basang-basa’t nakahalukipkip na si Anto, ikinukuwento ko sa kanya ang maraming bagay — ang kalupitan at kawalanghiyaan ng buhay sa lungsod, ang mga pagsasamantalang dinanas ko sa iba’t ibang trabahong pinasukan ko, ang mga pangyayaring nagbunsod sa akin upang talikuran ko ang kursong binuno ko sa loob ng limang taon sa isang pamantasan at ganap kong harapin ang pagsusulat ng mga katha, artikulo, komentaryo at mga tula. Naisalaysay ko marahil sa kanya ang lahat, maging ang pagkakatanggal ko bilang kagawad ng patnugutan ng isang pambansang magasin dahil natutuhan kong ipaglaban ang karapatan ng mga kapwa ko trabahador, hanggang sa malimit na ako’y napaggugutom.
“Alam mo, Anto,” natatandaan kong nasabi ko noon sa kanya, “di ka igagalang ng gutom, ng kahirapan sa siyudad, kundi ka marunong makibagay sa tugtog at kalakaran ng kaisipan at ng lipunan doon.”
Hindi ko alam kung gaano kami katagal noon ni Anto sa ulanan ngunit naalaala ko, matapos ang aking pagkukuwento, namumula ang malalaking mata ni Anto, kikisap-kisap.
Kinabukasan noon, sinisipon ako at nilalagnat, at nabalitaan iyon ni Anto. Agad siyang dumating sa bahay nina Mando, may dalang isang boteng gatas ng kambing para sa akin. At, buhat noon, hindi lamang kakilala ko si Anto — kaibigan ko na siya.
“Ala’y nagtataka ako sa iyo, Manong,” sabi minsan ni Mando. “Ala’y naging malapit na malapit sa iyo. Bihira ang kinakaibigan ni Anto dito. Ano ga’t parang mailap na manok-labuyo na napaamo mo.”
“Ako man ay nagtataka rin,” sabi ko.
Ngunit ang higit kong ipinagtataka, sa kabila ng mga araw ng pakikisalamuha niya sa amin ni Mando, lalo na’t kung ako’y malagihay at nagkukuwento ng mga kabalbalan at katatawanan, ni hindi man lamang tumatawa si Anto, ni hindi man lamang ngumingisi o napapangiti. Laging mamata-mata lamang siya sa amin ni Mando,pinapanood ang aming pag-iinuman, matamang nakikinig sa aming usapan at kapag napansin niyang kailangan namin ang anumang bagay, halimbawa’y sigarilyo o inumin, agad siyang kikilos at parang tungkulin na niyang gampanan ang mga bagay na iyon. Kung hindi namin siya kausapin ay hindi siya kumikibo, maliban na lamang kung may iniaalok siya sa akin. At, ni minsan, hindi niya nabanggit ang mapait at malagim na nangyari sa kanilang pamilya na pinakaiwas-iwasan ko ring ungkatin sa kanya.
HALOS ISANG buwan na ako kina Mando, sa mapayapang lugar na iyon na paraiso ng mga punong niyog at kahalikan ng mga alon. At naramdaman kong parang ako’y bagong silang, nasalinan ng bagong lakas, ng bagong mumunting pangarap, ng bagong katatagang harapin ang anumang hamon ng buhay. Ang larawan ng iniwan kong lungsod ay malabo na, pira-piraso na lamang at tinangay na ng mga alon. At, isang araw, sa nakatiwangwang na bangkang iyon sa pasigan, sa harap ng isang galong tuba, sa harap nina Mando at Anto, nasabi ko: “Baka sa darating na Linggo’y magpaalam na ako sa inyo.”
Nangulimlim ang mukha ni Anto.
“Ala’y di ka naman namin pinaaalis, Manong,” sabi ni Mando. “O baka nalulungkot ka dito at hinahanap-hanap mo na ga ang buhay sa siyudad?”
“Hindi naman. Ang totoo nga, ayokong-ayoko nang manirahan sa Maynila. Uuwi na lang ako sa probinsiya ni Itay, sa bukid.”
Hindi na pinanood ni Anto ang pag-inom namin ni Mando. Malimit na nakatuon ang tingin nito sa kalawakan ng dagat, at parang walang sigla ito sa pag-iihaw ng pulutan. Mayamaya, nagpaalam si Anto, diumano’y may bibilhin sa tindahan. Matagal bago ito nagbalik, halos ubos na ang tubang iniinom namin ni Mando. May dalang isang kahang sigarilyo si Anto at iniabot sa akin.
