SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Linggo, Marso 25, 2012

MANILES JHEN y (kakai)

The DECALOGUE (ang emitasyon ng tulaysay)
Ikalawang tagpo: the bloods along the roads...

gamit ma'y kalabaw, baka'y laging sigaw
makibaka syndrome sa nerves lumilitaw
ang banner at plakards sa air sumasayaw
sa kalye mendiola while tirik ang araw

hayon sa camera'y taas ang kamao
si kakai sa gitna ng maraming tao
ang boses sa kanyang loudly megapono
umaapoy na nga at nakapapaso

kaliwa at kanan ang hanay ng paa
at martsa pasulong kabit bisig pa nga
mga sumisigaw EDSA DOS ang tema
hangad patalsikin si Simon Ivanna

tinangka pa nilang lumampas sa guhit
sumugod pasulong kahit na off-limit
sa hanay ng mga raliyista't pulis
tulak, palo, sigaw nang lahat ay magmeet

nagmistula pa ngang piyesta ng San Juan
ang protesta ni Jhen sa lugar piketan
nang biglang kinasa ang Water Machine Gun
tinutok sa hanay at pinaulanan

saglit ng nabuwal ang force of their union
katawa'y bakat sa wet dress at pantalon
ngunit di nanlamig ang kompederasyon
sapagkat in their heart may apoy na nandun

speaking of apoy -maraming nabigla
ang pyesta ng San Juan turned Fiesta ng luha
nang nagkarambola along the Mendiola
batuhan ng bato Versus Fiery bala

humihip ang hanging nagmula sa North Pole
nangatog ang tuhod, tumba ang nasapul
nagka-riot na nga for Sinopsis of Whole
um-Echo ang kaba, ang galit, ang Pistol

report ng reporter, "Mel, Mike, Ito na nga...
nagkakagulo po, may gulo, may Gera?"
habang walang tigil Camera ni Anna
at hayon sa lente si Jhen nakahiga...

DON FELIMON POSERIO

Unang tagpo: Along the somewhere Avenue
The DECALOGUE
(ang emitasyon ng tulaysay)



At trapik ang EDSA dahil sa banggaan
Ng ‘sang tenwheeler truck at ng old pinkish van
Sabay pang bumara ang media’t policemen
At mga kulapung alagad ni chairman

Kuwayr de musika ang mga busina
Sopranadong tila granada sa tenga
O piratang kopya ng RAP ni mag’lona
At si Don ay gayong inip na sa pila

Sumenyas sa berde ang ilaw trapiko
Senyales sa pag-GO! Ng atat na AUTOS
At nang humagibis karton ni poserio
Nitong tatlong gulong ng bote at dyaryo

Nagpark ang de tulak sa bundok ng kalat
Deretso si dondon sa kanyang pagbuklat
Ng plastik-kalakal sa sako nýang payat
Sukat ay bumigat sa timbangang tapat?

Nakipagpyestahan sa uod at bangaw
Daga, germs at askal mga kaulayaw
Non-stop sa pagkalkal though týaý sumisigaw
swerte’t nakapulot ng pagkaing bahaw

biglang hablot, agaw ng babaeng buntis
sa kalakal ni Don nang sýaý kinilatis
teritoryo nýa raw ang lugar na itich
pruwebaý nilabas titulong malupit!

Ang karton ni Dondon sa kalye ng libis
Biglang humarurot along the long streets
Sa ibang direksyon agad humagibis
Na tila bubuyog nang lumipat ng place

Maliit ba ang Earth, mundo baý maliit
Humandusay ang guy, ang si Don na petite
Sumabog sa kalye ang yaman nýang bitbit
Naknock-out sa Car ni montuerto Cahilig

Pumito ang pulis na malapit sa scene
Tinikitan itong humintong limmusine
Na bumangga sa may lalaking gusgusin
Na hayong naratay with blood at grabeng pain

