April 1, ang daming nagbiro, nagloko, nag-joke kasi nga April fool's day. May nagsabing buntis sila, o nakabuntis, o pagtatapat na sila ay bakla o may asawa na at iba pang panggogoyo sa tao. Ang maniwala sa joke na 'yun, wag mapipikon, kasi April fools. So sa pagtapat ng ganung araw dapat walang seryosohan, ang pikon? talo. Nakikiuso lang dapat chill ka lang. Dati sabi ng crush ko, crush niya din ako tapos ako naman 'tong di mapaglagyan ang tuwa at abot langit ang ngiti, nagtapat na matagal ko na talaga siyang gusto, at ang sagot niya ay isang malutong na halakhak at sa dulo ang salitang 'April fools!". At oo, ang unang heart break ko yun nung college. At dahil uto-uto ako at hindi na natuto. Kanina nagtapat ulit ako sa kanya, pagkatapos ang pitong taon na lumipas samin, at nung nagulat siya, sasabihin ko sanang 'April fools!" Pero bigla niya kong niyakap. At natutuwa daw siya na sa tagal na panahon bakit ngayon lang daw ako umamin. Sabi ko naman humanap lang ako ng tyempo. Pero di paman natatapos ang paliwanag ko ay hinalikan niya ko sa labi. So ayun na nga sa madaling sabi gusto niya rin daw ako at wala nang chechebureche ay naging kami. Nakacross finger ako na sana hindi niya maalalang April 1 ngayon at yung about doon sa 'April fools day fever!'. Ang hirap kasi nang matapos mong totohanin ang lahat sa dulo ay joke lang pala. Yun ang mas masakit. Pero tingin ko naman at last ay katotohanan na nga ang meron samin ni Jessica. Naramdaman ko namang totoo na siya this time at ang nararamdaman ko? Bagamat wala akong ganitong balak na totoohanin dahil gusto ko lang sanang gumanti sa ginawa niya sakin noon. Pero napasubo na e, panindigan ko na, ang totoo crush ko parin siya hanggang ngayon. Di ko lang talaga inakalang mauuwi sa ganito. Lumabas kami at kumain sa mall, nanood ng sine at hinatid ko na siya sa kanya. Bago siya bumaba ng taxi ay may tumawag sa phone niya at sinagot niya yun. Kinabahan ako bigla at parang butil-butil na pawis ang nagpatakan sakin. May kausap siya sa phone at baby ang tawag niya. At ayun na nga, after ng phone call ay pinagtapat niya sakin ang lahat. May baby na siya, lalaki at 3 years old na pero iniwan siya ng lalaki at di rin naman sila kasal, So technically single siya, single mom. Nagtanong siya sakin kung okay lang ako, ang matindi hon na nga agad ang tawag niya sakin, at bago pa ko makapagsalita ay napalunok ako ng laway, humagalpak ako, at di tumigal hanggang sa makita kong kumunot na ang noo niya at mukhang naaasar na ay tumayo ako at sumeryoso sabay sabing 'April fools!" Hahahhahah. Tapos, nagpaalam na ko, "Jes, Sige bye!" Sabay talikod at takbo. Happy
April fools day sa lahat!