“Ito’y para sa iyo, Manong,” mahinang-mahina ang kanyang tinig.
Pagkaabot na pagkaabot ko ng bigay niyang sigarilyo, agad siyang tumalikod, lumakad patungo sa niyugang dinaraanan niya pauwi.
Dalawang araw na hindi ko siya nakita at naisip kong hindi siya nangisda dahil masamang-masama ang panahon, pabugsu-bugso ang hangin at gising ang mga alon sa karagatan. Ngunit kinasabaduhan, isang araw bago ako umuwi sa kinamulatan kong probinsiya, sa Kabite, maaga pa’y biglang sumipot si Anto sa bahay ng pinsan kong si Mando.
Bitbit ni Anto, sa kaliwang kamay, ang isang galong tuba at pasan-pasan niya ang isang bagong kapapatay na kambing na hindi pa nababalatan. Sa may tarangkahan pa lamang ay sumisigaw na siya, at malamig ang kanyang tinig, parang may kinikimkim na kahiwagaang mahirap arukin.
“Manong Roger! Manong Roger!”
“Aba’y para ano ‘yan? Wala namang handaan dito,” bungad ko.
“Ala’y bago ka man lang umalis bukas ay makatikim ka naman ng isa sa mga alaga ko.” Nagniningning ang kanyang malalaking mga mata. “Ikakaldereta namin ni Manong Mando. Mahusay akong magluto ng kaldereta, Manong.”
Nagpabili pa ng isang galong tuba si Mando. Magkakasarapan ang inuman, sabi niya, at isa pa, ayon sa kanya, kailangang isagad namin ang barikan sapagkat aalis na nga ako bukas. Abalang-abala naman si Anto sa pagkatay sa kambing, si Mando’y sa paghahanda ng mga rekado.
Sa harap ng dalawang galong tuba at umuusuk-usok at namamangong kaldereta, hindi ko malaman kung paano ko pasasalamatan ang isang taong halos ay paglingkuran ako sa hindi ko maisip na kadahilanan. Aywan ko kung sa mga araw na ikinalapit sa akin ni Anto ay nasalamin niya sa mga mata ko ang aking malalim na pagkaunawa sa trahedya ng kanilang pamilya.
“Makagaganti rin ako ng utang na loob sa iyo, Anto, balang araw,” nasabi ko sa kanya.
Hindi siya umimik, sumulyap lamang sa akin, habang nginunguya niya ang isang pirasong kaldereta, ngunit napansin kong parang may malalim siyang iniisip, patingin-tingin siya sa dalampasigan at, kalimitan, ay matagal siyang napapatitig sa niyugang iyon na dating kanila sa di kalayuan.
Marami na akong nainom at tumatalab na sa utak ko ang tuba, at naisip kong maglakad-lakad sa baybay-dagat, suyurin ng tingin ang mapayapang kapaligirang iyon na mahal ko na ngunit iiwan ko bukas. Napansin kong sinundan ako ni Anto at nang malayu-layo na kami sa kinaroroonan ni Mando, umagapay siya sa akin.
“Manong, ako’y may ipakikiusap sa iyo,” parang nagmamakaawa ang tinig ni Anto.
Napatigil ako.
“Sa akin ay di mo na kailangang makiusap,” nakangiti kong sabi.
“Ala’y talaga ga, Manong?” lalong lumaki ang malalaki nang mga mata ni Anto.
Tumango ako.
“Ako ga’y puwede mong isama bukas?”
“Iyon lang pala, aba’y oo!”
“Ay hindi mo ako naiintindihan, Manong.”
Napatitig ako sa kanya. Tumungo siya.
“Ang ibig ko gang sabihin, Manong,” parang nabubulunan si Anto, “ay ala’y sa iyo na ako makikipanirahan.”
Napanganga ako.
KINABUKASAN, hindi pa naglalagos ang sikat ng araw sa niyugan, nasa may hagdanan na ng bahay nina Mando si Anto at bitbit ang isang bayong ng mga lumang damit. Ang suot niyang polong puti, bagaman malinis, ay halos puputok sa kanyang katawan. Bitin ang kupasin niyang pantalong maong at naka-sapatos na de goma siya, ngunit walang medyas. Gayunman, maayos na maayos ang mahabang buhok ni Anto, sadyang sinuklay, hinatian sa gilid, at nalahiran ng pomada.
Bago kami tuluyang naglakad papunta sa kabayanan, pinilit ko muna siyang dumaan sa dati niyang tinutuluyan, kina Ka Masyong, upang sabi ko ay makapagbigay-galang man lamang ako sa matanda.