Nanaginip si Don na sýaý nakahiga
Na kayakap si “CHELLE” na model ng mga…
Dun sa kamang putiý nananaginip sýa
nakaBench brief si don, si Girl nakaBench Bra

ang sýang nasilayan nitong nakabenda
puting kasuotan ang unang nakita
ang nurse na may hawak ng tray at tableta
nang sýaý magkamalay, nang mataý gumana

pumasok si Montwets at ang pretty Doktor
at inistethoscope ang chest n’yang may tambol
kalabog ata ‘to ng kaba o takot
pagkat nakita nýaý seems himself sa mirror

kambal na tadhana ang mukhang natupad
nitong pagtatagpong kamukha katulad
nang di nýa kinaya ang puzzle? Na gawad
hayon si Dondon ay hinimatay agad

siyaý nakapikit bukas ang pandinig
dinig nýa ang buntis sa atungal na pig,
ang sigaw ni Montwerts, ang gamot sa bibig,
ang palahaw ng nurse, kanyang naririnig…

Tala-arawan bilang 1

March 25, 2012

                Haribol! nilaanan ko ang sarili ko ng  tatlong minutong katahimikan, pumikit nang dahan-dahan, taimtim na bumigkas ng salita, "Focus!". Ang gulo ng buhay ko ngayon, kulu-kulubot, buhol-buhol. Basta, parang binagyo ng trouble kahit summer na! Wew! Andami ko nang naiisip na lugar na pwedeng puntahan, pagliwaliwan, paglalakwatsa... minsan naglalakbay na nga ang isip ko kung saan, nauuna nang nagbabakasyon. Tapos, magugulat na lang ako nang biglang may tatapik sa aking balikat. "Ayus ka lang?", magbabalik ako sa realidad. Ngingiti, tatango sa nagtanong. Tsk! Hindi pa pala pwedeng magsaya, andami pang dapat gawin, at dapat unahin at tapusin. Kailangan ko pang gumawa ng mga bagay-bagay. Pero ewan ko kung dulot ito ng katamaran, o dahil sa wala lang talaga akong focus  sa dapat pagtuunan talaga ng pansin. Kailangan ko pa ng Narrative Report, Requirements sa Aplikasyon sa nalalapit na pagtatapos, minumulto pa kami ng tesis na hanggang ngayon hindi pariun tapos (actually, papabookbind na lang! kaso ewan, walang oras sa pagpapabookbind o pwede ring tinatamad magpabookbind ), requirements pa sa aking kritikong guro, utos pa sa bahay. Haaay!
  Minsan nasisigawan ako ng guro ko sa Dulaan kapag tulala ako't iba na naman ang ginagawa sa dapat na unahin, pokus!!! "CAPITAL FUCK!! FOCUS"
       Ang hirap magkaroon ng Focus ngayong panahon na ito, andaming nasa paligid na makakakuha ng atensyon mo, mang-aagaw ng pansin mo at itutuon ka sa ibang bagay. Parang ngayon, dapat gumagawa ako ng journal para sa aking ulat pasalaysay pero anong ginagawa ko, nagpapakahirap magtayp para lang maisulat ang kaisipang tumatags sa panipis kong bunbunan. FOCUS Mon! FockusS!

Free-paste


                Nagmamadali na ang pananabik na ang tintaý kumalat sa dahong burador na ito, ang anyong jargon o pinakanto sa talipapa nitong “Mga Pahina ng Pagkatao (ni Don Felimon Poserio)” Blog ng nilalang na walang magawa.
Bilang sagot sa puzzle ng kanyang realidad; ang “Mga Pahina ng Pagkatao(ni Don Felimon Poserio)” ang koleksyon, mga tala at minadaling katha ay ang bagong machine gun ng dila ng may akda ay nagpapaliwanag ng kandila tuwing brown-out o kung naputulan na ng linya ng jumper sa meralco (sabi nga "may liwanag ang buhay kung walang bantay")
        Ang wika na gamit sa koleksyon ay halaw sa English Carabao at sa pinalalim na salitang balbal na mabisang reperensya ng mga taong di nagbabasa, ng mga bungangera, Tsismosa, mga pastol, mga nag-aaral sa labas ng paaralan at  sa mga nangangaral, o maging sa mga napapagal, walang hilig magmahal at sa mga tulad naming hangal. Ang diwa ay antigong tagalong-itlog  sa limliman ng klasikong nagmamaka-makata ( ang totoo'y utak-tilapya). Sa kanyang paJaporms na salin ng katauhang hindi matanto, katangian at di maunawaang kalinangan sa wikang Filipino at wikang E.T na matutukoy sa konteksto ng mga salita, instraktural ng mga talata, pagkakasunod-sunod ng salitang wala sa ayos, at balarilang di malasahan kung totoong tama o kung  totoong hindi totoo. pero gaya nga ng sabi ko, hangarin ay magpakatotoo.            