“Ala’y utoy,” sabi sa akin ni Ka Masyong, “ikaw na sana ang bahala sa batang iyan. Ala’y hindi ko ga maintindihan kung ano ang nakain niyan at hindi ko mapigil sa pag-alis. Ala’y hindi ko naman iyan kinagagalitan. Kung hindi iyan mawili sa iyo, utoy, ala’y ipinakikiusap kong ihatid mo man lamang dito.”
Nangingilid ang luha ni Ka Masyong nang iwan namin.
Napansin ko na matagal na tinitigan ni Anto ang makapal na niyugang iyon na dating kanila karatig ng niyugan ni Ka Masyong. Waring may saglit na balasik na dumalaw sa malalaking matang iyon na parang laging nagtatanong, nanunuri.
BUHAT NOON ay hindi ko kakilala lamang si Anto, hindi lamang kaibigan, kundi kapatid ko na. Ang totoo, ako’y talagang walang kapatid at, naisip ko, makatutulong din siya kay Itay sa paghahalaman, sa pagbubungkal ng kapirasong lupang iyon na minana pa namin kay Lolo.
Paggising na paggising ni Anto, isang oras makaraang tumilaok ang mga manok sa madaling-araw, nakaugalian na niyang linisin ang bakuran, walisin ang nangalaglag na mga tuyong dahon ng mangga, alisin ang anumang sukal. Pagkatapos, didiligin niya ang mga tanim na gulay ni Itay at, bago mag-almusalan, napakain na niya ang tatlo naming alagang baboy, gayundin ang mga manok. Ako’y kalimitang sa bahay lamang nagbubumabad sa harap ng aking makinilya, habang kasama ni Itay sa bukid si Anto. Manaka-naka, lumuluwas ako ng Maynila, nagbibigay ng mga katha o artikulo sa mga pasulatan at hindi iilang ulit na niyakag ko si Anto upang makarating man lamang ‘ka ko siya sa lungsod.
“Ala’y dito na lamang ako, Manong. Walang makakatulong si Itay,” lagi niyang idinadahilan sa buo, ngunit malamig na tinig na iyon.
Sa tingin ko, parang nawiwili at nasisiyahan na rin si Anto sa paninirahan sa amin; maganda naman ang pakikitungo sa kanya ni Itay, para na ring anak. Ngunit sa kabila niyon, hindi ko pa siya nakikitang tumawa ni ngumiti man lamang. Ang maluwang na bibig na iyon ay waring ganap nang inulila ng kahit bahagyang pagngisi.
“Masipag na bata ‘yang si Anto,” minsang nasabi sa akin ni Itay. “Pero di ba marunong tumawa ‘yan?”
“Napansin din ho pala ninyo,” nasabi ko.
“Talaga bang ganyan ‘yan?” parang hindi makapaniwala si Itay.
Matapos kaming makapag-ani noon sa bukid at maibenta ni Itay ang ilang kabang palay, gayundin ang tatlong baboy na halos si Anto na ang nagpalaki, bumili si Itay ng ilang damit para kay Anto saka dalawang daang sisiw upang diumano ay maging aliwan ni Anto sapagkat ni hindi man lamang nakikibarkada si Anto, ni ayaw manood ng sine sa kabayanan kung Linggo, at lalong hindi nga umiinom. Kung gabi, saglit itong makikinig ng radyo, mga awitan at tugtugan, at pagkatapos ay matutulog na.
Alagang-alaga ni Anto ang mga sisiw, halos ayaw na ayaw niyang gagapangan man lamang ng langgam ang kulungan o bahay ng mga iyon na mismong siya ang gumawa mula sa mga kawayang siya rin ang pumutol ngunit, isang umaga, halos kagigising ko lamang, narinig ko ang tinig ni Anto, hindi mahina, kundi malakas, hindi malamig, kundi galit.
“Ala’y putang ina!” noon ko rin lamang siya narinig magmura. “Ala’y papatayin ko ang mga dagang ‘yon!”
Mga limang sisiw marahil ang patay sa kulungan, kinagat ng mga daga. At, kinagabihan, hindi natulog si Anto. Dala-dala ang isang lente at pamalo, nakita kong nagtuloy siya sa kulungan ng mga sisiw, naupo sa madilim na sulok habang mahigpit na tangan ang isang malaki-laki rin namang piraso ng kahoy.
Nang magising ako kinaumagahan, ang bumungad sa akin ay si Anto, halos sagad hanggang tainga ang pagkakangisi, parang gustong tumawa, habang hawak sa buntot ang dalawang malalaking dagang muntik nang malasog ang katawan sa pagkakapalo.
“Ala’y, Manong, napatay ko ang mga putang ina!” sabi ni Anto. “Nakikita mo ga ang mga ito?” at bahagya pa niyang iwinasiwas ang mga patay na daga.
Napanganga ako.
Isang hapon naman, pagkagaling ni Anto sa bukid, pinabili ko siya ng hinebra sa tindahang malapit sa amin. Hindi ko maituluy-tuloy ang sinusulat ko noon, parang tubig na ayaw umagos ang aking utak, parang may mga bakal na dumadagan sa aking dibdib. Ilang saglit lamang, humahangos na dumating si Anto, dala ang isang boteng hinebra, nakangisi na naman at maligayang-maligaya ang malalaking mga mata.
“Nabalitaan mo na ga, Manong?” agad niyang tanong sa akin.
“Ang alin?”
“Ala’y, Manong,” halos lumitaw ang buong gilagid niya sa pagkakangisi, “ano pa ga? Ala’y namatay si Ka Berta… iyon gang usurera sa lugar natin. Binangungot daw at nakangiwi daw. Ay, Manong, kagat-kagat pa raw ang dila.”
Lalong hindi ko naituloy ang aking sinusulat. Uminom na lamang ako. At nang sabay-sabay kaming kumain ng hapunan nina Itay, maganang-magana si Anto sa pagsubo, malalaki’t sunud-sunod.
Matagal bago ako nakatulog nang gabing iyon. Naglalaro sa utak ko ang ngisi ni Anto.
Ang pangyayaring iyon ay naulit isang araw na galing ako sa Maynila matapos magdala ng isang katha sa isang diumano’y sikat na magasin. Sapagkat pinalad akong makasingil, bayad sa artikulo kong nalathala, naisipan kong ibili ng sapatos de goma at dalawang medyas si Anto upang, naisip ko, kung sakaling maisipan niyang mamasyal sa kabayanan, may maisuot naman siyang maayus-ayos dahil butas-butas na ang dati niyang sapatos at parang mahihirapang magkahusto sa malalaki niyang mga paa.
Agad akong sinalubong noon ni Anto, nakabungisngis siya, waring tumatawa pati mga mata.
“Pasalubong ko sa iyo, Anto.” Ngunit ni hindi man lamang niya pinansin ang iniaabot ko sa kanya.
“Ay, Manong Roger,” parang gustong bumunghalit ng tawa si Anto. “Ay, Manong… tiyak na hindi mo pa alam. Ala’y nasunog kangina ang bahay ni Ka Ignacio… tupok na tupok. Ano ga’t ni damit ay walang nailigtas. Ala’y hanggang ngayon daw ay iyak nang iyak si Ka Ignacio… para daw maloloko!”
Ang tinutukoy ni Anto ay isa sa mayayamang propiyetaryo na may-ari ng mga dalawampung ektaryang bukid sa lugar namin na, ayon sa kanyang mga magsasaka, ay napakatuso sa partihan at iniuuwi pati tulyapis at kung maningil ng pautang, hahakutin ang ani ng kanyang mga magsasaka kahit walang matira sa mga iyon makabayad lamang agad sa kanya.
Ni hindi binuksan man lamang ni Anto ang kahon ng sapatos. Ni hindi man lamang niya itinanong kung ano iyon.
ANG KAMALASAN ay ipinagkaloob na yata sa amin, kakambal na namin, at ang karalitaan ay talagang mahirap matakasan, parang isang aninong laging aali-aligid saka biglang sasalakay, walang pinipiling oras ni pagkakataon, at walang iginagalang na damdamin o kaisipan.
Biglang-bigla, isang dapithapon, akay-akay na iniuwi ni Anto buhat sa bukid si Itay, namimilipit sa sakit ng tiyan, nanlalamig ang halos buong katawan. Sapagkat malayo ang kabayanan at ni wala namang doktor sa nayon namin, ipinasundo ko kay Anto si Ka Mentong albularyo. Nagsangag kami ng bigas, ginawang parang kape, at ipinainom kay Itay. Nagpakuha pa si Ka Mento ng ilang dahong banaba, sinalab sa apoy, saka itinapal sa tiyan ni Itay. Ngunit nasira ang pagka-albularyo ni Ka Mento.
Maagang-maaga pa, kinabukasan, kinuha ko sa munting baul sa sulok ng silid ang kaunting halagang naimpok ni Itay. Umarkila ako ng karitela at pinagtulungan namin ni Anto na maisakay doon si Itay, dinala namin sa bayan sa isang diumano’y mahusay na doktor. Ngunit iminungkahi lamang sa amin ng doktor na dalhin agad sa ospital si Itay, diumano’y malala na ang ulser at kailangang operahin.