                Ayon sa tala, ang “koleksyong ito” ay isa lang sa di mabilang na kathaing pinagwagian ng di nagmamaliw na kantyaw at panghuhusga sa may-akda…

Sa lahat ng babasa, pagkaumay ay huwag nawang manariwa… again,

"welcome to the JUNGLE!!"

“ Welcome to the JUNGLE !!! ”

Namaste!  iniisip ko rin hanggang sa ngayon kung ano kayang pwedeng maisulat dito,
naisipan ko kasing magkaroon ng diary, pero gusto ko sana may babasa rin nito, kahit papano, malay ko ba... na baka makatagpo ako ng taong makakaintindi sa sinusulat ko. iyong tipo ng tao na hindi ka pagtatawanan matapos niyang mabasa ang mga kadramahan mo sa buhay. Na kahit na minsan ay wala namang kabuluhan, literal na kwentong walang kwenta, ngunit dahil sa walang magawang matino ay titipa ng keyboard kahit na minsan hindi naman alam ang isusulat. gaya nito na hanggang sa ngayon iniisip ko parin kung ano bang isusulat ko dito. hehe


         Siguro, marahil Maaaring hindi ito yung pinagpipitagan at pinapangarap mong basahin o babasahin. Ngunit sa hindi anupamang kadahilanan, nais nitong bigyan tayo ng insintiba’t rekotitus na hindi nabibili sa bangketa at ukay-ukay na ang mga nakasulat sa blog na ito ay totoong katibayan ng isang likhang naghahangad lamang maging totoo at magpakatotoo. Saan man tayo dadalhin ng mga palipad-isip at hinabing mga salita, ng bawat pangungusap o ng bawat sugnay (makapag-isa man o di makapag-isa) ay nawang magdulot ng (hindi sana paghikab bagkus ay) kasiyahan at kabutihan sa mas mainam pang pagtipa ng mga sangkurot na diwa, kaisipan, kaalaman; at nawaý makatulong ang mga nakapaloob na konsepto sa ating ganap na pagmulat pa sa mas malawak na daigdig ng buhay at pakikipagsapalaran.

                Tulad ng karaniwang nangyayari at nararanasan ng isang baguhang (ops! pwede namang sabing manunulat? wag muna! sabihin na nating ) nagsusulat na nauuwi sa litong isipan at pagkalito sa “kung ano ang dapat unahin sa dalawa: Magplano o Gumawa?”  Pinagtitibay ng pagpaplano ang kahandaan at istilo o kalinangan pa sa pagsulat, subalit ang tanong ay “kailan ka magsusulat?” 

                        Produksyon. Kailangan ang aksyon at pagbuo. Katibayan ito na may kahihinatnan ang bawat paghahanda, kahit na skeletal proceeds of one’s ideas. Basta lang may maipakita. Para bang pag-iipon sa sariling Bank Account, dapat may Maintaining Balance, dapat ay may deposit. Sa kabuuan, ang balik din ay sayo. Habang lumalaki’t dumarami ay magiging mas kapaki-pakinabang. Na hindi ko rin alam kung malabo nga ang halimbawa ko. Anong bank account?    Hindi. Ano lang pala, parang  pagtatanim, kapag may ipinunla, may tutubo. At malay natin pagdating ng tamang panahon, ng tamang pagkakataon, yung mga ipinunla, magiging halaman, tapos ay magiging puno matapos na diligan ng mga sansaglit na sandali, magbubulaklak, maililipat yung pollen by the help of the butterflies along the field, magbubunga, magiging mga puno. Tapos magiging gubat! Tapos magiging mga punong punong-puno ng bunga.

So, as of now 

“ Welcome to the JUNGLE !!! ”

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...