Inihatid ng ambulansiya ng munisipyo sa ospital ng probinsiya si Itay. Napilitan naming isangla kay Ka Mamerto, isa ring propiyetaryo sa bayan namin ang kapirasong lupang iyon na minana pa ni Itay mula sa kanyang ama. Napilitan akong pumirma, sa kapahintulutan na rin ni Itay, sa isang kasulatang kung hindi namin matutubos ang lupa pagkaraan ng anihan, may karapatan si Ka Mamerto na ilitin iyon, embarguhin.
Maayos na si Itay, nailabas na ng ospital, ngunit kailangan niyang magpahinga ng mga ilan pang buwan sa bahay kaya si Anto ang bumalikat ng lahat niyang gawain sa bukid. Nakita ko sa mukha ni Anto ang matibay na kapasiyahang gawin ang lahat niyang magagawa, mapangalagaan nang husto ang mga pananim, alisan ng mga insekto, bunutan ng mapaminsalang mga damo. Laging sibsib na ang araw kung siya’y umuwi ng bahay.
Mahalimuyak ang magandang ani, mabubulas ang mga palay, malulusog ang mga gulay, at matataba na ang mga manok ni Anto. Ang pag-asa’y naroroon lamang, bibitin-bitin, at naghihintay lamang ng tamang panahon para pitasin.
“Kung papalarin tayo,” sabi minsan ni Itay isang gabi sa harap ng hapag-kainan, “makababayad tayo kay Ka Mamerto. Napakalaki ang utang na loob natin kay Anto.”
Masiglang-masigla si Anto nang gabing iyon, hindi agad natulog, matagal na nakinig ng awitan at tugtugan sa munti naming radyo.
Ngunit, mga isang buwan na lamang bago mag-anihan, ang kamalasan, parang sinasadya ng pagkakataon o kalooban diumano ng Diyos, ay waring dambuhalang buwayang nanibasib, sinakmal at nginatngat maging ang kaliit-liitang hibla ng aming pag-asa. Nanalasa ang isang malakas na bagyo, bumaha, at ganap na napinsala ang lahat ng mga pananim ni Itay at ang matatabang manok ni Anto ay dinapuan ng peste, isa-isang naghingalo at nangamatay.
“Hindi bale,” matibay pa rin ang loob ni Itay. “Makikiusap ako kay Ka Mamerto na sa susunod na anihan na tayo magbabayad. Mauunawaan niya tayo.”
BUHAT NOON, naging tamilmil na sa pagkain si Anto, sumubo-dili. Kung umaga, hindi na niya pinagkakaabalahang walisin ang bakuran at malimit siyang natitigilan. Sa bukid, kung kasama niya si Itay upang linisin ang mga pininsala ng baha, malimit ding nauupo lamang siya sa pilapil, tititig sa kalawakan. Hindi na rin siya nakikinig ng radyo kung gabi, agad na hihiga at isusubsob ang mukha sa unan.
Hindi napakiusapan ni Itay si Ka Mamerto.
“Ala’y paano ga tayo ngayon, Manong? Saan ga tayo lilipat?” Hindi na malamig ang tinig ni Anto noong gabing iyon mga tatlong araw bago nakatakdang ilitin ni Ka Mamerto ang lupang iyong waring mahal na mahal na ni Anto. Si Itay ay nasa may bintana, nakapangalumbaba, parang may inaaninaw sa madilim na kalawakan sa labas.
“Bahala na,” parang wala sa loob kong sabi. “Ang mabuti pa’y ibili mo ako ng hinebra.”
“Ala’y pabarikin mo ako ngayon, Manong… mga dalawang tagay lamang,” mariin ang pagsasalita ni Anto at may balasik sa malalaki niyang mga mata.
Nakadalawang boteng hinebra ako nang gabing iyon, at hindi ko matandaan kung uminom nga o hindi si Anto.
Kinabukasan ay kumalat ang balitang pinatay si Ka Mamerto, ginilit ang leeg, nilaslas ang tiyan, at lumuwa, diumano, ang bituka.
Buhat noon ay nawala na si Anto.
May asawa na ako, at dalawang anak.
At magpahanggang ngayon ay hinahanap ko siya. #
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...
-
Ang Kabaong: Higaang Panghabang-Buhay o Patay Magandang araw sa mga aking mambabasa, aking ilalahad ang mga kaganapang nangyari sa amin, sa...
-
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...